Nahihirapan ba kayo sa pagpapakain sa inyong anak na bata pa o nasa toddler stage? Dahil mas gusto pa rin niya ang pag-inom ng gatas kaysa kumain? Narito ang ilang mga pamamaraan na puwede mong gawin.
Larawan mula sa IStock
Gatas lang, at ayaw sa solid na pagkain
Para sa mga toddler at mga magulang nila, ang gatas talaga ang isa sa pinakamadaling meal replacement. Dahil sa tamis nito at appeal nito sa panlasa ng mga bata. Ang mga batang nasa edad na 12 months at mga batang 5-anyos pababa ang kinakailangan ng 500ml na gatas sa isang araw. Mas kaunti pa kung nagko-consume sila ng mga iba pang dairy na pagkain katulad ng keso o yoghurt.
Pero ang labis na pag-inom ng gatas, ay mas lagi silang busog at hindi nila kakainin ang mga solid na pagkain na iyong inihahanda. Ang labis din na pagkain ng dairy ng mga bata ay i-inbit ng pag-absorb ng iron na magdudulot ng iron deficiency para sa inyong anak.
Ang isa sa mga solusyon na puwede mong gawin kung ang iyong anak ay mahilig sa diary. Siguraduhin na katutok ka sa mga portion na ibinibigay mo sa kaniya. Lagi ring siguraduhin na hindi sila lalampas sa 500ml na gatas sa 3 beses niya na pag-inom sa isang araw.
Isa pang advice para sa pagpapakain ng solid food sa bata o sa inyong anak, ay mag-offer muna kayo ng solid food lagi bago ang gatas. Mababawasan unti-unti ang portion ng pag-inom niya ng gatas at ini-enable nito ang natural na gutom sa kanila kapag meal time na.
Larawan mula sa IStock
Ayon sa mga eksperto
Mayroon iba’t ibang eating behavior ang mga bata. Kaya naman maraming mga bata o toddler at mga magulang ang nahihirapan sa pagpapakain sa mga bata o anak nila.
Minsan kasi kapag nagta-transition na ang mga bata mula sa pag-inom ng gatas papunta sa pagkain ng mga solid na pagkain ay nahihirapan sila. Iba kasi ang texture at lasa nito sa nakasanayan nila. Kadalasan din mas madali sa mga magulang ang pagpapa-inom ng gatas sa kanilang anak kaysa paghahanda ng pagkain nila dahil rin sa siguro ay busy sila.
Pero huwag mag-alala para sa mga worried na magulang, ayon sa mga eksperto isang research ang nagpapakita ng isang significant factor para makatulong sa inyo.
Maraming umanong stratehiya ang puwede mong gawin para mapakain ang inyong anak ng mga solid food o table foods. Narito ang ilang tips para makatulong sa inyo.
Larawan mula sa IStock
Tips sa pagpapakain sa bata o sa iyong anak ng solid na pagkain.
- Mag-offer muna ng mga solid na pagkain bago ang gatas. Siguraduhing nasa lamesa ang inyong anak kapag mag-o-offer kayo ng solid na pagkain.
- Unti-unting palitan ng snack o meal mula sa gatas papunta sa solid na pagkain sa inyong mga anak.
- Subukan magkaroon ng mga schedule sa pagpapakain ng solid na pagkain sa inyong anak at pag-inom niya ng gatas.
- Unti-unting mag-introduce ng mga pagkain katulad ng gulay at prutas sa inyong anak.
- Magbigay ng mga finger foods o self-feeding na pagkain sa inyong anak.
- Magkaroon ng routine sa pagpapakain ng solid na pagkain sa inyong anak.
Kapag napapansin ninyo na ang inyong anak ay nahihirapan sa pag-transition mula sa pag-inom ng gatas papunta sa pagkain ng solid foods. Katulad ng hirap sa pagnguya o paglunok. Mainam na ikonsulta ito sa pediatrician o sa mga eksperto upang matulungan kayo.
Tandaan na iba-iba ang mga pamamaraan sa pagpapakain sa mga bata ng solid na pagkain. Malalaman niyo rin ang swak para sa inyong anak. Isa rin na dapat tandaan huwag masyadong pakainin agad ng marami ang inyong anak ng solid foods. Lalo kapag gabi dahil maaaring hindi rin ito matunawan.
Iba pang paalala
Huwag na huwag din biglain ang inyong anak sa transition na ito. Unti-untiin niyo ang pagpapakain ng solid foods sa kaniya hanggang sa masanay siya at mas gugustuhin niya nang kumain ng solid na pagkain kaysa pag-inom ng gatas. Isa pa na puwedeng mangyari kapag pinilit at naparami kayo ng pagkain ng solid na pagkain sa inyong anak. Maaari silang magkaroon ng constipation at hindi ito makakabuti sa kanila. Lalo na kung mas marami pa rin ang iniinom nilang gatas sa isang araw.
Maganda ring mag-research ng mga recipe na magugustuhan ng panlasa ng inyong anak para sa kaniyang edad. Sa gayon, mas mapapali ang pagkain sa kaniya ng solid foods.
Source:
kidspot, extremepickyeating
BASAHIN:
Baby Food 101: Mga kailangan mong malaman sa pagpapakain kay baby
Apat Na Paraan Ng Pagpapakain Sa Bata, Alin Ang Pinakamagaling?
Anak na pihikan sa pagkain, narito ang dapat mong gawin!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!