Mommy at daddy! Anemic ba ang iyong anak? Makatutulong ang mga pagkain na may wastong nutrisyon upang maibsan ang sintomas ng anemia. Ano nga ba ang mga pagkain para sa anemic na bata? Alamin ‘yan dito!
Ano ang Anemia?
Alam natin na mahalaga ang kalusugan ng ating mga anak. Isa sa mga karaniwang problema na nararanasan ng maraming bata ay ang anemia. Pero ano nga ba ang anemia? Ang anemia ay isang kondisyon kung saan mababa ang bilang ng pulang selula ng dugo o ang hemoglobin sa dugo ng isang tao. Ito ay nagdudulot ng pamumutla, mabilis na pagkapagod, at madalas na panghihina. Ang iron deficiency o kakulangan sa iron ang pangunahing sanhi ng anemia sa mga bata.
Paano makakatulong ang pagkain para sa anemic na bata?
Bilang magulang, malaking bahagi ang ating ginagampanan sa pagbibigay ng tamang nutrisyon para maiwasan at malunasan ang anemia. Narito ang ilang pagkain para sa anemic na bata na dapat nating isama sa kanilang pang-araw-araw na pagkain:
-
Mga pagkain na mayaman sa iron | Pagkain para sa anemic na bata
Ang iron ang pangunahing kailangan ng katawan upang makabuo ng sapat na pulang selula ng dugo. Ang mga pagkain tulad ng atay, pula ng itlog, spinach, kangkong, at mga beans ay ilan sa mga mayaman sa iron. Subukang ihalo ang mga gulay na ito sa mga paboritong ulam ng inyong anak.
-
Mga pagkaing sagana sa vitamin C
Ang Vitamin C ay tumutulong sa mas epektibong absorption ng iron ng katawan. Isama sa diet ng inyong anak ang mga prutas tulad ng dalandan, papaya, mangga, strawberry, at oranges. Maaari ding gumawa ng masustansiyang fruit salad o smoothie upang maengganyo silang kumain ng prutas.
-
Mga pagkaing mayaman sa folate | Pagkain para sa anemic na bata
Ang folate o vitamin B9 ay mahalaga rin sa produksyon ng red blood cells. Ang mga pagkain tulad ng broccoli, sitaw, at avocado ay magandang mapagkukunan ng folate.
-
Mga pagkaing sagana sa vitamin B12
Ang Vitamin B12 ay isa ring mahalagang bitamina para sa produksyon ng pulang selula ng dugo. Ang mga pagkain tulad ng isda, manok, at karne ay magandang mapagkukunan nito. Huwag kalimutang isama ang mga ito sa inyong weekly meal plan para masiguro na kumpleto sa nutrisyon ang inyong anak.
Tips para sa mas masiglang pagkain
- Gawing katakam-takam ang pagkain – Maglaro ng kulay sa pagkain gamit ang iba’t ibang prutas at gulay. Mas nagiging kaakit-akit ang pagkain kapag ito ay makulay at maganda sa mata.
- Iwasan ang junk food – Limitahan ang pagbibigay ng junk food tulad ng chips at soft drinks. Ito ay walang sustansya at maaaring magpalala pa ng anemia.
- Maging mabuting halimbawa – Ang buong pamilya ay dapat magtulungan sa paghahanda at pagkain ng masusustansiyang pagkain. Ang healthy eating habits ng magulang ay magandang halimbawa para sa mga bata.
Mga magulang, ang pagbibigay ng tamang nutrisyon ay mahalaga upang maiwasan ang anemia sa inyong anak. Sa pamamagitan ng pagsama ng mga pagkain para sa anemic na bata sa kanilang pang-araw-araw na diet, makakatulong tayo sa pagbuo ng kanilang lakas at sigla. Tandaan, ang kalusugan ng ating mga anak ay nasa ating mga kamay. Kaya’t magsimula na tayo sa paghahanda ng masusustansiyang pagkain para sa kanila.
Sa kabilang banda, kung sakaling makitaan ng ano mang senyales na anemic ang iyong anak, makabubuting kumonsulta pa rin sa doktor. Ang mga pagkaing nabanggit ay makatutulong lamang sa anemic na bata pero hindi ito maituturing na tuwirang gamot sa anemia. Mahalaga pa rin ang intervention ng doktor.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!