Pagtataksil sa kaibigan, gaano ito kasakit sa biktima lalo na kung ang apektado ay ang pamilya niya?
Mababasa sa artikulong ito:
- Kwento ng mga pagtataksil
- Mga dapat gawin kung ikaw ay pinagtaksilan ng iyong partner o asawa
Kwento ng pagtataksil sa kaibigan
Isang misis na miyembro ng theAsianparent community ang humingi ng payo sa kapwa niya mga mommy. Ang pinoproblema ng misis ay ang hinihinalang niyang pagtataksil sa kaniya ng mister at ng kumare niya na nabuo dahil sa mga nakita niyang ebidensya.
To the rescue naman agad ang iba pang mommies na nagbigay ng payo sa mga dapat gawin ng namomoblemang misis.
Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng misis na ito, ano ang gagawin mo? At kaya mo bang gumawa ng pagtataksil sa kaibigan ng tulad nito?
BASAHIN:
8 bagay na puwedeng gawin para maayos ang pagsasama na nasira dahil sa cheating
Mga dapat gawin kung ikaw ay pinagtaksilan ng iyong partner o asawa
Ang lokohin ng partner o asawa ay isa sa pinakamahirap na bagay na mararanasan ng sinumang nagmamahal. Bagamat hindi lahat ng magkarelasyon ay nakakaranas nito, isa naman ito sa itinuturing na pagsubok na nakakapagpatibay umano ng isang relasyon.
Hindi madali ang makaranas o maipit sa sitwasyong ganito. Ngunit sa ganitong pagkakataon ay kailangan mong manatiling matatag. Lalo na kung ang pagkasira ng inyong pagsasama ay may maapektuhang mga bata.
Payo ng sexologist at clinical psychologist na si Robert Weiss ay may mga bagay kang maaring gawin para masigurong protektado ang iyong karapatan at pagkatao sa mga sitwasyong ganito. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Kumuha ng STD test.
Kung hinihinala mong nagtataksil ang iyong asawa o nakikipagtalik sa ibang babae, ay mabuting kumuha ng STD test. Ito ay para malaman mo ng mas maaga kung ikaw ay positibo sa impeksyon. Dahil madalas ito ay nakukuha kung ang isang tao ay mayroong isa o higit pang sexual partners.
2. Alamin ang iyong legal rights.
Bilang legal na asawa ay kailangan alam mo ang iyong karapatan. Makakatulong ito upang iyong masigurado na sa oras ng hindi inaasahang hiwalayan ay protektado ang iyong kapakanan pati na ang sa anak mo.
Sa isang legal na pagsasama, ayon sa batas ay may karapatan ang misis na humingi ng sustento sa kaniyang asawa para sa kaniya at kaniyang mga anak.
3. Humingi ng tulong sa iba.
Mahirap ang maging biktima ng pagtataksil at hindi ito madaling harapin ng mag-isa. Sa mga ganitong pagkakataon ay huwag mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan o kapamilya. Dahil sa mahirap na sitwasyon na ito ay makakatulong ang isang makakausap para mapagaan ang loob mo.
Sa usapin naman ng legalities o karapatan mo at ng iyong anak ay mabuting lumapit sa isang abugado o legal consultant na gagabay at magtuturo sayo ng dapat gawin.
4. Magtiwala sa iyong instinct.
Ang mga babae ay kilala sa pagkakaroon ng malakas na instinct lalo na kung ito ay tungkol sa pangangaliwa. Sa mga ganitong sitwasyon ay makakatulong ang pakikipag-usap sa iyong asawa para ito ay makumpirma o mabigyan ng karapatang solusyon.
Ngunit, alam naman natin ng hindi lahat ng gumagawa ng masama ay umaamin. Sa kaso ng misis na nag-iisip kung ang anak ng kumare niya ay anak rin ng asawa niya, mas mabuting isailalim sa DNA test ang bata para makasigurado. Ito ay kung parehong pahihintulutan ng magkabilang panig ang suhestisyon na ito.
5. Huwag magpapagdalos-dalos ng desisyon.
Bagamat nakakagalit ang maipit sa ganitong sitwasyon, hindi dapat maging padalos-dalos ang pagdedesisyon. Lalo na kung may mga batang apektado na mas magdudusa kung may hiwalayang magaganap sa pagitan ng mga magulang nila.
Oo, mahirap muling magtiwala, ngunit ang pagbubukas ng posibilidad na ayusin ang isang relasyon na sinira ng isang pagtataksil ay dapat laging bukas sa isa pang pagkakataon.
6. Tanggapin na pareho kayong nagkamali.
Ilagay rin sa isip na ang pagkakaroon ng problema ng mag-asawa ay hindi lang dahil sa kasalanan ng isa. Madalas ito ay nag-uugat mula sa isang hindi pagkakaintindihan o maliit na problemang hindi agad napag-usapan o na-solusyonan.
Kaya kung gustong panatilihing healthy ang pagsasama ay maging open sa iyong asawa tungkol sa iyong nararamdaman. Busy man sa trabaho o gawaing bahay ay hindi dapat nawawalan ng oras para iparamdam sa kaniya ang iyong pagmamahal.
Muli hindi lang ito basta pagkakamali ng isa sa magka-relasyon, kaya wala kang dapat sisihin. Sa halip ay tanggapin na mayroon ka ring naging pagkukulang o pagkakamali.
Hindi makakatulong ang pagtatanim ng galit. Mas mabuting magpatawad at mag-moveon sa iyong buhay kaysa ibaon ang iyong sarili sa galit at pagsisisi.
Ika nga ng matandang kasabihan, mayroong nakatadhana para sa bawat isa sa atin. Nasaktan ka man ngayon, hindi namam dapat maging dahilan ito para mawalan ka ng tiwala sa ganda at hiwaga ng pag-ibig sa isa pang pagkakataon.
Source: Psychology Today
Photo: Freepik