Para sa experts mahalaga raw ang siesta nap para sa mga bata dahil mayroon itong dalang benefits para sa iba’t ibang areas of development nila.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Tips para mapatulog ang inyong anak tuwing hapon
- Importance of siesta nap for your child
- Mga oras na kailangan ng bata sa pagtulog
Tips para mapatulog ang inyong anak tuwing hapon
Larawan kuha ni Alex Green mula sa Pexels
Nightime and daytime sleep are both important for kids. Parehong mayroong malaking tulong ito para sa physical health at mood ng bata. Marami kasing factor ang maaaring maibigay na benefits para tuluyang umunlad pa ang areas of development nila.
To help your kid get their siesta nap easily, here are some tips:
- Magkaroon ng routine upang makilala ng katawan nila na need nila ito everyday.
- Maganda ring ilagay sila sa dark at cool room upang mas mapabilis ang kanilang tulog.
- Siguraduhing walang distraction sa room para hindi maging sagabal sa kanilang nap time.
- Make sure rin na komportable ang kanilang hinihigaan at pwesto.
- Bigyan sila ng back rub o kung ano mang nakakapagbigay ng antok sa kanila.
- Pwedeng gawing same time at same place parati ang pagtulog ni baby.
- Mas iksian lang ang nap time habang tumatanda sila upang mas mahaba ang bedtime.
- Ilagay kaagad sila sa room o crib sa tuwing hihikab o magpapakita ng senyales ng pagkaantok.
Mga oras na kailangan ng bata sa pagtulog
Larawan mula sa Pexels
Para magabayan ang parents narito ang ilang guide kung ilang oras ba dapat natutulog ang bata depende sa kanyang edad. Alamin kung gaano sila kahaba na tulog, gising, at kung kailan na ba dapat mas maiksi na ang tulog sa hapon kaysa sa gabi.
Newborn babies
Madalas na natutulog ng matagal ang baby hanggang tatlong buwan nila. Halos tumatagal dapat ng 18 hours sa isang araw ang tulog nila at gising lamang nang 1 hanggang 2 oras.
After the newborn stage
Sa ganitong phase, kinakailangan nila nang halos dalawa hanggang apat na naps sa isang araw. Bago pa man sila mag-isang taon ay need nila ng 30 minutes hanggang 2 oras na gising and the rest ay para na sa kanilang pagtulog.
Toddlers
Sa pagitan naman ng first at second birthday nila kinakailangan ng 1 hanggang 2 naps sa isang araw. Madalas na nangyayari ang naps na ito sa hapon na kadalasang tumatagal nang 3 oras. Tumatagal din nang halos 12 hanggang 14 hours ang kabuuang tulog nila buong araw.
Preschoolers
Dito na kinakailangan ng bata ng 11 hanggang 13 hours na pagtulog sa isang araw. Bagaman marami ang nagbe-benefit pa rins a nap, mas mahalaga na mahaba ang tulog nila sa gabi. Kaya nga kung nahihirapan nang matulog sa bedtime, dapat mas maiksi ang nap nila sa hapon.
Kids and older
Pagtuntong ng 5 years old, hindi na masyadong need ng bata ang naps. Mas mabuti na mas maiksi lang ang kanilang nap para mas mahaba ang kanilang bedtime.
Importance of siesta nap for your child
Larawan mula sa Pexels
Kasabay ng pagtanda ng bata ang kanilang katawan at isipan. Sa mga pagbabagong ito raw kailangan nila ng ‘rest and recharge’. Marami kasing changes sa kanilang physical body gaya ng paglaki ng kanilang mga buto upang tumangkad. Sa brain naman, marami ang kailangang i-develop upang mag-cope up sa environment nila at matuto sila ng maraming bagay.
Kaya nga mahalaga ang naps para sa kanila. Narito ang iba pang dahilan kung bakit:
1. Nakakatulong upang sila ay lalong matuto pa lalo.
Mahalaga ang pagtulog para sa learning development ng mga bata. Nakita sa ilang pag-aaral na malaki raw ang tulong na naps sa paglalaro ng bata ng mga memory games. Nakakapagpahinga kasi ang kanilang utak at nade-develop para mas maging sharp sa memorization.
2. Nakapagpapa-improve ng kanilang mood
Napag-alaman din sa mga pag-aaral na ang mga batang may edad 2 taong na hindi madalas matulog ay mas malungkot, anxious, at malala ang reaction sa mga hindi inaasahang bagay. Kaya nga sa karanasan ng parents, madalas na nagkakaroon ng tantrums ang batang hindi nakakatulog nang maayos.
3. Mas nagiging physically fit ang bata.
Nalaman din ng mga researchers na ang mga batang may iregular na pagtulog o hindi nakakakuha ng tamang tulog ay may mataas na tsansa ng obesity. Dahil daw kasi sa kakulangan ng tulog, mas nagiging dahilan ito upang kumain sila nang marami dahil dama ng kanilang katawan ang pagkapagod.
May mga instances pa raw na pinipili nilang kumain nang hindi healthy na pagkain. Mas pagod din daw sila ay mas madalang ang pagkakaroon nila ng encouragement na magkaroon ng tamang ehersisyo. Kaya nga importanteng nabibigyan ng tamang siesta nap ang inyong little ones.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!