Hirap ka rin bang turuang magsulat, magbasa, o magkulay ang anak mo Mommy? Huwag kang mag-aalala hindi ka nag-iisa. Ganiyan din ang pinagdaanan ni Mommy Aira. Alamin kung anong paghahanda at pagtuturo para sa nursery class ang ginawa ni Mommy Aira dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagtuturo sa aking anak para sa nursery class
- Pagsubok na pinagdaanan namin ng aking anak
- 3 tips para maturuan sa pagtuturo sa anak
Pagtuturo sa aking anak para sa nursery class
I often read on some mommy groups na may mga mommies na super struggle turuan magsulat at magkulay ang mga anak niĺang pre school toddlers.
Ang mga batang nasa edad 3-5 years old na ay nag-aaral na sa nursery. Nakikita ko ang struggle nila to the point na they even scold their child kasi nga hindi interesado or more on laro pa si baby. And I want to share this experience of mine with my son.
Larawan mula sa author
I started teaching my son nursery rhymes at the age of 1 year old. Bago siya mag 2 years old doon ko na rin paunti-unting inintroduce ang Letters and Numbers.
Kaya at the age of 2 years old kabisado na niya kahit jumbled pa. Isa sa mga napansin ko sa anak ko ay self learning siya. I mean ayaw niya kasi ng tinuturuan siya ng paulit ulit turuan mo siyang once and siya na ang bahala mag explore then all of a sudden alam na niya. My son is communication delay until now.
Ipapatingin sana namin siya sa developmental pedia pero dahil sa pandemic naudlot. Ngayon nga ay buntis ako sa kaniyang kapatid kaya mas lalong naudlot kasi malayo ang developmental pedia dito sa amin. Babiyahe ka pa.
Larawan mula sa author
Pagsubok na pinagdaanan namin ng aking anak
I enroll my son year 2019 he was 4 years old that time. Ang pinaka-purpose ko talaga is para sana magkaroon siya ng mga kalaro at kausap na kapwa bata na kulang sa kaniya dito sa bahay since siya lang ang bata talaga rito.
Wala ka ring makikitang batang nakakalat dito kaya hirap din kami maghanap ng kalaro niya. Isa sa mga thinking kasi namin na kaya delay siya magsalita that time kasi wala siyang kalaro na bata.
Pinasok ko yung anak ko na tanging ang alam ay nursery rhymes, letters, numbers, shapes, animals etc. Hindi niya alam magsulat. Isa sa mga ikinagulat ko dahil lagi pa lang may pa exam at quiz kahit nursery pa lang. Super advance na pala talaga ngayon.
So super struggle ko na every time may exam at activity sila walang nakukuha ang anak ko kung hindi itlog. Naging lapitin siya ng mga bully. Lagi siyang tinatawanan ng ibang nanay ng mga batang kaklase niya. Sobrang sakit sa kalooban pero anong magagawa ko?
BASAHIN:
6 tips para sa pagtuturo sa anak sa bahay
7 Mommy-tested tips on how to encourage reading habits at an early age
Mga benepisyo ng pagbabasa sa mga bata ayon sa mga pag-aaral
Larawan mula sa author
Tamad magsulat ang anak ko
Gaya ng sabi ko self learning siya. Ayaw niya ng paulit-ulit siyang tinuturuan kaya naging mahirap sa teacher na turuan siyang magsulat.
Dumating sa point na kada may assignment siya kapag ayaw nya paturo umiiyak ako. May time din sa school na ayaw niyang sumagot sa exam, napahagulgol ako sa pagpilit sa kaniya.
Dumagdag sa problema na hindi nga siya makausap ng maayos kasi mabilis siya magsalita at medyo struggle nga siya sa speech and communication niya. I mean nakakapagsalita siya.
May mga naiintindihan kami sa sinasabi niya pero madalas wala kasi parang Chinese maybe dahil english ang alam niya tapos ang bilis niya magsalita kaya parang Chinese.
Sa kalagitnaan na ng klase napagtanto ko, ano ba ang purpose ko sa pagpasok sa kaniya? Bakit kailangan ko siyang i-pressure? Bakit parang pati sarili ko pine-pressure ko? Batayan ba iyon ng pagiging mabuting ina?
Mga bagay na na-realize ko
Na-realize ko that time, ang mahalaga matuto iyong anak ko. Mag-explore ‘yong anak ko ng sarili niya lang. Kaya naman hinayaan ko siya na ganun. Pinapapasok ko pa rin siya sa school. Pero hindi dahil hinayaan ko nag-give up na ako. Still tinuturuan ko siya pero kapag hindi na siya interesado sabi ko “Okay anak next time ulit”.
Pandemic 2020, walang school. Binilhan ko siya ng mga charts, books, mga activity books na puwede niya gamitin at home. Pinabayaan ko siya mag explore. Tinuturo ko sa kanya once. After that it’s up to you.
Larawan mula sa author
Nagulat na lang kami alam na niyang magdrawing, magsulat ng name niya , magsulat ng ABC and numbers and magkulay. Naging familiar na din siya sa mga kulay.
Yung pader nga namin punong puno na sulat niya. He is now turning 6 years old. And I think isa rin sa mga factor na nakapagpa engganyo sa kanya because nakikita niya ako magdrawing.
I have a talent sa pagdodrawing minsan kinukuha talaga ako ng teacher niya to make posters and even hire me to paint school’s wall and lagi ko siya kasama that time.
Pinapanood niya lang ako. May mga kapitbahay din akong student na nagpapadrawing sa akin. Modular sila this year and super happy ako na minsan kahit di ko na siya turuan mag isa nalang niyang sinasagutan mga modules at activity nila.
Hindi man siya ganun pang ka galing pero yung puso ko ay masaya na paunt unti na niyang natututunan ang mga bagay bagay. Medyo ok na din ang communication niya and hopefully magtuloy tuloy na.
3 tips sa pagtuturo sa anak mo para sa nursery class
1. Maging patient
Ang anak natin ay may kaniya-kanyang galing. Hindi man nagpapakita ngayon. But soon magugulat ka na lamang na alam na pala niya lahat. Kahit hindi mo pa siya natuturuan.
2. Huwag kang susuko
Huwag mapapagod turuan ang anak. Mahirap man kakayanin natin ‘yan. Kahit minsan hindi nating mapigilang mainis o magalit tandaan na dapat hindi ka susuko. Huwag mo ring ipakita sa anak mo ang frustration mo. Sapagkat maaari itong makaapekto sa kaniya. Kaya chill and relax lang mommy.
Larawan mula sa author
3. Huwag mong ikumpara ang anak mo
Iba-iba ang bata. They shine when it’s their time. Hayaan mong maipakita ng anak mo ang kaniyang galing sa kaniyang tamang phase. Ang mahalaga hindi ka sumusuko na turuan siya. Masama rin ang ikumpara ang anak mo sa ibang bata. Lahat ng bata ay unique at may aking galing. Kaya nga sabi ko kanina be patient, lalabas din ang galing niya.
Kaya mommies. LABAN LANG! Dadating ang panahon ni baby. Hayaan mo lang siya mag-explore. Eventually matututo ‘yan on their own. Bilang mga magulang ang kailangan lang nating gawin ay gabayan sila at tulungan silang ipakita ang great potential nila.
Tungkol sa May-akda
Aira Jeanne Agustin-Gubatan is 23 years old Mom from Camiling, Tarlac. Married to Dexter Gubatan with one 5 years old son named Arxed Jireh A. Gubatan and currently pregnant 30 weeks with the second one. An Aspiring mommy blogger.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!