Maaaring pamilyar na ito sa iyo. May nagawang mali ang bata kaya pinarusahan sila. May nagawa ulit sila, ngunit pagod ka. Ginawa mo ang madaling gawin. Nagbigay ka ng pagbabanta sa bata, at akala mo iyon na ang katapusan nito. Ang problema dito, hindi ito dito nagtatapos.
Maraming natututunan ang mga bata sa kanilang mga magulang, lalo na kung paano sila nagdidisiplina. Ngunit natututo din sila sa mga pagbabanta. Hindi nga lang sa magandang paraan.
Ang pagbabanta sa bata na hindi maganda ang asal ay hindi nagtuturo ng maganda, hinahanda lang sila nito sa pagkabigo. Bakit? Dahil ang mga pagbabantang ito na walang kahihinatnan ay nagtuturo na makakalusot sila sa kahit anong gusto nila.
Image from Unsplash
Makalusot sa mga pagbabanta
“Ang pagbabanta ay nagtuturo sa bata na makakalusot sila sa mga bagay,” sabi ni Dr. Nancy Darling, Chair of Psychology sa Oberlin College at may akda ng Thinking About Kids on Psychology Today. “Binibigyang pansin mo ang parusa at tinuturuan silang makaloko, magsinungaling at umiwas sa parusa.”
Ayon kay Darling, ang problema sa pagbabanta ay ang hindi buong socialization. Ang best-case scenario, isang socialized na bata ang tumanggap at inisip ang mga asal na pinapahalagahan ng mga magulang.
Alam natin na ang mga pagbabanta ay nakakasagabal sa pag-iisip ng mga asal na ito sa pagpapahiwatig na hindi consistent ang mga rules at maaari itong sundin o hindi depende sa sitwasyon.
“Aang pinaka mahalaga sa bata sa isang relasyon ay ang predictability,” ayon sa kanya. “Alam ng bata ang mga rules at ang mangyayari kapag hindi ito sinunod.”
Kaligtasan sa predictability
Ang mga bata ay nakaasa sa predictability at consistency para makaramdam ng kaligtasan at pagiging komportable. Kaya mahalaga sa mga magulang ang magkaroon ng “makatwirang kahihinatnan para sa makatarungan na pagkakamali” ayon kay Darling.
Hindi sapat ang maglapat ng parusa at sabihin lamang “dahil sinabi ko.” Ang kailangan malaman ng mga bata ay bakit sila pinaparusahan. Dapat sabihin ng mga magulang ang rason para sa mga parusang ito.
Ang mga magulang ay dapat magparusa ayon sa mga pinahahalagahan nila. Maaaring ito ay sa pagiging matapat, mabait, integridad, kaligtasan, at pakikiramay. Kalaunan, dapat matutunan ng bata ang mga pinahahalagahan na ito sa pamamagitan ng mga parusang nararanasan.
“Kung kung nakikita ng anak na ang rules ay ipinapatupad nang paulit-ulit, para sa mga rason na naipaliwanag, nang may makatwirang parusa na may paliwanag, nakakatulong itong itaguyod ang internalization,” ayon kay Darling.
Ngunit, ang mga pagbabanta ay humaharang sa parusa mula sa mga itinuturo ng magulang. Ito ay dahil sinusubukan lamang nilang manakot (at pinapakita lamang nito ang ego ng magulang) imbes na magturo.
Panloloko sa pagbabanta
Ano ang natutunan ng bata? Natututo lamang sila kung paano umiwas sa parusa. Kung ito ang layunin nila, panloloko ang nagiging sunod na hangarin.
Tinuturo nito sa bata na sumunod hindi dahil sa respeto ngunit dahil sa hindi makatwirang parusa. Dahil sa inconsistency sa pagpapatupad ng parusa, hindi rin magiging consistent ang kanilang pagsunod. Ibig sabihin ay hindi sila susunod kapag wala ka, nagdudulot ng higit na hindi pagsunod sa edad nila.
“Walang nagbibigay sa kanila ng beer sa harap mo,” ayon kay Darling. “Walang nagbibigay sa kanila ng oportuniya na mang bully kapag katabi mo siya.”
Image from Freepik
Ang tatlong parenting style
Tinukoy ni Darling ang tatlong parenting style na idinetalye ng Psychologist na si Diana Baurmind nuong 1960s. Narito ang tatlong parenting styles:
Permissive Parent ay nagbibigay ng positibong gantimpala nang may kaunting pagdidisiplina.
Authoritarian Parent ay gumagawa ng maraming istriktong rules nang may kaunting positibong pagsasaalang-alang.
Authoritative Parent ay naghahandog ng positibong pagsasaalang-alang at nagpapatupad ng rules.
“Ang autoritative parent ang pinaka-mabait at ang pinaka-istrikto dahil sila ang pinaka consistent sa pagsunod sa mga rules,” sabi ni Darling.
Consistency imbes na pagbabanta
Ang makatwiran at paulit-ulit na pagpapatupad ng rules base sa pinahahalagahan ng mga magulang (gawin ang iyong itinuturo, mga magulang!) ay nakakatulong sa bata na maintindihan ang halaga ng pagiging isa ng pamilya.
Tinuturuan sila nito ng respeto at tiwala at nakakatulong sa iyo na makabuo ng masmatibay na bond sa mga anak nang may pakikiramay at rason. At saka, pinapakita nito na lahat sa pamilya ay nag-aalala sa bawat miyembro ng pamilya.
Ini-republish nang may pahintulot ng: theAsianParent Singapore
BASAHIN:
7 Palatandaan na kailangan ng mas higit na disiplina ng isang bata