X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bakit nagkakaroon ng paboritong anak ang mga magulang?

7 min read

Umamin ka, Mommy. Mayroon ka bang favorite sa mga anak mo? Alamin rito kung ano ang epekto ng pagkakaroon ng paboritong anak sa mga bata.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit nagkakaroon ng paboritong anak ang mga magulang?
  • Epekto nito sa mga bata
  • Paano maiiwasan ang sibling rivalry?

Tuwing tatanungin ang mga magulang kung sino ang kanilang paboritong anak, karamihan ay sasagot na pantay-pantay ang pagmamahal sa mga ito.

Wala namang duda na mahal ng mga magulang ang mga anak nila. Ngunit hindi rin maikakaila na may mga magulang na iba-iba ang turing sa kanilang mga anak.

Hindi naman ito mala-telenovela na may isa na laging naaapi. Hindi kasing madarama ang totoong buhay. Sa pananaw lamang ng mga anak, mayroon lang talaga sa magkakapatid na nagiging paborito ng mga magulang—maging totoo man ito o pananaw lamang nila. May mga magulang lang talaga na tila mas pinapaboran ang isa kaysa sa iba.

Sa isang artikulo mula sa Psychology Today, ipinapaliwanag na hindi talaga maiiwasan ang favoritism. Ayon sa mga pag-aaral, mayroong tatlong kadahilanan para dito: ang posisyon sa pamilya, kasarian, at katangian na kapareha sa magulang.

Bakit nagkakaroon ng paboritong anak?

paboritong anak

Paboritong anak. | Larawan mula sa Shutterstock

Posisyon sa pamilya

Ipinapalagay na ang pagiging paborito sa isang anak dahil sa posisyon nito sa pamilya ay dahil sa likas na survival instinct ng magulang.

Sa ebolusyon ng sangkatauhan, ang panganay ang nagiging “puhunan” ng pamilya. Siya ang inaasahan magtaguyod ng pamilya at mag-alaga sa mga magulang pagtanda ng mga ito.

Ang karaniwang nangyayari, sa panganay napupunta ang mas maraming suporta upang magtagumpay ito. Sa kaniya rin napupunta ang atensyon dahil siya ang nauna. Nang ipanganak siya, wala pang kasiguruhan na masusundan siya kaya wala pa siyang kakumpetensya.

Sa kabilang banda naman, ang bunso ay maaari ring maging paborito mas lalo na kung may edad na ang mga magulang nito. Ang mga bunso raw kasi ang karaniwang natitira sa bahay matapos magkaroon na ng sariling buhay ang mga nakatatandang mga anak. Kaya naso-solo rin niya ang atensyon ng magulang.

paboritong anak

Larawan mula sa Shutterstock

Minsan, ibinibigay rin sa bunso ang atensyon at mga bagay na hindi naibibigay sa mga naunang anak dala na lang rin ng pagkakataon. Maaring masyado silang busy noon, o mahirap ang buhay noon at nang nakaluwag-luwag na, bumabawi sila kay bunso.

Hindi naman maiiwasan na sa ganitong sitwasyon, nagiging dehado ang gitnang anak. Siya ang hindi gaanong nakakatanggap ng suporta at atensyon. Hindi rin siya masyadong interasado sa pakikitungo sa ibang miyembro ng pamilya.

Kasarian

Maraming natuklasan ang mga researchers sa relasyon ng kasarian at ng pagiging paboritong anak.

Kadalasan, nagiging paborito raw ng mga nanay ang panganay na anak na lalaki, habang ang mga tatay naman ay pinapaboran ang bunsong anak na babae. Kaya nga nagkaroon ng mga katagang “Mama’s boy” at “Daddy’s girl.”

Pero kahit ganito ang kaso sa umpisa, kalaunan ay mas nagiging close ang nanay sa mga anak niyang babae kaysa sa mga anak niyang lalaki. Ang simpleng paliwanag rito ay dahil pareho ng kasarian ang nanay at mga anak niyang babae. Pareho rin sila ng emotional sensitivity.

Katangiang minana nila sa magulang

paboritong anak

Larawan mula sa Shutterstock

Hindi lang ang pagkakapareho ng kasarian ang nakaka-impluwensiya sa pagkakaroon ng paboritong anak. Nagiging factor din ang pagkakapareha ng mga values at ng mga gusto sa buhay. Minsan kasi, mas madali ang talagang makasundo ng isang magulang ang isa sa kaniyang mga anak kaysa sa iba.

Sa Pilipinas, naging kasabihan na kung sino ang kamukha ng magulang, siya ang nagiging paborito.

Iba pang dahilan

May mga ibang kaso naman na nagiging paboritong anak ang mga may kailangan ng extra tulong dahil sa sakit o karamdaman; o di kaya’y kung naging biktima ang bata ng krimen.

Napupunta sa kanila ang atensyon hindi dahil pinili ng magulang ang mga ito kaysa sa ibang anak, kundi dahil sa pangangailangan. Nakikita ng magulang na mas kinakailangan sila nito kaysa sa mga anak na may normal na pamumuhay.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

BASAHIN:

13 paraan upang hindi magkaroon ng sibling rivalry ang iyong mga anak

Ayon sa isang psychologist, narito ang maaaring gawin para maging close ang magkapatid

Ito ang dahilan kung bakit sinasaktan ng anak mo ang kapatid niya!

Epekto nito sa mga miyembro ng pamilya

Maraming positibong epekto ang pagiging paboritong anak. Mas may kumpiyansa sila sa sarili at mas nakakakuha ng suporta (emosyonal at materyal) kaysa sa kaniyang mga kapatid.

Mas nagiging malaya rin sila—na nagiging sanhi upang mas mabilis silang mag-mature at maging responsable.

Ang mga anak naman na nakakaramdam na hindi sila ang paborito ay posibleng makaranas ng mga negatibong epekto tulad ng depresyon, mababang self-esteem at hindi magandang relasyon sa kanilang mga kapatid.

Bakit nagkakaroon ng paboritong anak ang mga magulang?

Larawan mula sa Girl photo created by jcomp – www.freepik.com

Nagkakaron din ng negatibong epekto sa relasyon ng mga miyembro ng pamilya ang pagkakaroon ng “paboritong anak” tulad ng:

  • Kahit mga bata pa, nagtatanim ng sama ng loob sa isa’t isa ang magkakapatid—paborito man o hindi.
  • Habang tumatanda, lumalayo ang loob ng magkakapatid sa isa’t isa. Habang tumatagal, nagiging sanhi ito ng mas malaking problema sa relasyon ng magkakapatid.
  • Kapag matanda na sila, maaaring maiwasan ang mga pag-aaway ngunit mayroon pa ring epekto sa kanilang relasyon ang mga pinagdaanan nila nung sila’y bata pa.

Sibling Rivalry

Hindi lamang ang mga magulang ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng paboritong anak. May mga sitwasyon rin na nagkakaroon ng pagkukompetensiya sa mga magkakapatid. Ito ang tinatawag na “sibling rivalry,” kung saan nakikipagtagisan ang magkakapatid para sila ang maging paborito.

Bakit nagkakaroon ng paboritong anak ang mga magulang?

Larawan mula sa iStock

Ipinapalagay na nangyayari ito dahil sa natural instinct o survival of the fittest. Ang premyo para sa magkakapatid ay ang suporta ng mga magulang. Minsan nangyayari rin ito kung naghahanap ang mga anak ng atensyon sa kanilang nanay at tatay.

Hindi man gustuhin ito ng mga magulang, isa ito sa mga nagiging epekto kapag sa palagay ng isang anak ay hindi pantay ang trato sa kanila ng kanilang nanay o tatay.

Maaring mapansin ang sibling rivalry sa pamamagitan ng pag-aasaran, pag-aaway, pagsusumbong kapag may ginawang masama ang isa, pakikipagkumpitensya o kaya inggitan sa magkakapatid.

Paano ito maiiwasan?

Bagama’t madalas ay hindi naman talaga natin alam kung bakit nagkakaroon ng sibling rivalry o kung bakit sa palagay ng iba ay nagkakaroon tayo ng “paboritong anak,” mayroon pa ring mga paraan para maiwasan ang ganitong mga pangyayari sa loob ng ating tahanan.

  • Kapag nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan ang magkakapatid, iwasang kumampi sa isa. Sa halip, pakinggang mabuti ang dalawang panig at hikayatin sila na humanap ng solusyon o compromise sa kanilang away nang magkasama.
  • Iwasang magbigay ng mga labels o bansag sa iyong mga anak, halimbawa, “‘yong matalino,” o “iyong mabait.” Huwag rin silang ipagkumpara sa isa’t isa.
Bakit nagkakaroon ng paboritong anak ang mga magulang?

Larawan mula sa iStock

  • Makakatulong kung kakausapin natin ang ating anak isa-isa. Para hindi makaramdam ng inggit ang isang bata, o para mapalagay ang kaniyang loob, iparamdam sa bawat isa sa iyong mga anak na espesyal sila. Magkaroon ng one-on-one date kasama ang anak (kung saan ikaw lang at siya ang magkasama) kahit isang beses sa isang linggo. Hindi naman kailangang matagal. Kahit 15 minuto lang ay ayos na basta siguruhing nasa kaniya ang iyong buong atensyon.

Ang pagkakaroon ng mabuti at mapagmahal na pamilya ay hindi nangangahulugan na walang magiging pag-aaway, walang kumpetisyon, o magiging patas ang atensyon.

Ang katotohan ay lahat tayo ay may kanya-kanyang pangangailangan, kakayahan, mga gusto at ayaw. Kinakailangan lang ng mga anak na maiparamdam sa kanila na sila ay espesyal at mahal ng kanilang magulang kahit ano pa man sila.

SOURCE:

Psychology Today

May sibling rivalry ba sa inyong pamilya? Basahin ang mga puwede mong gawin upang mahinto ito.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Bakit nagkakaroon ng paboritong anak ang mga magulang?
Share:
  • 13 paraan upang hindi magkaroon ng sibling rivalry ang iyong mga anak

    13 paraan upang hindi magkaroon ng sibling rivalry ang iyong mga anak

  • Mas mahal ba talaga ng mga daddy ang anak nilang babae?

    Mas mahal ba talaga ng mga daddy ang anak nilang babae?

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 13 paraan upang hindi magkaroon ng sibling rivalry ang iyong mga anak

    13 paraan upang hindi magkaroon ng sibling rivalry ang iyong mga anak

  • Mas mahal ba talaga ng mga daddy ang anak nilang babae?

    Mas mahal ba talaga ng mga daddy ang anak nilang babae?

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.