TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Baby walkers, gustong ipagbawal ng mga pediatricians

4 min read
Baby walkers, gustong ipagbawal ng mga pediatricians

Gustong ipa-ban ng mga pediatrician ang pag gamit ng baby walker sa mga sanggol. Ayon sa mga duktor, mas nakakasama daw ito kaysa nakakabuti. | Photo: Shutterstock

Madalas na worry nating mga magulang habang lumalaki si baby ay kung paano siya lalaruin at kung anong puwedeng gawin para hindi siya ma-bore. Kapag natuto na kasi siyang tumayo at gumabay, simula na rin ng hilig niya sa pag-explore. Karamihan sa atin ay pinipiling bumili ng mga walker para matutong maglakad at maaliw si baby. Ngunit ayon sa mga pediatrician, dapat ipatigil ang pag gamit ng baby walker!

right time for baby walker

Ayon sa mga pedia, mas nakakasama daw ang pag gamit ng baby walker kaysa sa mga benepisyo nito.

Pag gamit ng baby walker

Taon-taon, libo-libong mga baby ang dinadala sa emergency room ng mga ospital. Ang kalimitang dahilan: aksidente dahil sa pag gamit ng baby walker! Sa katunayan, noong nakaraang taon, mayroong isang sanggol na muntik nang mamatay dahil dito.

Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa medical journal na Pediatrics, mahigit sa 200,000 na bata na nasa 2 taon pababa ang na-o-ospital sa Amerika dahil sa pagkabagok, pagkabali ng buto, at iba pang injuries dahil sa pag gamit ng baby walker mula 1990 hanggang 2014.

Lubos na nababahala ang mga pedia dahil ang mga injuries na ito ay puwede naman sanang maiwasan. Kaya naman nagpapatawag sila ng ban sa mga walker.

Pahayag ni Dr. Benjamin Hoffman, chairman ng American Academy of Pediatrics Committee on Injury, Violence and Poison Prevention, “Labis na mapanganib ang mga walker at walang benepisyo ito sa mga bata. Hindi dapat ito pinapayagang ibenta sa Amerika.”

Anong nagagawa ng mga walker?

Dinisenyo ang mga walker upang tulungan ang mga baby na hindi pa marunong maglakad na makagalaw at makapunta sa gusto nilang puntahan. Mayroon itong mga nakakabit na laruan, ilaw, at kung anu-ano pa.

Nagsisimula ang problema sa mga walker dahil hindi nako-kontrol ang mga gulong nito. Naitutulak ito ng paa ng mga bata sa iba’t ibang direksyon—kalimitan bumabangga ang mga ito sa mga pader o sa mga matutulis na edge ng mga furniture. May iba pa na hindi nako-kontrol ang bilis at nahuhulog na lang sa hagdanan.

Noong 2010, nanawagan ang U.S. Consumer Product Safety Commission sa mga kumpanya na magdagdag ng safety features sa mga ito katulad ng mga brakes. Ngunit kahit may karagdagang safety measures, maraming mga baby pa rin ang naaaksidente dito.

Ayon kay Dr. Gary Smith ng Pediatrics, sang-ayon siya sa panukalang i-ban na ang pagbenta ng mga walker dahil may 2,000 mga bata ang naaksidente kada taon dahil sa mga walker.

“Sinusuportahan namin ang American Academy of Pediatrics sa panawagan na itigil na ang pagbenta nito—bago man o gamit na. Walang rason upang maging available pa ito sa market.”

Hindi maganda ang walker sa development ng baby

May mga magulang na naniniwala na nakakatulong ang pag gamit ng baby walker upang makapag-lakad ang baby. Ngunit may panganib sa pagpipilit na maglakad ang bata nang mas maaga kung hindi pa ito handa. Kabilang na dito ang pagiging sakang ng baby.

Paliwanag ni Dr. David Gellar na mas nade-delay ng isang buwan sa paglalakad ang baby na gumagamit ng walker kaysa sa mga natututo lang nang mag-isa. Natututo raw kasi ang bata na maglakad sa pamamagitan pag gamit nito ng kaniyang muscles, pag-balance, at coordination. Kusa din silang natututo na malaman kung paano nagwo-work ang mga paa nila.

Kapag gumagamit daw ng walker, hindi nakikita ng baby ang kaniyang mga paa kaya nahahadlangan ang pag-intindi nito kung paano gumagana ang mga paa niya. Bukod pa ito sa mga aksidente dahil sa pag gamit ng baby walker.

Paano turuan ang bata na maglakad nang walang walker?

Narito ang ilang tips upang matuto ang baby na maglakad kapag handa na siya:

Partner Stories
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
  • Hayaan na umupo siya nang mag-isa nang hindi tinutulungan. Siguraduhing abot ng paa niya ang sahig upan ma-push niya ang sarili niya patayo. Kapag na-master na niyang umupo mag-isa, susubok na siyang tumayo galing sa posisyong ito.
  • Maglagay ng mga bagay na makaka-interes sa kaniya sa paligid niya upang ma-encourage ang pag gamit niya ng neck at back muscles niya—muscles na kailangan din kapag naglalakad.
  • Imbis na baby walker, may mga push o pull toys na puwedeng bilihin para sa kaniya. Ine-encourage nito na tumayo ang bata para tumayo.
  • Hayaan siyang maglakad nang naka-paa. Mas nakakatulong ito sa kaniyang pag-balanse.
  • Kapag nagsimula na siyang maglakad, siguraduhing nasa likod ka at hawak ang kaniyang mga braso para matulungan siyang mag-balanse.

 

References: NPR, Pediatrics

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Lim Venturanza
https://sg.theasianparent.com/right-time-for-baby-walker

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nalika Unantenne

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • Baby walkers, gustong ipagbawal ng mga pediatricians
Share:
  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

    Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

    Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko