11 na Pagkain na Makakatulong para sa Constipation ng Baby

Tulungan si baby na maibsan ang constipation sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng mga pagkaing sinasabing gamot sa constipation ng baby ayon sa mga eksperto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga maaaring ihandang pagkain para sa constipation ng baby o kapag nahihirapan dumumi si baby.

Gamot sa constipation ng baby

Ayon kay Dr. Jay L. Hoecker, isang pediatrician mula sa Mayo Clinic, ang constipation ay madalas na nararanasan ng mga sanggol kapag sila ay nagsimula ng kumain ng mga solid foods. Malalaman ngang may constipation ang isang sanggol kung ito ay nagpapakita ng mga sumusunod na sintomas:

Image from Freepik

  • Matigas at maliliit na dumi.
  • Hirap dumumi na nagdudulot ng sakit o pag-iyak ng sanggol.
  • Mas madalang na pagdumi dahil sa siya ay hirap o nasasaktan sa pagdumi.
  • Dugo sa dumi na palatandaan na siya ay umiiere ng sobra para lang makadumi.
  • Matigas na tiyan dahil sa bloating o pressure na dulot ng constipation.
  • Pag-iwas sa pagkain dahil ang mga baby na constipated ay mabilis mabusog.

Para nga malunasan ang constipation sa isang sanggol, ang isa sa inirerekumendang gawin o gamot sa constipation ng baby ayon sa mga doktor ay palitan ang mga pagkaing kaniyang kinakain. Sa halip, bigyan siya ng pagkain para sa constipation ng baby o mga pagkaing magpapalambot ng kaniyang mga dumi.

Ang mga pagkain para sa constipation ng baby o kapag nahihirapan dumumi si baby na inirerekumenda ng mga doktor ay ang sumusunod:

Pagkain para sa constipation ng baby

Image from Freepik

1. Prunes

Para matulungang lumambot ang dumi o maibsan ang constipation ng baby ay ipinapayong bigyan siya ng mga fiber-rich foods. Isa na nga rito ang prutas na prunes na great source ng fiber at multivitamins. Ang kailangang lang ay ibabad ito sa tubig ng magdamag at ibigay kay baby sa umaga sa kaniyang paggising. Maaring painumin si baby ng prune juice na mabisang gamot rin sa constipation. Ang prunes ay mahusay na pagkain para sa constipation ng baby dahil sa kanilang mataas na fiber content, kaya’t makakatulong itong i-relieve ang constipation.

2. Beans

Ang mga beans ay high in fiber rin na makakatulong sa bowel movements at constipation ni baby. Isa itong magandang pagkain para sa constipation ng baby dahil sa kakayahan nitong i-promote ang regular na pagdumi. Ang fiber content ng beans ay nagbibigay ng natural na solusyon sa constipation, kaya’t magandang isama ito sa diet ng baby.

3. Green peas

Ang pinakuluan at dinurog na green peas din ay mabisang gamot sa constipation ng baby. Lagyan lang ito ng konting seasoning at ipakain kay baby. Ang green peas ay isa ring magandang pagkain para sa constipation ng baby dahil sa kanilang fiber content na nakakatulong sa digestion. Bilang isang pagkaing mataas sa fiber, ang green peas ay makakatulong sa pag-aalaga sa tummy ng baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Apricots

Isa ring mabisang gamot o pagkain para sa constipation ng baby ang prutas na apricot. Maaring ipakain kay baby ang dried nito o kaya naman maaari rin siyang painumin ng juice nito na mabibili sa mga supermarket. Ang apricots ay epektibong pagkain para sa constipation ng baby dahil sa kanilang natural na laxative properties, na nagbibigay ng solusyon sa problema ng constipation.

5. Oatmeal

Ang kilalang rich in fiber food rin na oatmeal ay mabisang gamot sa constipation ng baby. Siguradong mai-enjoy rin ni baby ang texture at lasa ng pagkain na ito. Ang oatmeal ay isa pang halimbawa ng pagkain para sa constipation ng baby na makakatulong sa regular bowel movements. Ang fiber content ng oatmeal ay nag-aambag sa pagiging epektibo nito bilang pagkain para sa constipation ng baby.

Image from Freepik

6. Pears

Tulad ng apricot at prunes, ang prutas na pear ay mabisang gamot rin sa constipation ni baby. Maaaring ipakain sa kaniya ang prutas nito o kaya naman ay painumin siya ng juice nito. Maliban sa fiber, rich in vitamin C rin ito na nakakatulong sa digestion. Isa itong mahusay na pagkain para sa constipation ng baby dahil sa mataas na fiber content nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

7. Broccoli

Ang broccoli na paborito ng mga baby ay hindi lang puno ng vitamins at nutrients. Pinoprotektahan din nito ang tiyan at tinutulungan ito sa digestion. Bigyan lang ng steamed florets nito si baby na siguradong magugustuhan niya. Ang broccoli ay mahusay na pagkain para sa constipation ng baby dahil sa fiber na nakatulong sa regular bowel movements.

8. Sweet Potatoes

Good for digestion at gamot sa constipation din ang sweet potatoes o kamote sa mga baby. Maliban sa essential nutrients nito na kailangan ng katawan ni baby, good source rin ito ng carbohydrates na kailangan ni baby for added energy.

9. Berries

Ang mga masasarap na berries rin tulad ng raspberries, blackberries, blueberries, at strawberries ay kabilang sa mga pagkain para sa constipation ng baby. Dahil maliban sa pagiging good source ng antioxidants, ang mga berries ay rich in fiber na gamot sa constipation.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

10. Whole grain bread

Ang high fiber content ng mga whole wheat bread ay makakatulong din na maibsan ang constipation ni baby. Hindi lang ito good para sa kaniyang tiyan, good din ito para sa kaniyang heart.

11. Spinach

Ang fresh spinach na inihalo sa fruit smoothie ay effective constipation remedy rin para sa mga baby. Dahil sa ito ay loaded ng fiber at vitamins.

Mga pagkaing dapat iwasan na nagdudulot ng constipation sa baby

Kung may mga dapat ihandang pagkain para sa constipation ng baby, may mga pagkain ding dapat iwasan na makakapagdulot nito. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Cheese
  • Bananas
  • Cereal
  • Processed foods tulad ng cookies, crackers at white bread.
  • Carrots
  • Potatoes
  • Apples

Ibang maaaring gawin para malunasan ang constipation sa baby

Maliban sa pagbibigay ng fiber-riched food, may iba pang maaring gawin para malunasan ang constipation ni baby. Ito ay ang mga sumusunod:

  • I-encourage siyang uminom ng dagdag na fluid o tubig. Makakatulong ito upang lumambot ang dumi ni baby.
  • Galaw-galawin o i-exercise ang legs ni baby habang siya ay nakahiga. Nakakatulong ito para sa kaniyang bowel movements.
  • Ang pagbibigay kay baby ng warm bath ay nakakapag-relax sa kaniyang abdominal muscles. Nakakatulong na maibsan ang kaniyang constipation.
  • Masahiin ang tiyan ni baby. Gawin ito sa pamamagitan ng pagpapaikot-ikot ng iyong fingertip sa kaniyang tiyan.

Kung sa pamamagitan ng mga nabanggit na paraan ay hindi parin naibsan ang constipation ni baby ay mabuting dalhin na siya sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Diarrhea o pagtatae sa baby

Maliban sa constipation, ang mga baby din ay prone sa pagtatae. Ito ay dahil sensitive ang kanilang mga tiyan. Ang diarrhea ay ang pagdumi ng malambot at matubig na stool. Maya’t maya o pabalik-balik din sa pagdumi kapag may diarrhea.

Kusa namang gumagaling sa pagtatae ang bata sa loob ng isa hanggang dalawang araw. Kaya lamang, kung hindi gumaling ang pagtatae nang higit dalawang araw, makabubuting patingnan sa doktor ang iyong anak dahil baka senyales ito nang mas seryosong problemang pagkalusugan.

Ayon sa Hopkins Medicine, ilan sa mga maaaring sanhi ng diarrhea sa bata ay ang mga sumusunod:

  • Impeksyon dulot ng bacteria
  • Viral infection
  • Food intolerance o hirap sa pagtunaw ng ilang pagkain
  • Allergy sa pagkain
  • Parasites na nakapasok sa katawan mula sa pagkain at inumin
  • Reaksyon ng katawan sa gamot
  • Sakit sa bituka tulad ng inflammatory bowel disease
  • Functional bowel disorder
  • Rare disease tulad ng cystic fibrosis.

Kapag matindi rin ang dinaranas na pagtatae ng bata ay mahalagang dalahin agad ito sa doktor para malapatan ng tamang lunas at maiwasan ang lubhang paglala pa nito.

Sintomas ng pagtatae sa bata

Maaaring makaranas ng mga sumusunod na sintomas ang iyong anak kung siya ay may diarrhea.

  • Stomach cramps
  • Pagsakit ng tiyan
  • Pagduduwal
  • Pananakit ng puson
  • Pabalik-balik na pakiramdam na natatae
  • Paninigas ng tiyan o bloating
  • Lagnat
  • Dugo sa dumi
  • Dehydration

Gamot sa pagtatae ng baby

Samantala, may mga gamot sa pagtatae ng baby na nakaugalian na nating ipainom o gawin sa mga sanggol. Pero ayon sa mga eksperto ang mga sumusunod ang mabisang gamot gamot sa pagtatae ng baby.

  • Antibiotics para sa viral at bacterial infection.
  • Kailangan ng IV drip ng mga sanggol na mayroong malalang pagtatae at dehydrated.
  • Oral rehydration sa mga sanggol na nagtatae.
  • Pagbabago ng diet ng nanay na nagpapasuso.
  • Kung pinapasuso pa ang anak, ipagpatuloy lamang ang pagbibigay ng breastmilk dito. Maaari ding padedehin ang bata ng formula milk.

Ang malalang pagtatae na dulot ng diarrhea na tumatagal na ng 14 na araw ay dahil sa impeksyon, pagkalason, o maling gamot. Sa ibang kaso, ang chronic diarrhea ay maaaring mas tumagal pa ng dalawang linggo.

Maaari ring irekomenda ng inyong doktor ang pagbili ng erceflora o Bacillus clausi. Ito ay gamot na inihanda na may suspension ng Basillus clausi spores. Ang erceflora ay bahagi ng normal na intestinal flora na walang anumang dulot na masamang epekto pagkatapos inuman.

Ibinabalik ng erceflora ang balanse sa anomang problema sa flora ng ating bituka na nagiging sanhi ng diarrhea o pagtatae. Ginagamit at pupuwede ito sa mga baby na nagbe-breastfeed bilang gamot sa anomang intestinal flora imbalance.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaaring painumin ito sa baby batay sa preskripsiyon ng inyong doktor. Sa kada 3 hanggang 4 na oras, ihalo ito sa pinapadedeng tubig na may kaunting asukal o formula milk sa baby mo.

Pero tandaan, bago painumin ng gamot si baby, mabuting ipakonsulta muna siya sa doktor. Ito ay para makasigurado sa kaniyang kondisyon at ligtas para sa kaniya ang gamot na iyong ipinapainom.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.