Batang nagsisinungaling: Pagtuturo ng katapatan sa bata

Nagsisinungaling ba ang iyong anak? Narito ang maaaring dahilan at tips para sa mga magulang upang maturuan ang iyong anak sa pagiging matapat na bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano ba turuan ang iyong anak sa pagiging matapat na bata?

May punto talaga sa buhay ng isang bata na natututo siyang magsinungaling, normal lamang ito parents. Kasama ito sa child development ng iyong anak. Katulad na lamang ng pagsisinungaling dahil may gusto silang i-cover up, dahil mayroon silang nagawa o gusto nila ng isang bagay.

Ang pagsisinungaling sa murang edad ay hindi dapat maging malaking problema, basta tinuturuan ninyo ang inyong mga anak kung ano ang kahalagan ng pagiging matapat na bata.

Ang pagsisinungaling ng mga bata’y sinabing nagsisimula kadalasan sa edad na 3 taong gulang. Sa edad na ito ang kasinungalingan o anumang kasingkahulugan ng bata nagsisinungaling ay parte ng kanilang development.

Dahil sa puntong ito ay nakita nilang hindi mo naman nababasa ang isip nila at may mga bagay kang hindi malalaman kung hindi nila sasabihin.

Maaari mong mapansin na mas madalas pa silang magsinungaling pagsapit ng edad na 4 hanggang 6 na taong gulang. Habang lumalaki ang bata, asahan na ng magulang na mas gumagaling na ang kanilang mga anak na magsinungaling.

Lalo na kapag naiintindihan na nila ang konsepto sa likod nito at kung paano baguhin ang kanilang mga expression kapag sila’y nasisinungaling.

Pati na ang pagbabago ng tono ng kanilang boses para mas lalong gawing kapani-kapaniwala ang kanilang sinasabi. Kapag ito ay napabayaan at hindi naitama habang sila ay lumalaki, ang iyong anak ay maaring maging isang suwail na bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano ito maiiwasan? Una ay dapat maintindihan ang dahilan kung bakit sila nagsisinungaling at paano makikipag-deal sa iyong anak sa oras na siya ay hindi nagsasabi ng totoo.

Bakit nasisinungaling ang mga bata?

Ayon sa Ministry of Social and Family Development (MSF) kapag nasisinungaling ang bata pagsapit ng edad na 8 taong gulang mas nagiging matagumpay na sila sa pagsisinungaling at maaaring mas complicated na ito kaysa noong mas bata sila.

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang ilang mga rason at maaaring senaryo na maaaring magdulot sa ating mga anak na magsinungaling, upang mauunawaan natin kung bakit sila hindi nagigig matapat na bata.

  • Para masubukan ang bagong behavior.

Ayon kay Matthew Rouse, isang clinical psychologist, isa sa mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang bata ay para subukan kung anong magiging resulta ng bagong behavior na ito na kaniyang natutunan.

Tinitingnan niya kung ano ang iyong magiging reaksyon at magiging epekto nito. Kung sa pamamagitan ng kaniyang ginawa ay may magandang nangyari o pabor sa kaniya ay maaring ulitin niya ito at isipin na ito ay tama. Maaaring gamitin niya rin itong paraan para makatakas sa isang kasalanan o pagkakamali na kaniyang ginawa.

  • Upang maiiwasan ang trouble.

Maaari ninyong mapansin na ang inyong anak ang nasisinungaling para makatakas sa responsibilidad o parusa sa unang bahagi ng kanilang school years.

Kung ang iyong anak ang may ginawang mali, gagawa sila ng mga kuwento upang ma-cover up ang kanilang ginawa. Upang maiiwasang mapagalitan at dahil narin syempre sa takot sa maaring maging resulta ng maling kaniyang nagawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Gumawa ng mga kwento

Ang mga bata ay mayroong malawak na imagination at sa kanilang murang edad nag-e-enjoy sila na nagpe-pretend sila na kalaro ang mga character na nakikita nila sa telebisyon o libro.

Sa ganitong kaso, hindi dapat sila maging accountable dahil lamang gusto nilang gumawa ng kanilang sariling version ng kwento para mas maging exciting ito.

Ayon kay Richard Gallagher, PhD,

“They’re not purposely distorting the truth. They love to exaggerate and make up tall tales, but these stories are expressions of their rich imagination, not lies.”

  • Upang makakuha ng atensyon

Minsan kahit alam ng mga bata na alam naman ng kanilang magulang ang totoo. Maaaring mag-respond pa rin sila ng kasinungalingan upang makakuha ng atensyon mula sa iyo at tignan kung paano ka magre-react sa kanilang pagsisinungaling. Maaari ring magsinungaling sila sa kanilang mga peers o kaibigan upang ma-impress niya ang mga ito.

  • Para makatakas sa kanilang nagawa

Natuklasan ng mga eksperto na ang mga batang may anxiety at depresyon ay maaaring magsinungaling. Upang makapokus sa kanilang sarili at kung paano nila maitatago ang kanilang tunay na nararamdaman. Kadalsan, ang sanhi nito’y ayaw ka nilang mag-aalala sa kanila.

  • Upang makuha ang kanilang gusto

Maaari ring magsinungaling ang mga bata kapag mayroon silang gusto o ang pagsisinungaling ng bata kasingkahulugan ng kaniyang nais mangyari.

Halimbawa, “Nanay, bigyan mo po ako ng lollies bago mag-dinner.” Puwede rin silang magsinungaling dahil sa takot na ma-disappoint ka sa kaniya. Katulad na lamang ng mababang grade na kanilang nakuha o nawala nilang laruan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Upang mas paangatin ang kanilang sarili o i-impress ang iba.

Ang batang kulang sa self-confidence ay gagawa ng kasinungalingan at kuwentong hindi totoo para i-impress ang iba. Sa kanilang kuwento, sila ay special at talented para mas magustuhan sila at kawilihan na magdagdag ng kanilang self-esteem at self-confidence.

Pero may mga pagkakataong sosobra ang ginagawa nilang kwento na maaring ikapahamak ng kanilang kapwa o ikasira nito basta maiangat lang ang kanilang sarili.

Paano i-deal ang batang nagsisinungaling?

Larawan mula sa iStock

Hindi talaga natin alam kung kailan magsisinungaling ang ating mga anak. Pero kapag nahuli natin silang magsisinungaling, huwag mag-freak out agad. Maraming mga paraan na epektibo upang ma-handle ang kanilang pagsisinungaling.

  • Huwag mag-overreact. Hindi maganda para sa iyong anak na magagalit ka agad kapag sila’y nagsinungaling. Maaari kasing mas magsinungaling pa sila. Kaya naman manatiling kalmado at kausapin sila patungkol sa kanilang behavior.
  • Iwasang tawaging ‘sinungaling’ ang iyong anak. Kaysa tawagin silang sinungaling o nagsisinguling, sabihin sa kanila na hindi okay ang pagsisinungaling. Ang pagiging matapat na bata ay mas mainam kaysa sa sinungaling na bata. Manatiling kalmado habang pinagsasabihan ang iyong anak. Magmungkahi rin sa kanila kung paano nila maaayos ang kanilang nasira o nagulo.
  • Itanong sa kanila ng diretso kung ano talaga ang nangyari. Kausapin ang iyong anak ng mahinahon at itanong sa kaniya ang totoong nangyari. Maaari mong pagaanin ang sitwasyon sa pagtatanong ng, “Ano ba talagang nangyari anak? Pwede mo ba sa akin sabihin?”
  • I-encourage ang iyong anak na huwag magsinungaling gamit ang reward system. Kung nagsisinungaling ang iyong anak para makuha ang kaniyang gusto ay mabuting gamitin sa kaniya ang isang reward system. Halimbawa, bigyan siya ng reward sa tuwing ikaw ay may tinatanong at sinasagot niya ito ng sakto at tama. Makakatulong rin ang pagpuri sa iyong anak sa tuwing siya ay nagsasabi ng totoo. Ulit-ulitin na sabihin sa kaniya kung paano ka natutuwa na siya ay nagsasabi ng totoo at paano mo siya mas lalong minamahal dahil dito.

Paano turuan ng pagiging matapat na bata ang iyong anak?

I-encourage ang iyong anak na magsabi ng totoo kung maaari, narito ang ilang tips para sa mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Maging matapat na role model.

Bilang mga magulang, naiimpluwensyahan natin ang ating mga anak upang gumawa ng tama. Kaya naman may mga pagkakataon na mini-mimic nila tayo at mas natututo sa ating mga ginagawa.

Kaya naman iwasan din ang pagsisinungaling sa harap nila kung maaari. Dapat lagi lang magsabi ng katotohanan ang isang magulang sa kaniyang anak.

Siya ay dapat magsilbing magandang halimbawa sa kaniyang anak sa lahat ng oras. Kung sinasabi niyang hindi dapat magsinungaling, siya mismo sa kaniyang sarili ay dapat gawin ito.

Tayong mga magulang ay mahilig din gumamit ng exagerrated na pahayag o gawa-gawang kuwento para mapasunod ang anak. Ito ay dapat iwasan o tigilan na.

Kaysa gumamit ng mga exaggerated na halimbawa mas mabuti gumamit ng mga makatotohanang halimbawa. Tulad ng “Kapag hindi ka sumunod ay hindi na kita bibigyan ng candy”. Kaysa sa pagsasabi na “Itatapon ka sa dagat ni Mommy, kapag hindi ka sumunod.”

  1. I-nurture ang kanilang self-esteem.

Upang ang iyong anak ay hindi magsinungaling sa iba para magpa-impress. Subukan na maglaan ng panahon sa pag-cheer sa kanila at purihin sila sa mga existing achievement nila.

Maaari ka ring mag-explore ng mga bagong hobby o mag-succeed sa isang activity kasama sila. Sa pamamagitan nito makakatulong ito sa pag-boost ng kanilang self-esteem.

  1. Mag-set up ng malinaw na rules sa inyong bahay

Siguraduhing mayroon klarong rules sa inyong bahay kung ano ang mga dapat ginagawa at hindi dapat ginagawa. Sa pamamagitan nito, hindi sila masyadong mag-aalala sa trouble na maaari nilang magawa kung silang nagkamali.

Ang pagkakaroon ng malinaw na consequences para sa isang partikular na action o behavior ay maaaring maka-encourage sa kanila para iwasan ang mga ganoong bagay.

  1. Kwentuhan sila ng mga kuwento patungkol sa kahalagan ng pagiging matapat na bata

Larawan mula sa iStock

Para sa mas creative na paraan upang maturuan ang iyong anak ng honest o katapatan, maaari siyang basahan o magkwento sa kaniya ng patungkol sa kahalagahan ng pagiging matapat.

Makakatulong din ito upang maging tapat sa kaniyang nararamdaman at hindi nagpapanggap na ayos lamang ang lahat. Kahit na hindi ito ayos upang maiwasan ang misconception.

  1. Purihin sila kapag nagsasabi sila ng totoo

Kapag ang iyong anak ay nagsabi ng totoo, siguraduhing purihin sila sa kanilang pagiging matapat na bata. Pwede mong sabihin na, “Natutuwa talaga ako na sinabi mo sa akin ang totoo, anak.”

Binibigyan mo sila ng impresyon na hindi ka malulungkot kapag sila’y nagsasabi ng totoo. Dahil rito baka hindi na sila magsinungaling pa sa hinaharap.

Mahalaga na sa tuwing may hindi magandang ugali na ipinapakita ang isang bata ay agad na itong maitatama kahit pa sa mura pa nilang edad. Gaya nalang sa pagsisinungaling na subok na nating hindi makakabuti kung paulit-ulit o makasanayan ng gawin ng isang bata o tao. 

Kung ito ay ginagawa ng iyong anak ay agad na siyang patigilin at ipaliwanag sa kaniya na hindi ito tama. Huwag siyang kunsintihin.

Turuan siyang maging honest at magpakita ng respeto hindi lang sa kaniyang kapwa, ganoon rin sa kaniyang sarili. Mula rito ay magsusunod-sunod na ang lahat. Ma-boboost ang kaniyang self-confidence, hahangaan at mas mamahalin siya ng mga tao sa paligid niya.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Marhiel Garrote

Karagdagang ulat mula kay Irish Manlapaz

Sinulat ni

Marhiel Garrote