Problemado ka ba sa malaking puson? Hindi ka nag-iisa! Ngayong summer, narito ang mga pagkaing dapat iwasan para hindi tumaba at ang mga dapat mong idagdag sa iyong diet para mawala ang puson.
Mga pagkaing dapat iwasan para hindi tumaba
Kailangan ng katawan ng 1,500 hanggang 1,800 kilocalories araw-araw. Pero para naman sa mga gustong magbawas ng timbang, puwede na mula 1,200 hanggang 1,500 kilocalories lamang ang intake kada-araw.
Payo ng eksperto, mabigat at nagbibigay ng napakaraming calories ang mga fried food at saka ‘yung mga chips.
Mga alternatives na dapat mong idagdag sa diet
1. Prutas: Kiwi and Watermelon
Kapag nag-ki-crave ka ng matamis, magandang alternatibo ang mga prutas tulad ng kiwi, papaya, at watermelon. Ang Kiwi ay pinaniniwalaang pumapatay sa bad bacteria na nagdudulot ng pagbigat ng timbang.
Ang watermelon naman ay hitik sa natural fluids na mag-ha-hydrate at mag-e-enhance ng metabolism.
photos: pixabay
2. Yogurt
Ayon sa mga nutritionist, ang yogurt ang puno ng good bacteria na tumutulong sa tiyan na i-digest at i-absorb ang pagkain at ang sustansiya nito.
Piliin ang plain yogurt at huwag ang mga sobrang tamis para mas konting calories. Puwede mo rin dagdagan ito ng berries o grapefruit slices para maging mas malasa.
photo: pixabay
3. Leafy Greens: Lettuce, Spinach, Kangkong
Mababa sa calories, at mataas sa fiber, ang mga gulay tulad ng spinach, lettuce at kangkong ay isa sa pinakamagandang pagkain ng panglaban sa water retention at malaking puson.
Puede ka gumawa ng salad gamit ang olive oil or lemon zest, na napatunayan na ding mabisa sa pagtanggal ng bloating.
photo: pexels
4. Salabat or Lemon Juice
Ang luya ay nagtataglay ng enzyme na tumutunaw ng protein at nagpapaimpis sa pamamaga. Nire-relax din nito ang bituka at binabawasan ang pamamaga nito upang mas dumaloy ng maayos ang pagkain. Pinapaganda rin nito ang metabolism at binabawasan ang kabag.
photo: pexels
5. Whole-grain sandwiches
Siksik sa fiber ang tinapay na whole grain bread kaya magandang gumawa ng sandwiches tulad tuna with lettuce para lalo pang mapaganda ang metabolism mo. Pinapaayos din nito ang blood sugar mo, para hindi ka magutom agad.
Magandang alternatibo din ang brown rice dahil mabubusog ka ng mas matagal. Puwede ring kumain ng Kimchi, dahil nagtaglay din ito ng good bacteria dahil sa sauerkraut at pickles.
photo: pexels
Source:
ABS-CBN
Read:
8 Anti-bloating foods to add to your diet today
Anong dapat kong kainin para magka-baby girl? May epektibo bang diet?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!