Pagiging madaldal ng magulang may magandang epekto daw sa anak, ayon sa isang pag-aaral.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ang magandang epekto ng pagiging madaldal ng magulang sa kaniyang anak.
- Rekomendasyon ng pag-aaral.
Ang magandang epekto ng pagiging madaldal ng magulang sa kaniyang anak
Ayon sa isang bagong pag-aaral, ang pagiging madaldal ng magulang ay may mabuting maidudulot sa kaniyang anak. Maliban sa magiging madaldal rin ito tulad niya, ang isang bata daw ay mas nagkakaroon ng malawak na vocabulary kung madaldal ang mga magulang niya.
Natuklasan ng bagong pag-aaral ang findings na ito, matapos pag-aralan ang halos 40,000 hours ng audio recordings ng mga bata mula sa 12 bansa. Karamihan sa 1001 na batang kabilang sa pag-aaral ay may edad na 2 months to 4 years old. Sila ay mula sa English-speaking na pamilya.
Paglilinaw pa ng pag-aaral, napatunayan nila na hindi sukatan ang educational background at social status ng magulang sa language development ng kaniyang anak. Hindi daw totoo na ang mga batang may mahirap o walang pinag-aralan na ina ay may problema sa kanilang speech o pagsasalita.
Mas verbal rin daw ang mga batang normal ang development. O yung hindi nakakaranas ng mga health conditions na makakaapekto sa kanilang language. Pati na ang may mga hearing loss at na-diagnose na may autism. Natuklasan ring ang laki ng vocabulary ng isang bata ay tulad ng sa kaniyang magulang.
Rekomendasyon ng pag-aaral
Kaya naman rekomendasyon ng pag-aaral sa mga magulang ay ugaliing kausapin ang mga anak kahit na ang mga ito ay baby pa. Sa ganitong paraan ay natutulungan natin silang ma-develop ang kanilang vocabulary.
Maigi rin daw na kausapin sila bilang communicative partners para mas makaproduce sila ng maraming salita o speech. Sa pakikipagusap, mainam din na punuin ito ng love words o languages. Iparamdam sa kanila ang iyong pagmamahal at suporta sa pamamagitan ng salita. Ito naman ay hindi lang basta nakakatulong sa language development ng isang bata. Ganoon rin sa kaniyang emotional at cognitive development.