#AskDok: May paraan ba kung paano masisigurong manganganak ng normal at maiwasang ma-CS ang isang buntis?

Plus tip kung ano ang pinakamagandang gawin ng isang buntis upang mapaghandaan ang panganganak.

Buntis o nagbabalak magbuntis at nagnanais malaman kung paano manganak ng normal delivery, ito ang payo ng isang doktor na maari mong gawin.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paano manganak ng normal delivery?
  • Maiiwasan ba ang panganganak ng cesarean?
  • Paraan para mapadali ang panganganak ng normal ng isang buntis

Paano manganak ng normal delivery?

Kung hindi man lahat, malamang maraming babae ang nais manganak ng normal. Sapagkat kumpara sa cesarean section delivery ay mas kaunti ang maaaring komplikasyon nito at hindi masyadong makakabigat sa budget ng babaeng nagdadalang-tao.

Pero ayon sa OB-Gynecologist na si Dr. Katrina Tan ng Makati Medical Center, kadalasan ang panganganak ng cesarean section delivery ay hindi maiiwasan. Lalo na kung dapat gawin ito para sa kaligtasan ni mommy at kaniyang baby.

Normal delivery | Larawan mula sa iStock

“’Yong mga common indications for a cesarean section ay failure of labor to progress. Your contractions may not open your cervix enough to make your baby go down further into the vagina.”

Aniya may mga karaniwang dahilan kung bakit kinakailangan ang cesarean section ang paraan ng delivery:

  1. Fetal heart rate. “Kapag may nakita tayong abnormalities sa fetal heart rate na kinakailangan na mabilisan ang pag-deliver ng baby.”
  2. Problema sa placenta.
  3. Posisyon ni baby. “Kapag hindi nakaposisyon ang bata, kapag suhi o breach presentation.” 
  4. Other medical conditions katulad ng infection. “Kapag may mga condition na medikal at also mga infection na mas makakabuti kung we deliver the baby via cesarean section.” 
  5. Masyadong malaki si baby. “If you have a big baby, most likely ma-ce-cesarean ka.”

BASAHIN:

#AskDok: Ano ang pinakamabisa at ligtas na paraan para mapabilis ang panganganak?

Pangangasim ng sikmura ng buntis, paano maiiwasan?

#AskDok: Puwede bang mag-diet habang buntis?

Maiiwasan bang ma-cesarean ang isang buntis?

Photo by Vidal Balielo Jr. from Pexels 

Ito umano ang ilan sa mga dahilan kung bakit nase-cesarean ang isang buntis na ayon sa pananaw ni Dr. Tan ay hindi basta mababago o maiiwasan. Pahayag pa niya,

“If you look at the reasons ng cesarean section, ano diyan ‘yong modifiable?  I mean meron bang mga reason na puwede nating mabago o ma-modify by doing something? I think failure of labor to progress is really just your pelvis and the size [of the baby] o ‘yong dynamics ng baby na bumaba. We really can’t do nothing about that.”

Pero kung may isang bagay nga umano na maaring gawin ang buntis para maiwasang ma-cesarean at makapanganak ng normal. Huwag masyadong palakihin ang sanggol na nasa kaninyang sinapupunan. Kailangan bantayan ang paglaki ni baby sa simula pa lang ng pagdadalang-tao. Pero sa kabuuan, lalo na sa oras ng emergency na panganganak, ayon kay Dr. Tan, hindi maiiwasan ang ma-cesarean.

“When I look at all the possible indications ng cesarean section, I think ‘yong large baby lang ang puwede nating maiwasan. If you know from the very beginning that you are diabetic and your doctor places you on a diabetic diet to prevent ‘y0ng big baby, I think that’s something that you can do to prevent a cesarean section. But other than that, I don’t think there is really any way to prevent a cesarean section.”

Totoo bang kapag malaki ang balakang ng buntis mas mataas ang tiyansa niyang manganak ng normal?

Dagdag niyang paglilinaw, pagdating sa panganganak ng normal, hindi rin basehan ang laki o size ng balakang ng isang buntis. Nakadepende pa rin sa contraction, katawan ng buntis at sa sanggol na kaniyang ipanganganak.

“It’s not only the size of the pelvis o yung balakang. It’s when you go into labor. The interplay between the power of ‘yong contraction, the pelvis, and the passenger.”

Dagdag pa niya, “You might have big hips but you really have a big baby. Or what if naman you have small hips but your baby naman is small and can pass through. Or what if naman if you have big hips and small baby, but your contractions aren’t enough.  So, it’s an interplay of those factors. And saying one factor might affect the whole thing might not be correct.”

Paraan para mapadali ang normal delivery ng isang buntis

Larawan mula sa iStock

Para mapadali naman ang panganganak ng buntis via normal delivery, ayon parin kay Dr. Tan, may isang paraan na maaaring gawin para ito ay mapaghandaan. Dagdag papaliwanag pa niya,

“There are classes now that promotes proper breathing exercises that can help pregnant women to bear down or how to contract their muscles down there. Parang this helps you familiarize the muscles that you will use during delivery. I think that one might be useful. Because kumpara sa babaeng buntis na never na-inform, I mean if you have prepared initially o nakarinig ka ng mga classes tulad niyan that teaches you how to bear down, how to hold your breath, how to anticipate all of these changes in your body I think that mommy will be better prepared.”

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.