X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Pokwang inalala ang pagkamatay ng anak, kinuwestiyon ang Diyos: "Bakit mo ginawa sa akin 'to?"

4 min read

Pagkamatay ng anak ni Pokwang, sumubok sa pananampalataya niya sa Diyos.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang kuwento ng pagkamatay ng anak ni Pokwang.
  • Pokwang hindi nakasama ang anak sa mga huling oras nito.

Ang pagkamatay ng anak ni Pokwang

Sa isang episode ng programang “Tunay Na Buhay” ng GMA 7 ay itinampok ang kuwento ng lungkot, saya at tagumpay ng buhay ng komedyanteng si Pokwang o Marietta Subong sa totoong buhay.

Lingid sa kaalaman ng marami, sa likod pala ng bawat biro at patawa na ginagawa ng komedyante ay ang nakakalungkot na hinagpis ng isang ina na hanggang ngayon ay nangungulila sa pagkawala ng anak niya.

Kuwento ni Pokwang, hinding-hindi niya malilimutan, kung paanong maagang kinuha ng Diyos ang anak niyang lalaki. Sa murang edad nito na lima, ay natukoy na may sakit itong brain cancer. Ito ang panganay niyang anak na pinangalanan niyang Shin na tuluyang nilisan ang mundo na wala siya sa tabi nito.

Ang nakakalungkot na pangyayari na ito ay naganap noong 1998 habang si Pokwang ay nagta-trabaho bilang isang domestic helper sa Abu Dhabi.

Noong malaman pa lang niya na may sakit ang anak ay agad ng gustong umuwi ni Pokwang. Lalo pa nang nalaman niyang kailangan nitong sumailalim sa isang operasyon para matanggal sana ang tumor sa kaniyang utak.

Pero hindi naging matagumpay ang operasyon at tuluyang nasawi ito ng dahil sa sakit.

Pagkamatay ng anak ni Pokwang

Image from GMA Public Affairs Facebook account

Pokwang hindi nakauwi ng masawi ang anak niya

Sa kabila nito, si Pokwang hindi nakauwi dahil hindi siya pinayagan ng agency na kaniyang pinapasukan. Kung pipilitin niya noon ay malaking pera ang kailangan niyang barayan dahil hindi pa tapos ang kaniyang kontrata.

Kailangan niya rin sagutin ang pamasahe niya pabalik na sa mga panahon na iyon ayon kay Pokwang ay hindi niya kaya dahil wala silang kapera-pera.

Kaya wala siyang nagawa kung hindi tapusin ang kaniyang kontrata. At tiisin na hindi makauwi at hindi makasama ang anak niyang namayapa.

"Nung namatay 'yong anak kong lalaki, wala ako sa tabi niya eh. Nasa ibang bansa ako noon. Dapat nandoon ako, dadamayan ko siya.”

Ito ang nasabi ni Pokwang sa mga nauna niyang interview.

Minsang nakuwestyon ni Pokwang ang Diyos dahil sa nangyari sa anak niya

Ngayon, matapos ang higit sa 20 taon, ay muling nanumbalik ang sakit na naranasan noon ni Pokwang. Sa kaniyang interview sa programang “Tunay Na Buhay” ay ibinahagi niya kung paano niya kinuwestyon ang Diyos sa mga naganap sa buhay niya.

Maraming beses umano siyang nagtanong kung bakit ganoon nalang ang nangyari sa anak niya.

“Nakuwestiyon ko siya. Sabi ko, bakit mo ginawa sa akin ‘to? Meron po ba akong pagkukulang sa ’yo at sa kapwa ko? Sa pagkakaalam ko po wala. Kinuwestiyon ko siya which is hindi dapat.”

Ito ang sabi ni Pokwang tungkol sa nararamdaman niya na noon na na-realize niyang hindi tama. Bagama't masakit ay tinanggap niya na lang ang pagkawala ng anak at pinasalamatan ang Diyos na pinahiram ito sa kaniya.

“Sabi ko, Lord, kung talagang hanggang doon na lang, kaysa nahihirapan siya. Sabi ko, sa murang edad niya, sa napakabata niyang katawan, salamat pinahiram niyo siya sa 'kin.”

Ito ang sabi pa ng komedyante tungkol sa pagkamatay ng anak niya na hanggang ngayon ay may kurot parin sa puso niya.

BASAHIN:

Pokwang tinanong kung anak daw ba niya talaga si baby Malia

Pokwang pregnant at 46: How to prepare for mature pregnancy

7 signs you might be raising a spoiled child

Buhay ni Pokwang sa ngayon

Pokwang inalala ang pagkamatay ng anak, kinuwestiyon ang Diyos: Bakit mo ginawa sa akin to?

Maliban sa anak niyang lalaki na nasawi, si Pokwang ay may anak na babae na nagngangalang Ria Mae. Sa pagkawala ni Shin ay sinubukan niyang dito ibuhos ang lahat ng pagmamahal at atensyon niya. Lalo pa’t siya ay isang single mother. Si Ria Mae ngayon ay 24-anyon na.

Samantala, nitong January 2015 ay muling umibig si Pokwang. Sa nasabing taon ay nagsimula ang relasyon sa pagitan nila ng American actor na si Lee O'Brian. Sila ngayon ay kasal na at nabiyayaan ng isang anak na babae na ipinanganak ni Pokwang nitong 2018. Ito ay pinangalanan nilang Malia Francine O'Brian.

Sa ngayon ay dito niya binubuhos ang energy niya. Habang sinisigurado na maalagaan niya ito at mabibigay dito ang pag-aaruga ng isang ina. Lalo na ngayon na tayo ay nasa gitna ng pandemya.

“Actually at 48, 'di mo na masabayan ang energy ni Malia, hinihingal na ako pero kakayanin natin! Ang kailangan lang natin ngayon magpakatatag at mag-ingat!"

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Ito ang sabi ni Pokwang sa pagiging ina sa kaniyang 3-year-old daughter na si Malia.

Pokwang inalala ang pagkamatay ng anak, kinuwestiyon ang Diyos: Bakit mo ginawa sa akin to?

Image from Pokwang's Instagram account

Source:

GMA News, ABS-CBN Entertainment, ABS-CBN

Photo:

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Pokwang inalala ang pagkamatay ng anak, kinuwestiyon ang Diyos: "Bakit mo ginawa sa akin 'to?"
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.