Pano umano nangyayari iyong maayos at malinis na bahay habang may tatlong maliliit na bata? Parang hindi raw kasi makatotohanan. May helper daw ba kami? Masaya pa rin ba raw ‘yong mga bata? Naglalaro pa raw ba sila? Wala raw ba kong ibang ginawa kundi magligpit at paglilinis lang ng bahay?
5 sinop hacks para sa mga may bagets!
Narito ang ilang hacks ko sa paglilinis ng bahay para manatili pa ring maaliwas at safe para sa mga bata. Siguradong game-changer ito.
1. Designated play area
Napakahalaga nito mga Inay. Huwag nating hayaang may laruan sila sa living room, bedroom, bathroom, kusina at sa lahat ng sulok pa ng bahay.
Mahihirapan talaga sila/tayo magligpit nuyan. May isang place lang dapat sila na puwede silang bumongga ng kalat. Iyong malaya silang makakapag-rambulan. They can be creative and messy sa designated space na iyon.
Pwede ba sila maglaro sa ibang part ng bahay? Yes! Pero iyong mga laro na hindi masyadong makalat. O kaya minsan I allow them to play with their toys pero minimal lang ang ilalabas nila.
Kung sakaling naglaro kami sa isang bahagi ng bahay namin, we make sure na aalis kami doon ng maayos at malinis. Kapag hindi kalakihan ang bahay, pwede pa rin ito. Bigyan sila ng isang spot na malaya silang maglaro at magkalat.
2. Pack away after playing
Hindi sila kawawa kung magliligpit sila at lalong hindi natin sila minamaltrato kung pinagliligpit natin sila. Responsibility tawag doon. Mahalagang matutunan nila maging responsible as young as they are.
Training ground na rin ito sa kanila since we want to raise responsible men and women. Mapapakinabangan din nila ang magandang trait na ‘yan.
Huwag nating sanayin na may taga ligpit sila. Of course, may mga instance na they need our help, pero kung 100% tayo ang magliligpit, NO. Hindi yun beneficial sa mga anak natin pati sa atin.
May agreement kami nila Faith and Hope (mga anak ko) na before they transition sa bagong laro, they need to pack away iyong unang nilaro nila.
Kunwari naglutu-lutuan sila at sawa na sila gusto na nila maglaro ng building blocks, kailangan muna nila iligpit iyong lutu-lutuan.
Hindi rin sila pwedeng matulog sa gabi ng hindi masinop ang homeschool/playroom nila. Acutally bago mag-dinner, masinop na ang kuwarto nila.
Pinapaliwanag ko sa kanila na ayaw nilang salubungin sila kinabukasan ng magulo at makalat na homeschool/play room.
BASAHIN:
3. Empower them
Huwag tayong matakot mag-delegate ng task sa kanila. Involve them sa cleaning process. Let them know na isang team tayo and everyone is expected to be a good team player by cooperating.
Lalo na when it comes to maintaining the cleanliness and orderliness of our home. Of course, dapat swak lang ang task sa age level ni bagets. Baka naman paglampasuhin mo ang 1 year old mong anak.
Medyo mag-iinvest lang tayo sa una ng time and energy kasi syempre tuturuan natin sila and it will take time bago nila ma-master ang tinuturo natin. But in the long run, maganda ang effect nito sa kanila, sa atin at sa buong family.
4. Be a good example
Mahirap turuan ang mga bagets na maging masinop at maayos kung hindi nila makita sa atin. More is caught than taught ika nga.
Kung makikita nila sa atin na kapag may kinuha tayo binabalik natin, kapag may binuksan tayo sinasara natin, nagtatapon tayo sa basurahan.
Iyong pinagkainan o pinag-inuman deretso sa lababo, pagkagising nililigpit ang higaan, ang maduming damit deretso sa hamper. Ang tuwalya na ginamit sinasampay, atbp—iyong mga ganyang bagay simple lang.
Pero I’m telling you, naoobserbahan ng mga bagets ‘yan at ginagaya eventually.
5. Kid friendly storage
Minsan hindi sila makapagligpit kasi hindi nila abot, ‘di nila mabuksan, ‘di nila mapagpatong at kung ano-ano pang difficulty.
Siguraduhin na storage and organizational solution natin ay relevant sa age level nila. Kasi ang ending niyan, tayo rin ang gagawa dahil tayo lang ang may kaya.
Naalala ko noon na patong-patong na plastic box ang taguan nila. Siyempre hirap na hirap sila buhatin at pag-patung-patungin, maliliit pa kamay nila.
Kaya bumili ako ng toy rack kung saan madali nilang mao-organize at maliligpit ang mga gamit at laruan nila. Hindi na nila ako kailangang tawagin kasi kaya na nila.
Mensahe ko sa inyo
Ayan mga Inay. LIMA lang ‘yan pero promise, life-changing ang effect niyan. Hindi ako naniniwala na kapag malinis ang bahay, hindi masaya ang mga batang nakatira doon. Pwede namang pagsabayin ang mailigayang mga bata at masinop na bahay.
Mahirap ito sa una lalo na kung hindi habit BUT kung gugustihin natin ang ganitong setup, posible naman. Maniwala kayo, burara ako nung unang panahon!
Totoong people change. Salamat sa asawa kong ultimate model namin ng mga bata sa masinop at malinis na bahay.
Hindi man malinis na malinis pero masinop at maayos sa paningin. Aminin ninyo mga Inay, mas magaang din sa pakiramdam kapag masinop ang ating mga tahanan.
Unang nailathala sa Facebook page ni Bibong Pinay