Pagpapadede ng tatay sa sanggol, nasubukan na ba ito ng iyong mister?
Noong unang beses naming binigyan ng baby formula ang aming anak, ramdam namin ng asawa ko ang pagkatalo.
Wala kaming ibang ginawa ng asawa ko buong araw kundi alalahanin ang kaniyang gatas. Umaasa pa rin kaming magkaroon na siya ng gatas kahit na naka-milk formula ang anak namin. Halos maging milk laboratory na ang aming bahay. Nag-imbita kami ng mga eksperto kung saan nagtuturo kung paano sumipsip si baby gamit ang tube at syringe. Sinubukan na rin ng asawa ko ang paggamit ng pumping machine pero nanlulumo pa rin kami, malinaw na sa ‘min ang katotohanang hindi sapat ang gatas ng asawa ko.
Pagpapadede ng sanggol | Image from iStock
Isa sa mga pangamba namin, ang posibleng pagkakaroon ng diabetes at asthma ng aming anak dahil sa artificial milk. Ilang taon na namin itong naririnig. Ito ba ang dahilan kung bakit “breast is best”?
Kapag nakikita ko ang box at plastic na lagayan ng formula milk, pakiramdam ko sinasakop niya ang sagrado naming tahanan. Invasion! Pero alam niyo ba na nagdala rin ito ng kapayapaan sa loob ng bahay namin? Siyempre, naging mahirap ang unang linggo para sa amin.
Si daddy, baby at ang milk bottle
Bukod pa rito, ito ang naging dahilan kung bakit mas lumalim ang samahan namin ng anak ko. Tumagal ito hanggang sa tumigil na siyang uminom ng gatas sa bote.
Naalala ko pa ang unang beses na binigyan ko siya ng gatas mula sa bote—mabilis niya itong sinisip at agad siyang kumalma noon! Nakahiga siya ng payapa sa braso ko habang tinititigan siya. Masasabi kong para sa mga baby na laging gutom at umiiyak, magandang regalo na ito sa akin.
Pagpapadede ng sanggol | Image from Joe Wang/The New York Times
Pero sa kabilang bahagi, hindi ko maiwasan na mali ang ginagawa namin. Delikado ba ito para kay baby? Kaya naman agad naming ni-research ng asawa ko kung ano ang taglay na kapangyarihan ng breastfeeding. Sobra akong nagulat nang maraming benepisyo ang gatas ng nanay.
Ayon sa pag-aaral tungkol sa breastfeeding noong 2007 na isinagawa ng Department of Health and Human Services, nalaman nila na ang mga baby na pinasuso ng ina ay mababa ang tiyansa na magkaroon ng ear infection, stomach flu at iba pang sakit sa una nitong taon.
BASAHIN:
Similac vs. Nan: Anong mas mainam ipainom kay baby?
MOM-titasking! 7 activities na pwedeng gawin habang nagbre-breastfeed kay baby
GIFT IDEAS: 8 best gift para sa breastfeeding moms ngayong pasko
Para sa pang matagalang epekto naman, nakakita ng koneksyon ang mga eksperto na ang mga batang lumaki sa formula milk ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng diabetes at obesity. Subalit hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin ito ng mga eksperto kung ito nga’y totoo. Para sa kanila, imposible ito lalo na’t sa iba’t ibang pamamaraan lumaki ang bata.
Hindi ako biased na reader pero dahil sa research na ito, kinalimutan ko muna ang aking mga pangamba at sinimulang i-appreciate ang benepisyong taglay ng formula sa relasyon ko sa anak namin.
Sa paglipas ng mga linggo, napansin ko ang malalim na pagbabago sa relasyon namin ng anak ko. Kapag umiiyak siya, gabi man ‘yan o umaga, loob man ng bahay o sa labas, agad ko siyang pinupuntahan. Noong una kasi, ang asawa ko ang agad na lumalapit sa kaniya kapag umiiyak para bigyan ng gatas. Ngunit ngayon, alam at kaya ko nang bigyan siya ng gatas.
Pakiramdam ko super dad na ako dahil alam ko na rin kung kailan siya gutom, kailan kailangang padigyahin, at kung oras na ba para palitan siya ng diaper!
Pagpapadede ng sanggol | Image from New York Times
Pagpapadede ng sanggol
Naintindihan ko na ang konsepto ng pangangailangan ng anak ko.
Hindi lang ang mga nanay ang apektado kapag wala silang nailalabas na gatas para ibigay sa kanilang anak. Oo, ang mga breastfeeding moms ay nagpa-pump at ang mga asawa nila’y madaling ibinibigay ang bote ng gatas sa kanilang anak. Subalit alam niyo kung ano ang mahirap? Kapag limitado ang lumalabas na gatas sa mga ina.
Hindi ko sinasabing kailangan ako ng anak ko bawat oras kapag kakain pero nasa sistema ko na ang gumising ng gabi.
Kahit papaano, natulungan ng baby formula ang anak ko. Hindi na siya nagugutom at matagal na rin ang oras ng kaniyang pagtulog. Bukod pa rito, wala nang night calls sa amin! Dire-diretso nang nakakatulog ang asawa ko para maipahinga ang kaniyang katawan. Balik na rin sa normal ang bahay namin, tahimik at payapa.
Para naman sa health ng anak ko, malaki ang pasasalamat namin dahil hindi siya nagkaroon ng sakit sa unang taon niya. Pero alam mo ba ang pinakaikanatutuwa ako? Ramdam ko ang pagiging malapit namin dahil kapag may kailangan siya, ako ang una niyang nilalapitan kahit pagkatapos ng kaniyang milk bottle journey.
“What Baby Formula Does for Fathers” by Nathaniel Popper © 2020 The New York Times Company
Nathaniel Popper covers finance and technology from San Francisco for The New York Times.
This story was originally published on 23 February 2019 in NYT Parenting.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!