STUDY: May masamang epekto sa kalusugan ng iyong anak ang paglalaro ng mga manika o dolls

Pero hindi naman lahat ng dolls o manika ang tinutukoy sa pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paano nakakaapekto sa kalusugan ng iyong anak ang paglalaro ng doll?
  • Ano ang iyong dapat gawin upang maiwasan ang masamang epektong ito.

Paglalaro ng doll, paano nakakasama sa kalusugan ng iyong anak?

Ang paglalaro ng doll o manika ang isa sa mga kinahihiligan ng mga batang babae. Ayon kay Dr. Amanda Gummer, isang play, toy at child development expert, ito ay dahil ang mga ito ay may kasamang accessories na labis na na-ienjoy ng mga bata.

Tulad na lamang sa maaari nilang bihisan ito, suklayan ng buhok o kaya naman ay gamitin sa kanilang mga role-paying games. Ang mga ito, ayon naman sa isang pag-aaral na ginawa ng Cardiff University noong 2020, ang sinasabing dahilan kung paano nakakaapekto sa brain development ng isang bata ang paglalaro ng manika.

Paliwanag ng nabanggit na pag-aaral, ang paglalaro ng doll o manika ay nakakatulong na ma-activate ang brain regions na responsable sa social information processing at empathy skills ng mga bata. Ito ay kung ikukumpara sa paglalaro ng tablet na marami ring bata sa ngayon ang nahuhumaling.

Pero ayon sa isang bagong pag-aaral, maaari ring makasama sa isang bata ang paglalaro ng manika o doll. Lalo na kung ang kaniyang nilalaro ay ang mga ultra-thin dolls na madalas na mabibili sa pamilihan.

Ang bagong pag-aaral ay nailathala kamakailan lang sa journal na Body Image. Binubuo ito ng dalawang pag-aaral na may parehong resulta ang kinalabasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 Photo by Refika İmge Günyaktı on Unsplash

Pagsasagawa ng pag-aaral

STUDY 1

Sa unang bahagi ng pag-aaral, 35 na batang babae edad 5 hanggang 9 ang sumailalim sa computerized assessment ng kanilang body image at body ideals. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng 3D technology.

Una, pinapili ang mga batang babae mula sa mga available na 3D scan images sa kung ano sa mga ito ang nalalapit sa itsura ng kanilang katawan. Sunod ay tinanong sila sa kung ano ba para sa kanila ang ideal body image ng isang babae.

Ang kanilang sagot ay kanilang ipinakita sa pamamagitan ng pag-aadjust sa body image na pinili nilang nagre-represent ng kanilang katawan. Gamit ang mouse ay nagagawa nilang patabain o papayatin ang body image na nakikita nila sa kanilang computer screen.

Matapos ang computer task, sila ay pinapili sa pagitan ng dalawang dolls na gusto nilang laruin. Ang isang doll ay payat o ultra-thin habang ang isa naman ay may realistic size na kahugis ng katawan ng mga bata sa kanilang edad. Sila’y hinayaang maglaro sa doll na kanilang pinili sa loob ng 5 minuto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ang 5 minutong paglalaro, sila’y sumalang sa computer assessment ulit na kanilang una ng ginawa. Pinapili muli sila ng body image na kahintulad ng kanilang katawan at saka pina-adjust ito sa pinaniniwalaan nilang ideal na katawan ng isang babae.

STUDY 2

Sa pangalawang pag-aaral naman ay may 54 na batang babae edad 5 hanggang 10 ang nag-participate. Hinati sila sa tatlong grupo at hinayaang maglaro ng mga payat at sexy dolls sa loob ng 3 minuto.

Matapos ang 3 minuto, ang unang grupo ng mga batang babae ay hinayaang maglaro pa rin ng mga ultra-thin dolls. Ang pangalawang grupo naman ay pinaglaro na ng realistic-sized dolls. Habang ang pangatlong grupo ay pinaglaro ng kotse-kotsehan.

Ang mga batang nag-participate sa pangalawang pag-aaral ay isinalang din sa computer assessment na isinagawa sa naunang pag-aaral. Pinapili rin sila ng body image na tulad ng kanilang katawan. Inadjust din nila ito base sa ideal body image na kanilang pinaniniwalaan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

LOOK: Mommy, ginawan ng DIY dollhouse ang kaniyang anak gamit ang mga lumang gamit at laruan

21 best toys para kay baby, according sa kanilang month

STUDY: Ito ang mga katangian ng laruan na dapat nilalaro ng iyong anak!

Image from Psychology Today

Resulta ng pag-aaral

Sa unang pag-aaral o study 1, natuklasan ng mga researcher na marami sa mga bata ang naniniwalang ang payat na katawan ang ideal body image ng mga babae.

Ganito rin ang natuklasan ng pangalawang pag-aaral o study 2. Hindi nga umano nabago ang paniniwalang ito ng mga bata kahit na sila ay binigyan ng pagkakataong maglaro ng mga realistic-sized dolls o ng kotse-kotsehan.

Base sa data ng ginawang pag-aaral, 80% sa mga batang nag-participate ay may mga ultra-thin dolls sa kanilang bahay. Ito ang madalas nilang nilalaro kasama ang kanilang mga kaibigan.

Ayon kay Renee Engeln, isang psychologist, ang resulta ng ginawang pag-aaral ay nakakabahala. Sapagkat ipinapakita umano nito ang strong preference ng mga bata sa payat na katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pahayag ng mga researcher ng ginawang pag-aaral

Pahayag naman ni psychology professor na si Lynda Boothroyd mula sa Durham University sa UK at lead author ng ginawang pag-aaral, ang strong preference na ito ay nagpapahiwatig ng body dissatisfaction sa mga batang babae.

Maaaring maging malaking problema ito dahil sa maaaring magdulot ito ng serious consequences tulad ng eating disorders at depression sa kanila.

Ayon naman kay Dr. Elizabeth Evans na bahagi rin ng ginawang pag-aaral, hindi naman sinu-suggest ng ginawang pag-aaral na masamang maglaro ng ultra-thin dolls ang mga bata.

Bagama’t naniniwala siya na ang kanilang ginawang pag-aaral ay maaring magsilbing tulong o gabay sa mga magulang sa pagpili ng laruan na mag-popromote ng positive body image sa kanilang anak. Si Dr. Evans ay isang professor mula naman sa Newcastle University sa England.

Maliban dito, ayon naman sa psychology professor na si Martin Toveen na bahagi rin ng ginawang pag-aaral, ipinapakita rin ng kanilang pag-aaral kung paano maagang naapektuhan ng mga dolls o manika ang konsepto ng ideal body size sa mga bata. Ang paniniwala nilang ito ay hindi basta-basta nababago.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Tovee ay isang professor naman mula sa Northumbria University sa UK.

Pahayag ng mga eksperto

Coffee photo created by gpointstudio – www.freepik.com 

Ang mga pahayag ng mga researchers ng ginawang pag-aaral ay sinuportahan ng pahayag ni Ben Deery. Siya ay isang lecturer sa childhood education and care sa Melbourne Graduate School of Education sa Australia.

Ayon kay Deery, ang paglalaro ng mga fashion o teen dolls ay nagpo-promote ng unrealistic expectation sa mga bata. Ito rin ay nagre-reinforce ng stereotyping at consumer mindset sa mga bata.

Pahayag ni Deery,

“There is a risk with some fashion or teen dolls that they are more unrealistic of the people we more commonly see in our society, and can reinforce more traditional stereotypes, and promote a consumer mindset.”

Payo pa ni Deery imbis na bumili ng mga fashion doll sa iyong anak ay mas mabuting bumili ng simple at realistic-sized na mga manika. Mas maganda nga umano kung may dagdag na props ang mga dolls na bibilhin gaya ng doctor’s uniform o fire truck para mas mahasa ang imagination ng iyong anak.

Source:

Good Play Guide, Business Wire, Science Direct, Eurekalert, ABC.net

Photo:

iStock