Mayroon ba kayong maingay na baby? Mahilig ba siya magsalita, o madaldal ba siya na parang gusto kayong kausapin? Posibleng senyales ito na magiging magaling silang magbasa paglaki!
Ito ay ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga researcher mula sa Florida State University.
Mabuti pala ang may maingay na baby!
Ayon sa mga researcher, ang mga batang madaldal, kahit na hindi pa marunong magsalita, ay mas magaling daw magbasa kumpara sa ibang bata na hindi gaanong madaldal.
Pinag-aralan nila ang siyam na sanggol mula nang sila ay 9 buwan taong gulang, hanggang sa ika-30 buwan. Ni-record ng mga researcher ang babble o salita ng mga baby, at pinag-aralan nila ito.
Tiningnan nila ang tinatawag na “consonant-vowel (CV) ratio” ng mga baby. Ayon sa kanila, kapag mas komplikado daw ang CV ratio ng mga bata, ay mas nakakaintindi sila ng mga salita sa kanilang pagtanda.
Dagdag pa nila na posible din daw itong gamitin upang malaman ng maaga kung may reading disability, o nahihirapang magbasa ang bata. Maaring pag-aralan ng mga doktor ang babble ng mga baby upang malaman kung at risk ba sila sa reading disability.
Malaking tulong ito sa mga magulang dahil kapag mas maagang nahanap ang learning disability ng isang bata, ay mas maaga itong magagawan ng paraan.
Importante ang pagbabasa sa mga bata!
Hindi lahat ng bata ay pare-parehas. Mayroong mga bata na maaga pa lang ay marunong nang magbasa at magsalita, at ang iba naman ay medyo natatagalan.
Gayunpaman, kailangan ng mga magulang na tutukan ang pagbabasa at pagsusulat ng kanilang mga anak. Importanteng maturuan sila hindi lang kung paano magbasa, ngunit para mahalin din ang pagbabasa.
Ito ay makakatulong sa kanila hanggang sa kanilang paglaki, at magiging hakbang nila patungo sa tagumpay.
Heto ang ilang tips:
- Magbasa ng libro sa inyong baby. Kahit hindi pa nila naiintindihan, mabuting naririnig na ng mga bata ang iba’t-ibang mga salita dahil mabilis nila itong matututunan.
- Turuan sila kung paano humawak ng lapis. Makakatulong ito para masanay na sila sa pagsusulat at paghawak ng lapis.
- Bawasan ang panonood ng TV at paggamit ng cellphone, at dagdagan ang oras sa pagbabasa ng mga libro.
- Nakakatulong ang mga bedtime stories para masanay si baby na makinig ng mga kwento.
- Ituro ang mga letra ng dahan-dahan, hindi naman kailangan na makabisado agad ng iyong anak ang alphabet.
- Maglaan ng oras sa pagbabasa para sa pamilya.
Source: Daily Mail
Basahin: Paano nga ba magpalaki ng batang matalino?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!