Madalas na nagsisimula ang away o pagtatalo sa mga mag-asawa dahil sa tono ng boses. Minsan, ang mga simpleng pagtatalo ay lumalaki dahil sa hindi pagkaka-intindihan. Alamin natin ang sinasabi ng mga pag-aaral na tono dapat ng boses sa pagtatalo ng mag-asawa.
Ayon sa pag-aaral, mahalaga ang tono ng pananalita
Isang bagong pag-aaral ang nai-publish sa journal na Developmental Psychology. Lumahok at sinuri ang nasa 1,000 na mga nasa edad 10 hanggang 19 taong gulang. Ang mga lumahok ay tinignan ang mga magiging reaksyon sa pagtanggap ng utos mula sa kanilang ina. Ang utos ay iba-iba ang tono, mula sa mahinhin, naghihikayat, walang emosyon, agresibo at mapagmataas.
Pare-pareho man ang salitang ginamit, nag-iba iba ang mga naging pagtanggap ng mga lumahok sa utos. Nakita na ang mga nakatanggap ng mga mahinhin at mapanghikayat na tono ay mas sumunod sa utos. Ang mga nakatanggap naman ng may tono na mapangmataas, agresibo o walang emosyon ay kabaliktaran.
Ano ang dapat na tono ng boses sa pagtatalo ng mag-asawa?
Ayon sa mga mananaliksik, malaki ang parte ng tono ng boses sa pag-aaway ng mag-asawa. Ang mga nakatanggap ng nasa grupo ng mapangmataas na tono ay nakakapagbigay ng puwang sa relasyon. Nangyayari ito sa mga mag-ina at masmalaki ang epekto sa mga mag-asawa. Lalo na kung ang mga salita ay binitawan sa personal at harapan na interaksyon.
Ayon sa kilalang couples therapist at mananaliksik na si Dr. John Gottman, maaaring gawin ang “soft start-up. Sa ganitong paraan, ang pag-uusap ay sisimulan sa mahinahon na tono. Dapat iwasan ang pagbibitiw ng mga panunutya o pag-atake sa asawa. Ang mga ito ay maaaring maka-sira sa mga relasyon.
Ayon kay Dr. Gottman, mas mabuti ang “Kala ko nagkasundo tayo na magsasabi ka kapag gagabihin ka. Nag-alala ako sa iyo.” Dapat iwasan simulan ang pag-uusap ng “Ano ba yan! Di ako makapaniwala sa yo! Parang wala kang paki-alam na hindi ka man lang nagsabing gagabihin ka!”
Mahirap mang gawin dahil baka madala ng sama ng loob, mahalaga itong gawin. Tandaan lamang na ang layunin ay hindi kutyain ang iyong asawa, kundi iparating ang pag-aalala at ang kagustuhang mapalapit sa asawa.
Basahin din: 5 kailangang gawin upang tumagal ang pagsasama ng mag-asawa
Source: Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!