"Totoo bang kapag nakatuwad matulog si baby, gusto raw ng baby brother?"

Natutulog ba ng nakatuwad si baby? May babala ang mga eksperto ukol sa posisyon sa pagtulog na ito ng mga sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pamahiin sa pagtulog ng sanggol: Pagtulog ni baby ng nakatuwad, totoo bang nangangahulugan na gusto na niya ng kapatid?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paliwanag sa pamahiin sa pagtulog ng sanggol ng mga eksperto.
  • Dahilan kung bakit natutulog ng patuwad ang isang sanggol.
  • Pinaka-ligtas na posisyon sa pagtulog ng sanggol.

Pamahiin sa pagtulog ng sanggol

Kredit: Nakita. ID

Ang mga posisyon sa pagtulog ng sanggol ay iba-iba. Pero ang lahat ng ito ay masarap tingnan dahil sa napaka-cute at sadyang isang nakakaaliw na tagpo para sa ating mga magulang.

Nagbibigay ito sa atin ng kakaibang saya at pagpapasalamat bagama’t minsan ang kaakibat nito ay pag-aalala. Tulad na lang sa baka hindi nakakahinga ng maayos si baby o kaya naman ay baka mapilayan siya.

Para naman sa matatanda at paniniwala, may iniiugnay na pamahiin sa pagtulog ng sanggol. Ito ay ang pagtulog ng sanggol na nakatuwad na sinasabing sign daw na humihingi na siya ng bagong kapatid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagtulog ni baby ng nakatuwad, totoo bang palatandaan na gusto niya na ng kapatid?

Bagama’t para sa ating mga adult ay mahirap at very awkward ang pagtulog ng nakatuwad, para sa mga baby, ito ay komportable para sa kanila.

Ayon sa mga eksperto, mayroong mga paliwanag kung bakit natutulog ng nakatuwad ang mga sanggol. At hindi lang basta tulad ng pamahiin na palatandaan umano ito na si baby ay ready ng masundan at nagnanais na ng bagong kapatid.

Ang unang paliwanag ay ginagawa ito ng sanggol upang “i-recreate” o gayahin ang posisyon niya habang siya noon ay nasa sinapupunan pa lang ng kaniyang ina.

Paliwanag naman ni Richard Polin, Director of Neonatology mula sa Columbia University, ang pagtulog ng nakatuwad ng sanggol ay palatandaan ng development niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Natural na habang siya ay lumalaki ay mas natututo siya ng ibang movements o galaw na maari niyang gawin. Halimbawa na nga nito, ang paghahanap at paggawa ng sleeping position na komportable sa kaniya tulad ng patuwad.

Maihahalintulad nga umano ito sa paggapang na unang hakbang sa pagkatuto ng sanggol na makalakad.

Ang pahayag na ito ni Polin ay sinuportahan ng isang statement mula sa isang pag-aaral na nailathala sa European Journal of Applied Psychology.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Base sa pag-aaral, ang pagtulog ng nakatuwad ng sanggol ay nakakatulong umano para ma-train ang kaniyang motor development. Sa pamamagitan nito, mas mabilis umanong maka-roll at makagapang ang isang sanggol.

Para sa mga maliliit na bata, ang pagtulog ng nakatihaya o sa kanilang likod ang pinakakomportable at safe para sa kanila. Pero sa oras na sila ay nakakasipa na at nakakaikot, asahan na maaring magbago na ang sleeping position nila.

Isa na sa mga sleeping position na ito ay ang pagtulog ng nakatuwad na maaring magdulot sa atin ng pag-aalala kaya naman madalas ay ating tinatama.

Peligro ng pagtulog ng nakatuwad ng sanggol

Paliwanag ng American Academy of Pediatrics o AAP, tama lang na ayusin ang posisyon ng pagkakatulog ng sanggol. Lalo na ang pagtulog ng nakatuwad na iniuugnay umano sa dagdag na risk na makaranas ng suddent infant death syndrome o SIDS.

Ito ay ang biglaang pagkamatay ng sanggol edad isang taong gulang pababa ng natutulog at walang konkretong dahilan.

Dagdag naman ng AAP, hindi naman dapat agad-agad na baguhin ang patuwad na posisyon sa pagtulog ng isang sanggol. Mabuting bantayan lang siya para masiguradong, kahit nakatuwad ay komportable siya at maayos na nakakahinga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Pag-iyak at hirap sa pagtulog ni baby, maaaring sintomas na ng kondisyon na silent reflux

Mga maling paniniwala sa pagtulog na nakakasama sa iyong kalusugan

STUDY: Hindi pagtulog ng baby sa gabi, hindi dapat ikabahala

Ligtas na posisyon sa pagtulog ng sanggol

Pero pagdating sa pinakaligtas na pagtulog ay inirerekumenda nila ang pagtulog ni baby na nakatihaya o sa kaniyang likod. Dahil sa pamamagitan nito ay nakakahinga siya ng maayos, partikular na ang mga sanggol na isang taon pababa ang edad.

Maliban dito dagdag pa ng AAP, para mas mabawasan ang tiyansa ng isang sanggol na makaranas ng SIDS ay dapat siguraduhin ang mga sumusunod:

  • Siguraduhing flat ngunit bahagyang malambot ang hinihigaan ni baby. Iwasan ang masyadong maraming unan, napakalambot na foam at kumot sa paligid ng higaan ni baby na maaaring tumabon sa kaniya. Ito ay maaaring maging dahilan ng suffocation sa iyong sanggol.
  • Siguraduhin ding laging malinis ang higaan ng sanggol. Dahil sa ito ay maaaring mahawakan niya at ang kaniyang kamay ay maaaring ipasok niya sa kaniyang bunganga. Ito ay maaaring pagmulan ng sakit.
  • Ihiwalay sa inyong tulugan si baby. Dahil may mga kasong na-suffocate ang sanggol matapos aksidenteng madaganan ng adult na kaniyang katabi.
  • I-monitor ang temperature ng kwarto na hinihigaan ng sanggol. Dapat ito ay hindi sobrang lamig o init na maaring maging dahilan din ng kaniyang pagkakasakit.

Ang artikulong ito ay unang na inilathala sa theAsianparent Malaysia at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz

Source:

Very Well

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

The Asian Parent