Paano pumili ng tamang ninong at ninang sa iyong anak?

Nag-plaplano sa binyag ng iyong anak? Nakapili ka na ba ng ninong at ninang? Kung hindi pa narito ang ilang tips na makakatulong sayong pagdedesisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng ninong at ninang para sa iyong anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagpili sa ninong at ninang
  • Payo sa pagpili ng ninong at ninang

 

Image from Pexels

Paano ba dapat pumili ng ninong at ninang ng iyong anak

Isang netizen ay may panawagan sa mga magulang pagdating sa pagpili ng ninong at ninang ng kanilang anak. Ayon sa netizen, puwede raw bang itanong muna ng mga magulang ang mga napipisil nilang mag-ninong at ninang kung ok o payag ba sila. O kaya naman puwede raw bang i-normalize na ang pagtanggi kung kukunin kang ninong o ninang sa binyag?

Paliwanag ng netizen ito’y dahil may kaakibat na malaking responsibilidad ang pag-ninong at ninang sa binyag. Dahil sila ang tumatayong pangalawang magulang na gagabay sa bata hanggang sa kaniyang paglaki. Hirit pa ng netizen, ito ang dapat hanapin ng mga magulang sa pagpili ng ninong at ninang ng kanilang anak at hindi dahil mapera lang.

“Kung kukuha kayo ng Godparent dapat yung “WILLING” talaga ‘di ‘yung kukuha nalang kayo ng basta basta at dapat piliin niyo ‘yung makakatulong talaga sa anak niyo in the future, ‘yung alam niyong magiging responsable talaga, ‘yung magiging gabay talaga ng bata sa paglaki, maaasahan niyong nandiyan lang kapag kailangan, kasi hindi ba ‘yun naman talaga ang purpose ng Godparent, maging gabay at hindi human ATM tuwing dadalaw?” “Nawawalan na kasi ng saysay ang dapat sana’y mahalagang parte ng buhay at magiging gabay ng bata sa kaniyang paglaki.”

Ito ang pahayag ng netizen na si Emma Rose Ilustre na sinang-ayunan din naman ng iba pang netizens.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ng iba pang netizens

Ilan nga sa mga naging komento o reaksyon ng iba pang netizen sa post na ito ni Ilustre ay ang sumusunod:

“HAHA TRUE! Magugulat ka na lang ninang ka pala haha wala dapat sapilitan.”

“Kaya hindi puwede ‘yung porke kaibigan e, ninong ninang agad. Responsible dapat.”

“Tama. ‘Yung mga ninong at ninang ng baby ko ‘di nakabase sa regalo birthday taon taon, at regalo pamasko taon-taon.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“For me, God parent sila ng baby ko na handa maging PANGALAWANG MAGULANG sa anak ko, at isa pa kaya mo sila kinuha God parent ng anak mo ibig sabihin may tiwala ka sa kanila.”

“‘Di porket ninong at ninang e obligado tuwing pasko at birthday taon taon. Mag regalo ”

Ito ang ilan lamang sa reaksyon ng mga netizen tungkol sa tamang pagpili ng ninong at ninang ng iyong anak. Pero paano nga ba makakapili ng tamang ninong at ninang sa iyong anak? Anu-ano nga ba ang mga dapat mong isaalang-alang.

BASAHIN:

Ninang at Ninong, hindi taga bigay lamang ng mga regalo

What traits should you consider when choosing your child’s ninongs and ninangs?

Para sa mga single parents: Planuhin ang binyag ni baby

Mga tips sa pagpili ng ninong at ninang ng iyong anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

File photo courtesy of Rizza Gail Rempillo

1. Dapat ang pipiliin mong ninong o ninang ay responsible o tanggap ang kaniyang role ng maging godparent ng iyong anak.

Una at pinakamahalaga sa lahat, dapat ang kukunin mong ninong at ninang ng iyong anak ay tanggap ang ibinibigay mong bagong responsibilidad. Dapat ay malinaw din sa kaniya ang bagong niyang role na ito. Kaya naman makakatulong na bago sila kunin na ninong at ninang ng iyong anak ay ipaliwanag kung ano ang inaasahan mo mula sa kanila. Ito’y upang masiguro na aayon sila sa bagong responsibilidad na ito. Magiging panatag ka na maliban sa inyong kaniyang mga magulang ay may gagabay sa iyong anak habang lumalaki ito.

2. Piliin ang ninong at ninang na alam mong magtatagal o malapit ang tirahan sa inyong lugar.

Ang mga ninong at ninang ayon sa basbas ng simbahan ay ang tatayong pangalawang magulang ng iyong anak. Kaya naman, sa pagpili ng magiging ninong at ninang ng iyong anak ay siguraduhin mong sila ay magtatagal o malapit ang tirahan sa inyong lugar. Dahil sa oras na may problema o kinakailangan ng iyong anak ng payo o kausap, sila ang sunod nilang maaaring puntahan. Kaya naman dapat sila ay madali niyang mapupuntahan o mabibisita anumang oras. Tulad ng isa sa miyembro ng inyong pamilya na malapit o lubos din siyang kilala.

File photo courtesy of Rizza Gail Rempillo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Dapat ang ninong at ninang na iyong pipiliin ay magiging mabuting impluwensiya sa iyong anak.

Dapat din na iyong siguraduhin na ang pipiliin mong ninang at ninong ng iyong anak ay magiging mabuting impluwensiya sa kaniya. Dahil tulad ninyong kaniyang mga magulang, sila ang magsisilbing nilang modelo o halimbawa. Kaya naman dapat makasigurado na sila’y magpapakita o magiging mabuting impluwensiya sa iyong anak na maaari niyang idolohin o gayahin.

4. Dapat sila’y lubos mo ng kilala.

Upang masiguro na pasok o papasa sa mga nabanggit na kuwalipikasyon ang kukunin mong ninong at ninang ng iyong anak ay makakatulong kung kukuha ng malapit sa ‘yo o matagal mo ng kilala. Para maging kampante ka na magagawa niya ang responsibilidad ng isang ninong at ninang ng maayos. Hindi mahalaga kung mapera siya o hindi. Ang dapat mo lang isaisip ay tulad mong magulang ng iyong anak ay maasahan mo siyang gagabayan ang iyong anak hanggang sa paglaki niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement