Pagsisinungaling ng bata habang lumalaki, paano ba dapat disiplinahin? Alamin rito.
Maraming mga magulang ang nahihirapan alisin ang pagsisinungaling ng mga anak nila. Ito ay dahil sa mga nakikita niya sa kanyang kapaligiran – mula sa napapanood sa telebisyon kung saan may nagsisinungaling ang mga tauhan hanggang sa mga white lies na sinasabi ng mismong mga magulang.
Isama pa ang pagsisinungaling na totoo si Santa Claus, kukunin siya ng guard, o hindi masakit ang injection. Sinasabi ito ng mga magulang dahil sa pagmamahal nila sa kanilang anak, ngunit hindi alam na mayroon itong masamang epekto sa bata.
Sa sandaling nahuli nating ang ating anak na nagsisinungaling, ang karaniwang reaksyon ay ang magalit dahil sa kaniyang nagawa at ang kaparusahan na kaakibat nito. Ngunit, hindi ito epektibong paraan kung ang iyong layunin ay tanggalin ang pagsisinungaling sa bata.
Hindi epektibong pagdidisiplina sa pagsisinungaling ng bata
Kapag pinangunahan ng galit ang pagdidisiplina natin sa ating anak, sa halip na makatulong ay lalo lang itong makakasama. Ito ay dahil sinasara nito ang komunikasyon sa pagitan mo at ng iyong anak, mababawasan ang tiwala niya sa ‘yo at maaari itong humantong sa patuloy na pagsisinungaling at pagsisikreto ng kaniyang mga ginagawa mula sa iyo.
“Liars go to hell!” Madalas nating marinig ‘yan noon mula sa ibang tao at maging sa ating mga magulang. Ang pananakot ay isa pang maling paraan para ituwid ang maling pag-uugali ng bata.
Maaaring itigil nila ang maling gawain dahil sa takot nila, subalit kapag nadiskubre nilang hindi ito totoo at hindi sila natatakot dito ay babalik na naman sila sa maling pag-uugali. Ganito rin ang epekto ng pagpaparusa sa bata.
Panandalian lang ang epekto ng mga ganitong paraan ng pagdidisiplina at hindi naman itinuturo sa bata kung bakit masama ang pagsisinungaling at bakit hindi dapat itong gawin.
Larawan mula sa Pexels
Paano maitutuwid ang pagsisinungaling ng bata, ayon sa kaniyang edad
Subalit ano nga ba ang tamang paraan para matigil ang bata sa masamang gawaing ito?
Ayon kay Dr. Kristen Eastman, PsyD., isang pediatric clinical psychologist, ang unang dapat mong gawin ay panatiliing bukas ang communications lines sa pagitan mo at ng iyong anak.
“It’s an opportunity to figure out why they felt lying was their only option,”aniya.
“At different times, you can identify what underlying skill they are lacking — whether that’s problem-solving or social skills to connect with peers.”
Dagdag pa ni Dr. Eastman, iba-iba rin ang pagkakaintindi ng bata sa pagsisinungaling, depende sa kaniyang edad. Kaya naman iba-iba rin ang kanilang dahilan kung bakit nila ginagawa ito.
Ibinahagi niya ang tamang paraan ng pagtuwid sa pagsisinungaling ng isang bata, ayon sa kaniyang age group.
Sa edad na ito, nagsisimula pa lang nilang maintindihan ang pagkakaiba ng fantasy at ng totoong buhay, kaya naman likas pa sa kanila ang mag-imbento.
Ayon din kay Dr. Eastman, wala pa silang konsepto ng pagsisinungaling bilang tama o mali. Kadalasan, sasabihin nila kung ano lang ang gusto mong marinig, totoo man ito o hindi.
“Children this age are too young to understand lying as a moral choice. They don’t always think before acting, so they don’t anticipate consequences.
So, the lie is how they’re responding to the fact that you look mad or sound upset. They want to make everything OK again. They’re not trying to deceive.” aniya.
Dahil hindi pa niya alam na mali ito, iwasang parusahan ang iyong toddler dahil sa isang bata na hindi pa niya naiintindihan. Mas mabuting ipaliwanag sa kaniya kung ano ang totoong nangyari at ipakita ang ebidensya. Dito na rin niya nagsisimulang matutunan ang konsepto ng tama at mali.
-
Preschool years (edad 4-5)
Habang lumalaki sila, maaari mo na silang kausapin tungkol sa kahalagahan ng pagsasabi ng totoo. Maaari mong ipaliwanag ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro na ito ang tema. Gayundin, siguruhing nagpapakita ka ng magandang halimbawa sa iyong anak.
Kapag nahuli mo ang bata na nagsisinungaling, iwasang palakihin ito. Sinusubukan pa nilang mag-explore sa edad na ito. Sa halip, ipaliwanag ang konsepto ng choices, o mga aksyon na pupuwede niyang gawin sa susunod para hindi na siya magsinungaling.
Larawan mula sa Pexels
Pagdating sa ganitong edad, alam na nila ang konsepto ng tama at mali, at alam nilang hindi dapat nagsisinungaling. Subalit minsan, nagagawa pa rin niya ito para makaiwas sa mga bagay na hindi niya alam o hindi siya kumportableng gawin.
“Kids usually want to do the right thing,” ani Dr. Eastman.
“But when they lack skills to handle a situation, they just choose the path of least resistance.”
Halimbawa, sasabihin nila na nagawa na nila ang kanilang homework, kahit ang totoo ay hindi pa, dahil nahihirapan sila sa isang paksa. Ayon kay Dr. Eastman, sa halip na parusahan sila, dapat mag-focus ang magulang sa problem-solving at skill-building skills.
“Look at the gaps in your child’s skills as an opportunity to reduce the need to lie,” aniya.
Alamin mo ang totoong rason kung bakit nagsinungaling ang bata, at tulungan siya sa bagay na iyon para hindi na niya ulitin ang pagsisinungaling sa susunod. Subalit kailangan mo pa ring ipaliwanag sa kaniya na mali ang kaniyang ginawa.
Kadalasan, nagsisinungaling ang bata sa ganitong edad para matanggap ng ibang tao, para makaiwas sa problema o para magrebelde kapag hindi ka pumayag sa gusto niya. Pero dahil bata pa rin sila, minsan ay hindi nila naiisip ang maging kahihinatnan ng kanilang mga ginagawa. Responsibilidad mo na ipaliwanag ito sa kanila.
“Explain to older kids and teens why lying can lead to dangerous consequences. Often, they’re not thinking ahead,” ani Dr. Eastman.
Halimbawa, nagsinungaling ang iyong anak kung nasaan siya at kung sino ang kasama niya. Ipaintindi mo sa kaniya na maaari siyang mapahamak at hindi mo alam kung paano mo siya matutulungan kung hindi mo alam kung nasaan siya. Kailangang maiparating mo sa kaniya na ang mga patakaran at limits ay para sa kaniyang sariling kapakanan.
Iwasan din ang magalit sa bata sa mga ganitong pagkakataon. Sa halip, puwede kayong magkasundo at mag-compromise para maiwasan ang pagrerebelde at hindi pagkakaintindihan. Kapag masyado kang mahigpit, mas posibleng magsinungaling sa iyo ang iyong anak.
Ayon sa mga pag-aaral, narito pa ang ilang mabisang paraan para maituwid ang pagsisinungaling ng iyong anak:
Papuri
Subukan ang exercise na ito: Magpakuwento ka sa bata ng isang bagay na nangyari sa paaralan na alam mo ay totoo, hindi importante kung tungkol saan ito.
Kung nagsabi ng totoo ang bata, bigyan siya ng papuri tulad ng “Magaling! Sinabi mo ang nangyari sa tanong ko.” at yakapin sila. Gawin ito isa o dalawang beses sa isang araw bilang practice.
Gayundin, kung umamin sila kanilang nagawa kahit alam nilang mali ito (halimbawa, natapon ang tubig sa baso), iwasang pagalitan sila. Sa halip ay purihin ang kanilang katapangan na magsabi ng totoo. “I’m proud of you for telling the truth.”
Kung mangyaring mahuli nagsisinungaling ang bata, pagsabihan siya ng maayos. “Hindi yan totoo at maaari kang ikapahamak kapag wala ka dito sa bahay. Mas mainam na magsabi ng totoo.”
Larawan mula sa Freepik
Maging mabuting halimbawa
Sikapin mong maging modelo ng katapatan sa iyong anak. Tandaan, kung anong nakikita niya sa’yo ay iisipin niyang tama. Kaya naman sa mga panahong mahirap para sa iyo na magsabi ng totoo, isipin na laging nanonood ang anak mo. Gayundin, ikuwento sa kaniya ang pangyayaring ito at kung paano mo ito nalampasan.
Isang palaisipan rin ang pagsasabi ng “white lies” para hindi masaktan ang damdamin ng ibang tao. Kapag medyo nakakaintindi na sila, ituro sa kanila ang kahalagahan ng pananahimik sa halip na magsabi ng bagay na makakasakit sa iba.
Huwag bigyang-diin ang pagpaparusa
Pwede bang parusahan ang bata kapag nagsinungaling sila? Pwede naman, pero tandaan na ang focus ay hindi ang parusa kundi ang pagtama ng mali nilang nagawa.
Maaari mo silang bigyan ng mga magagaang parusa tulad ng pagbawi ng kanilang gamit, o pag-alis ng ilang pribilehiyo, pero dapat ay maintindihan muna nila kung bakit mo ito ginagawa.
Sa pagdidisiplina sa ating mga anak, laging tandaan na huwag gagawin ang isang bagay kapag ikaw ay galit. Sa halip, gawin mo ito para matama ang pag-uugali ng iyong anak, at iparamdam sa kaniya na ginagawa mo ito dahil mahal mo siya at ayaw mo siyang mapahamak.
Karagdagang ulat ni Camille Eusebio
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!