Stressed dahil sa back-to-school? 7 tips para makapaghanda sa muling pagpasok ng anak sa eskuwelahan

Ngayong nagbabalik na ang face-to-face classes, dagdag stress sa parents lalo't kailangang maging maingat dahil sa pandemic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi na ba ulit magkadaugaga dahil ilang araw na lang ay back-to-school na muli ng inyong anak? Narito ang ilang tips para sa paghahanda sa school opening na maaari mong magamit.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Stressed dahil sa back-to-school? 7 tips para makapaghanda sa muling pagpasok sa eskuwelahan ng anak
  • Supplies checklist: Get ready for back to school 2022

Stressed dahil sa back-to-school? 7 tips para makapaghanda sa muling pagpasok sa eskuwelahan ng anak

Larawan mula sa Pexels

Ilang taon din na binago ng COVID-19 ang buhay ng nakararami sa atin. Magmula sa trabaho o school man iyan, para bang isang major changes ang naganap. Ngayon, unti-unti na muling bumabalik ang kalagayan mula dati bago ang pandemic. Nagshi-shift na rin ang halos lahat ng ahensya ng gobyerno papunta sa face to face set-up.

Hindi nila kinalilimutan din syempre, ang paaralan. Sa pagbubukas ng klase ay unti-unti nang ibabalik ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes sa lahat ng antas. Ibig sabihin ay muli nang papasok sa paaralan ang lahat ng estudyante at maiiba na sa nakasanayan na online classes sa nakalipas na dalawang taon.

Ang ganitong ganap ay para uling isang major shift, dahil sa ilang taon ding naitigil. Isang malaking paghahanda sa school opening ulit ang kinakailangan both ng parents at bata. Sa ganitong pagkakataon, narito ang ilang tips na maaaring makatulong sa inyo mommies and daddies:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels

Check your child.

Kung napapansin mo nang hindi mapakali ang bata sa papalapit na pagbabalik-eskwela, obserbahan mo pa ang iba niyang kinikilos. Kung halimbawa ay madalas na kinakabahan sa tuwing pinag-uusapan ito, kailangan na niyang makausap at malaman kung ano ang kaniyang nasa isip. Maging bukas sa lahat ng bagay na nais niya sabihin.

Iparamdam sa bata na ligtas ang kanyang sasabihin at gagawin mo ang lahat upang makatulong sa kanyang nararamdaman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Make a plan now.

Kung ngayon pa lang ay hindi na mapakali ang anak sa pagbabalik-eskwela, mabuting gumawa na ng plano. Dito ay maaaring i-involve ang teachers, counselors, staff member at syemrpre ang iyong anak. Buuin ito nang kasama ang mga taong ito upang malaman mo kung ano ang pwede nilang itulong sa bata.

Practice your child to have a daily routine for school.

Habang hindi pa nagsisimula ang klase, mainam na i-practice na ang bata sa papalapit na back-to-school. Iwasan nang pagamitin siya ng gadgets o any mobile devices lagpas sa oras na napagkasunduan. Tulungan din siyang matulog na nang maaga at magkaroon ng bedtime routines.

Complete all the medical requirements your child needs.

Kaya nagkaroon ng online class ay dulot ng pandemya ng COVID-19. Ngayon sa pagbabalik nila sa eskuwelahan dapat ay doble ingat pa rin. Siguraduhing kumpleto na ang vaccines at iba pang medical requirements na kailangan ng bata upang ligtas siyang makakapasok araw-araw.

Make some ‘dry runs’.

Isa sa magandang gawin upang malaman na ng katawan ng bata na babalik na siya sa school ang pagkakaroon ng dry runs. Pwedeng ipakita sa kanya ang daan papunta sa kanyang eskwelahan. Maaari ring i-tour siya sa loob nito para maging familiar na siya sa cafeteria, school nurse, rooms, at bathroom sa loob.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwede ring magkaroon siya ng playtime with classmates nang sa ganoon magkaroon na siya ng friends bago pa man ang formal na start ng school.

Attend community activities.

Bago ang pagbabalik-eskwela, madalas na itsura sa komunidad ang pagkakaroon ng iba’t ibang aktibidad. Naririyan ang parents forum, discussion boards, organizations at marami pa. Nakatutulong ang mga ito sa parents lalo kung first time mong magkakaroon ng anak na papapasukin sa school.

Check yourself.

Hindi lang naman bata ang naapektuhan ng nagdaang pandemya, pati ang adults din. Mahalagang alamin din kung nasa wastong kalagayan ka ba upang maalagaan mo talaga ang iyong anak. Subukang alamin ang iyong stress level at kung paano ito ima-manage.

Supplies checklist: Get ready for back-to-school 2022

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Supplies checklist: Get ready for back-to-school 2022 | Larawan mula sa Pexels

Ready na ready na talaga ang halos karamihan sa muling pagbabalik ng klase. Ikaw anong paghahanda sa school opening na ang iyong nagawa? Marahil ay ipina-practice mo na ang anak na matulog nang maaga o kaya magbasa muli ng books.

Para sa part mo naman, hinahanapan mo na ng paraan kung paano ibabalance ang gawaing bahay, work, at school ng inyong little ones.

Nakapag-shopping ka na rin ba para sa gamit ng kids? Ginagawa ito mostly before the classes officially start para handa na ang mga bata. Kaya kung hindi pa, narito ang checklist ng most important things na dapat mayroon na kayo before school year starts this year 2022:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Bag
  • Shoes
  • Uniforms
  • Notebooks and papers
  • Pens/pencils
  • Pencil case
  • Water tumbler
  • Lunch box
  • Crayons
  • Rulers
  • Scissors
  • Umbrella or raincoat
  • Glue and tapes
  • Bond papers
  • Sharpeners
  • Erasers

Sinulat ni

Ange Villanueva