Pokwang inalala ang pagkamatay ng anak, kinuwestiyon ang Diyos: "Bakit mo ginawa sa akin 'to?"

Pokwang hindi nakauwi sa Pilipinas para makasama ang nasawing anak sa mga huling oras nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkamatay ng anak ni Pokwang, sumubok sa pananampalataya niya sa Diyos.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang kuwento ng pagkamatay ng anak ni Pokwang.
  • Pokwang hindi nakasama ang anak sa mga huling oras nito.

Ang pagkamatay ng anak ni Pokwang

Sa isang episode ng programang “Tunay Na Buhay” ng GMA 7 ay itinampok ang kuwento ng lungkot, saya at tagumpay ng buhay ng komedyanteng si Pokwang o Marietta Subong sa totoong buhay.

Lingid sa kaalaman ng marami, sa likod pala ng bawat biro at patawa na ginagawa ng komedyante ay ang nakakalungkot na hinagpis ng isang ina na hanggang ngayon ay nangungulila sa pagkawala ng anak niya.

Kuwento ni Pokwang, hinding-hindi niya malilimutan, kung paanong maagang kinuha ng Diyos ang anak niyang lalaki. Sa murang edad nito na lima, ay natukoy na may sakit itong brain cancer. Ito ang panganay niyang anak na pinangalanan niyang Shin na tuluyang nilisan ang mundo na wala siya sa tabi nito.

Ang nakakalungkot na pangyayari na ito ay naganap noong 1998 habang si Pokwang ay nagta-trabaho bilang isang domestic helper sa Abu Dhabi.

Noong malaman pa lang niya na may sakit ang anak ay agad ng gustong umuwi ni Pokwang. Lalo pa nang nalaman niyang kailangan nitong sumailalim sa isang operasyon para matanggal sana ang tumor sa kaniyang utak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero hindi naging matagumpay ang operasyon at tuluyang nasawi ito ng dahil sa sakit.

Image from GMA Public Affairs Facebook account

Pokwang hindi nakauwi ng masawi ang anak niya

Sa kabila nito, si Pokwang hindi nakauwi dahil hindi siya pinayagan ng agency na kaniyang pinapasukan. Kung pipilitin niya noon ay malaking pera ang kailangan niyang barayan dahil hindi pa tapos ang kaniyang kontrata.

Kailangan niya rin sagutin ang pamasahe niya pabalik na sa mga panahon na iyon ayon kay Pokwang ay hindi niya kaya dahil wala silang kapera-pera.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya wala siyang nagawa kung hindi tapusin ang kaniyang kontrata. At tiisin na hindi makauwi at hindi makasama ang anak niyang namayapa.

“Nung namatay ‘yong anak kong lalaki, wala ako sa tabi niya eh. Nasa ibang bansa ako noon. Dapat nandoon ako, dadamayan ko siya.”

Ito ang nasabi ni Pokwang sa mga nauna niyang interview.

Minsang nakuwestyon ni Pokwang ang Diyos dahil sa nangyari sa anak niya

Ngayon, matapos ang higit sa 20 taon, ay muling nanumbalik ang sakit na naranasan noon ni Pokwang. Sa kaniyang interview sa programang “Tunay Na Buhay” ay ibinahagi niya kung paano niya kinuwestyon ang Diyos sa mga naganap sa buhay niya.

Maraming beses umano siyang nagtanong kung bakit ganoon nalang ang nangyari sa anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nakuwestiyon ko siya. Sabi ko, bakit mo ginawa sa akin ‘to? Meron po ba akong pagkukulang sa ’yo at sa kapwa ko? Sa pagkakaalam ko po wala. Kinuwestiyon ko siya which is hindi dapat.”

Ito ang sabi ni Pokwang tungkol sa nararamdaman niya na noon na na-realize niyang hindi tama. Bagama’t masakit ay tinanggap niya na lang ang pagkawala ng anak at pinasalamatan ang Diyos na pinahiram ito sa kaniya.

“Sabi ko, Lord, kung talagang hanggang doon na lang, kaysa nahihirapan siya. Sabi ko, sa murang edad niya, sa napakabata niyang katawan, salamat pinahiram niyo siya sa ‘kin.”

Ito ang sabi pa ng komedyante tungkol sa pagkamatay ng anak niya na hanggang ngayon ay may kurot parin sa puso niya.

BASAHIN:

Pokwang tinanong kung anak daw ba niya talaga si baby Malia

Pokwang pregnant at 46: How to prepare for mature pregnancy

7 signs you might be raising a spoiled child

Buhay ni Pokwang sa ngayon

Maliban sa anak niyang lalaki na nasawi, si Pokwang ay may anak na babae na nagngangalang Ria Mae. Sa pagkawala ni Shin ay sinubukan niyang dito ibuhos ang lahat ng pagmamahal at atensyon niya. Lalo pa’t siya ay isang single mother. Si Ria Mae ngayon ay 24-anyon na.

Samantala, nitong January 2015 ay muling umibig si Pokwang. Sa nasabing taon ay nagsimula ang relasyon sa pagitan nila ng American actor na si Lee O’Brian. Sila ngayon ay kasal na at nabiyayaan ng isang anak na babae na ipinanganak ni Pokwang nitong 2018. Ito ay pinangalanan nilang Malia Francine O’Brian.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon ay dito niya binubuhos ang energy niya. Habang sinisigurado na maalagaan niya ito at mabibigay dito ang pag-aaruga ng isang ina. Lalo na ngayon na tayo ay nasa gitna ng pandemya.

“Actually at 48, ‘di mo na masabayan ang energy ni Malia, hinihingal na ako pero kakayanin natin! Ang kailangan lang natin ngayon magpakatatag at mag-ingat!”

Ito ang sabi ni Pokwang sa pagiging ina sa kaniyang 3-year-old daughter na si Malia.

Image from Pokwang’s Instagram account

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

GMA News, ABS-CBN Entertainment, ABS-CBN

Photo:

Instagram