10 tradisyong Pinoy kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas

May alam ka bang Christmas tradition? Tignan ang iba't ibang tradisyong Pinoy sa pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bansang nagdiriwang ng Pasko as early as September? Walang iba kundi Pilipinas! Pagsapit pa lamang ng “ber” months, magsisimula ka nang makakita ng mga Christmas lights and ornaments sa mga kabahayan ng mga Pilipino. Bukod pa rito marami pang ibang tradisyong Pinoy kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas.

Pagsapit pa lang ng Setyember ay maririnig mo na rin ang famous Christmas songs sa radio, lalo na iyong mga kinanta at isinulat ni Jose Mari Chan. Biglang nagiiba ang simoy ng hangin at parang mas maligaya at nasasabik ang lahat sa mga darating na araw.

Kakaiba nga ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas. May iba’t ibang nakagawian kasi ang mga Pilipino sa pag-celebrate ng kahalagahan ng Pasko.

10 traditions sa pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas

Tignan ang mga sumusunod na Christmas traditions ng mga Pilipino kung kayo ay nakaka-relate!

1. Pagkakaroon ng Belen o nativity scene sa bahay

Sa ibang bansa ay karaniwang makikita ang Belen sa mga simbahan, mall, munisipyo, at iba pa. Dito sa Pilipinas, maraming mga pamilya ang nagsesetup ng Belen sa kanilang mga bahay.

Karaniwan itong binubuo ni Mary, Joseph, baby Jesus at 3 kings. Kasama na rin ang mga hayop sa stable, mga anghel at ang pinakamahalagang bituin sa tuktok ng stable.

Mayroong mga simpleng Belen na gawa sa mga nabibiling plastic materials. May mga bahay ding magarbo at naglalakihan ang mga figurines samantalang mayroon ding mga gumagamit ng recycled materials mula sa bote, papel, at karton.

2. Pagsabit ng mga parol bilang pagdiriwang ng Pasko

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa  Pixabay

Sikat ang mga Christmas lights kahit sa ibang bansa. Naiiba ang mga pinoy dahil mayroon din tayong mga sinasabit na parol o lantern.

Ang parol ay isang paalala ng bituin ng Bethlehem na gumabay sa Tatlong Hari sa kanilang paghahanap sa sanggol na si Hesus. Ito ay hindi lamang nagpapasigla sa diwa ng bawat isa, ito rin ay nagtatanim ng pagmamalaki at pag-asa para sa mga Pilipino.

Una itong ginamit bilang gabay upang ilawan ang daan patungo sa simbahan noong siyam na araw na Simbang Gabi o Misas de Aguinaldo. Pagkauwi mula sa misa ng mga Pilipino, ang mga parol ay isinabit sa labas ng bahay upang maliwanagan ang buong nayon.

3. Pagdiriwang ng Pasko: Pangangaroling

Ang pangangaroling ay isang sikat na tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga carolers ay karaniwang binubuo ng mga grupo – bata man o matanda. Sila ay nagbabahay-bahay at kumakanta ng mga paboritong awiting Pasko. Minsan may gamit din silang instruments tulad ng tambourine o maraccas. Ang iba pa ay gawa sa lata o takip ng soft drink.

Kapalit ay magbibigay ang may-ari ng bahay ng pera bilang regalo at pasasalamat sa pag-awit ng carolers.

Ilan sa mga sikat na Christmas songs na kinakanta ng mga carolers ay ang Ang Pasko ay Sumapit, Jingle Bells, Sa Aming Bahay Ang Aming Bati, We wish you a Merry Christmas, at iba pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

BASAHIN:

Filipino noche buena menu na pasok sa P500, P800 at P1,000 budget mo!

21 gifts na pasok ang 500 pesos budget mo ngayong pasko

#TipidTips para hindi mabaon sa utang ngayong darating na pasko

4. Simbang Gabi bago ang pagdiriwang ng Pasko

Isa sa pagpapakita ng kahalagan ng Pasko ng mga Pilipino ay ang pagdalo ng Simbang Gabi.

Ang mga Pilipino ay dumadalo sa misa sa gabi o sa madaling araw sa siyam na araw bago ang Pasko. Sinisikap nilang kumpletuhin ang lahat ng 9 na araw, bilang isang religious practice at dahil  na rin sa paniniwala na ang pagkompleto nito ay magtutupad ng iyong kahilingan.

Kung mayroong Simbang Gabi, mayroon ding Misa De Gallo kung saan nagtatapos ang siyam na araw ng night masses. Dito matutupad ang iyong kahilingan.

5. Bibingka at puto bumbong sa pagdiriwang ng Pasko

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Siyempre, kasabay ng pagdalo ng Simbang Gabi ay ang pagbili at pagkain ng napakasarap at mainit na bibingka at puto bumbong pagkatapos ng misa.

Karaniwang may mga nagtitinda nito sa labas ng simbahan. Bagong luto lamang at perfect para sa maginaw na panahon.

Parehong variation ng rice cakes – ang bibingka ay iniluluto sa clay pot at dahon, habang ang puto bumbong naman ay sa bamboo tubes.

6. Noche Buena

Kung sa ibang bansa ay ipinagdiriwang ang Pasko sa umaga ng December 25, sa Pilipinas ay ipinagdiriwang na natin ito pagsapit pa lamang ng alas-dose ng madaling araw.

Nagkakaroon ng salu-salo sa tinatawag na Nochue Buena. Pinagsasaluhan ng mga pamilyang Pilipino ang naihandang mga paborito tulad ng lechon, spaghetti o pansit, Queso de Bola at fruit salad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panahon din ito para makapagbonding at reunion ang buong pamilya. Isa ito sa nagpapakita ng kahalagahan ng Pasko sa pamilyang Pilipino.

7. Exchange Gift at Monito-Monita

Pagkatapos ng kainan ay pagbibigayan na ng regalo. Maaaring magbigay ng regalo kahit kanino pero hindi mawawala ang tradisyon ng exchange gift. Sa iba naman, monito-monita.

Sa exchange gift, nagkakaroon ng bunutan kung sino ang bibigyan ng regalo ng bawat isa. Ang monito-monita naman ay mas exciting dahil isa itong serye ng exchange gifts. Pwedeng araw-araw, weekly o depende sa napagusapan ng mga kasali sa bunutan. Bawat session, magkakaroon ng bunutan at bawal ibunyag ang pangalan hanggang sa huling araw ng pagbibigayan ng regalo.

8. Aguinaldo o Pamasko

Isa sa mga nagpapasaya sa mga bata (at matatanda?) ay ang makakita ng red envelope sa Pasko. Sa pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas, parte rin nito ang pagbibigay ng Aguinaldo, pamasko, o cash gift sa mga inaanak. Maaari din itong ibigay sa kahit sino pang miyembro ng pamilya o mahal sa buhay.

Bago matanggap ang Aguinaldo, ang mga bata ay dapat magbigay ng kanilang paggalang sa kanilang mga kamag-anak o ninong at ninang sa pamamagitan ng pagmamano.

9. Pagbabalikbayan

Para naman sa mga pamilyang may mahal sa buhay na overseas Filipino worker o OFW, naging tradisyon na rin na mgbalikbayan ang mga ito tuwing Pasko. Itinataon nila ang bakasyon mula sa trabaho sa Pasko upang makauwi sa pamilya at makapagdiwang ng kapaskuhan kasama ang mga minamahal.

10. Feast of 3 Kings

Larawan mula sa Pexels

Ang Feast of the Three Kings ay isang religious event sa Pilipinas na naghuhudyat ng pagtatapos ng pagdiriwang ng Pasko. Ito ay nagaganap tuwing Enero 6.

Tama, ang pagdiriwang ng kahalagan ng Pasko sa Pilipinas ay nagtatapos pa sa Enero ng susunod na taon. Tunay na isang mahaba at maligayang selebrasyon ng Pasko.

Hindi ito tulad ng mga nasa ibang bansa. Wala tayong snow o fireplace pero masaya pa rin ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas dahil binubuo ito ng pagmamahal at kalinga ng bawat Pilipino sa kanilang mga pamilya. Nababalot din ang pagdiriwang ng taimtim na mga dasal at pasasalamat sa Panginoon sa isa na namang makabuluhang taon.

Updates by Jobelle Macayan

Sinulat ni

Margaux Dolores