Ang pagiging matalino ng anak ay hindi sa pansariling kapakanan lamang. Hindi ba’t nakakataba ng puso kapag nakikita mo ang anak mo na nakakagawa ng tamang desisyon sa mura nitong edad?
Ang pagiging matalino ng anak ay isang assurance bilang isang magulang sa kanilang magiging future. Mapapanatag ka at mawawala kahit papaano ang pangamba sa dibdib mo kapag dumating sa punto na kailangan nang tumayo sa sariling paa ang anak mo.
Paano tumalino ang baby? 8 paraan para tumaas ang IQ ng anak mo
Kaya naman hangga’t maaga pa lamang, hasain na ang talino ng iyong anak! Pero remember moms, ‘wag lumagpas sa line, ha. Kailangan pa rin na ma-enjoy ng iyong anak ang kaniyang kabataan. ‘Wag masyadong ibabad sa mga libro.
Narito ang walong na paraan kung paano tumalino ang iyong baby.
1. Breastfeeding
Hindi biro ang benefits na taglay ng gatas ng ina. Marami ang makukuha ditong nutrients ni baby habang siya ay sanggol pa lamang. Ang breast milk ay mayaman sa immunoglobulin A na nakakatulong para maiwasan ni baby ang mga bacteria at virus. Napoprotektahan ng immunoglobulin A ang sanggol sa pamamagitan ng paggawa ng protective layer sa ilong, lalamunan at digestive system ng bata. Bukod pa rito, ang mga batang lumaki sa breast milk ay malayo na magkaroon ng iba’t ibang sakit katulad ng diabetes, leukemia, allergy at iba pa.
Napag-alaman din sa pag-aaral na mayroong special ingredient ang breast milk na makakatulong sa pagdevelop ng brain ni baby. Kaya naman mas advisable ang gatas ng ina sa unang mga buwan ng sanggol.
2. Read, read and…READ!
Isang sikreto ng matalinong tao ang pagbabasa ng iba’t ibang uri ng libro. Hindi sapat ang sariling karanasan ng tao bilang parte ng kaniyang talino. Sa tulong ng pagbabasa, para na ring binabasa niya ang utak ng ibang tao. Kung nais umpisahan ito, maaari mong bigyan ng makukulay na libro ang iyong anak. Dito niya makikita ang iba’t ibang uri ng prutas, hugis, hayop at iba pa! Hindi man siya nakakabasa, malaking tulong pa rin na maging pamilyar siya sa mga bagay.
3. Hayaang tumuklas ng mga bagay
Parte ng learning journey ng iyong anak ang magkamali. Kaya naman kung isang araw at gusto niyang isuot ng sarili niya ang kaniyang damit, hayaan lamang ito. In fact, maganda itong senyales na may development ang learning ng anak mo. Alam na niya ang gamit ng damit at kung saan ito isusuo!
Hayaang magkamali ang iyong anak. Ito ang isang paraan para maging malakas siya.
4. Curious kids!
Likas na sa mga bata ang pagiging palatanong. Kaya naman, magbaon ng dobleng pasensya moms! Nasa learning stage ang iyong anak at lahat ng nakikita niya ay itatanong niya. Kaya naman ‘wag kakalimutang sagutin siya ng mahinahon at ipaintindi ang silbi ng bagay na iyon.
5. Purihin ang iyong anak
Mahilig makarinig ang mga bata ng papuri. Ang simpleng “Ang galing naman ni baby!” ay kukumpleto na sa kanilang araw. Sa bawat papuri na kanilang matatanggap, magsisilbi itong inspirasyon nila at dahilan kung bakit ginaganahan na mag-aral o magbasa ulit.
6. Bumili ng mga educational building toys
Sa paglalaro unang natututunan ng mga bata ang critical thinking skills. Katulad ng pagbubuo ng tower blocks, puzzles o game board. Kaya naman habang break sa scheduled study, bigyan ito ng laruang nagpapagana sa kaniyang utak.
7. Healthy lifestyle
Siyempre, mahalaga pa rin ang magkaroon ng healthy lifestyle ang iyong anak. Siguraduhin na binibigyan ito ng tamang sukat o quantity ng pagkain na pasok sa kaniyang diet. Nandyan ang dairy, vegetable at prutas. Iwasan ang pagkain ng junk foods na walang sustansya at maaaring makaapekto sa kanilang utak.
Maaari ring isama sa morning walk ang iyong anak. Magsisilbi itong bonding habang na e-exercise ang kaniyang katawan.
8. Maniwala sa kanila
Isa sa pinaka importanteng paraan kung paano tumalino ang baby ay ang paniniwala sa kanila. Bilang magulang, sa atin kumukuha ng lakas ang ating mga anak. Tayo ang kanilang sinusunod at magsisilbing role model na rin
Maniwala sa kanilang kakayahan at kapag dumating sa punto na ayaw mag-aral ng iyong anak, isipin mo mommy na baka kailangan niya ng pahinga. ‘Wag kakalimutan na bata pa rin sila at kailangan nilang i-enjoy ang bawat moment bago sila lumaki ng tuluyan.
Source:
Psychology Today, The Life by Design Centre
BASAHIN:
5 paraan para lumaking strong at independent ang anak na babae
3 paraan para matulungan ang bata na tumangkad
Gusto mo bang lumaking matalino at mabait si baby? Gawin mo ito araw-araw