Mga pabayang magulang sa South Korea inulan ng galit mula sa publiko matapos iwan nang mag-isa sa bahay at mamatay ang 7-month-old nilang anak.
Mga pabayang magulang
Usap-usapan ngayon sa South Korea ang mga pabayang magulang na iniwan ang kanilang anak na mag-isa sa bahay hanggang sa ito ay mamatay.
Ayon sa mga reports, ang mga pabayang magulang ay isang young couple. Ang pabayang ina ay 18-year-old palang na may apelyidong Gyeom at ang pabayang ama naman ay isang 21-year-old na lalaking may apelyidong Cho.
Nag-away umano ang young couple gabi noong May 23 na kung saan pareho silang lumayas sa kanilang apartment. Habang iniwan at pinabayaan nilang mag-isa ang kanilang 7-month-old na anak na babae sa kanilang bahay.
Sa loob ng anim na araw ay walang umuwi na kahit isa sa mga pabayaang magulang para tingnan at alagaan ang anak. Dahil daw ito sa pareho nilang pag-aakalang ang isa sa kanila ay babalik matapos ng kanilang pag-aaway para sa kanilang anak.
Ngunit, wala ni isa sa kanila ang gumawa nito.
Mula sa mga post sa kaniyang social media accounts, natuklasang ang pabayaang ina ay umiinom araw-araw mula noong May 25 to May 31 kasama ang kaniyang mga kaibigan.
Samantalang ang pabayaang ama naman ay inubos ang kaniyang oras sa paglalaro sa computer shop kasama rin ang kaniyang mga kaibigan.
At nang maisipan niyang umuwi noong May 31 ay doon niya nakita at na wala ng buhay ang iniwan nilang anak.
Sinubukang itago umano ng young couple ang nangyari sa kanilang anak sa pamamagitan ng pagtatago ng bangkay nito sa loob ng isang cardbox.
Ngunit nadiskubre ito ng ama ng pabayaang ina na si Gyeom at agad na ni-report ito sa kinauukulan.
Kapabayaang nauwi sa pagkamatay ng anak
Sa isinagawang autopsy ng mga pulis ay nalamang walang laman ang tiyan ng bata noong siya ay mamatay. Isang palatandaan na hindi kumain ang bata sa loob ng ilang araw. Dagdag pa nila ay mga kamot o gasgas ang bata sa kaniyang kamay, binti at ulo na maaring gawa ng mga alagang aso ng pabayang mga magulang.
Dahil sa nangyari ay inaresto ang mga pabayang magulang at nahaharap ngayon sa kasong child abuse at pagkamatay ng kanilang anak.
Hindi nga napigilan ng publiko na magalit sa ginawang kapabayaan ng young couple sa kanilang anak. Kaya naman hanggang sa kanilang social media accounts ay nakakatanggap sila ng hate comments at messages sa nangyari sa kaawa-awa nilang anak.
Marami ang sinisi ang pabayan ina sa nangyari. Dahil nakuha pa daw nitong magyabang sa social media tungkol sa kaniyang paglabas at pag-inom kasama ang mga kaibigan habang unti-unti ng namamatay ang iniwang anak na mag-isa sa kanilang bahay.
Lalo pa’t dalawang linggo bago ang pagkamatay ng anak ay nag-post umano ang pabayaang ina na si Gyeom sa kaniyang Facebook account patungkol sa kaniyang anak.
“She’s my baby and innocent but I don’t like her anymore because I gave birth to her with you,” pahayag ng pabayang ina sa kaniyang post.
Paalala sa mga magulang, kahit ano pa man ang pinagdaraanan, parating siguraduhin ang safety ng mga walang muwang na bata. Kung kailangan mag take ng time off upang ayusin ang relasyon, siguraduhing may responsible na adult na pag-iiwan sa anak upang masiguro na natutugunan ang mga pangangailangan nito.
Source: Asia One , The Korea Times
Basahin: Ina, pina-inom ng beer at hinayaan mag-yosi ang 2-anyos na anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!