Naghahanap ka ba, mommy, ng pampaputi ng singit? Huwag mahiya, at narito ang ilang tips, home remedies, at product recommendations para makamit mo ang malinaw na resulta sa iyong nangingitim na singit.
Ang maitim na singit ay karaniwang problema ng ilang mommy na madalas nating dini-deny at dedmahin. Binabalewala natin ito dahil nakasanayan na natin, at kadalasang hindi naman ito nakikita o napapansin ng ibang tao. Pero kung ikaw ay naghahanap ng epektibong pampaputi ng singit, narito ang ilang mungkahi upang makatulong sa iyo.
Subalit may may iilang mga mommy ang sadyang very vocal sa ganitong sitwasyon. May mga mommy na gustong maging makinis ang kanilang singit lalo na kung may summer getaway silang pamilya.
Isa ito sa mga skin problem na gusto natin itago maski na tayo ay nakasuot ng favorite nating swimsuit.
Huwag kang mahiyang magtanong, mommy, kung gusto mong makahanap ng epektibong pampaputi ng singit. Natural lamang ito sa isang tao, at maraming paraan para makamit ang nais na resulta.
Talaan ng Nilalaman
Mga sanhi ng maitim na singit
1. Friction mula sa pagsusuot ng masikip na underwear o damit pambaba.
May mga underwear tayo, especially bikini type ang may mahigpit na garter na isa sa nagiging sanhi ng pag-itim ng singit. Bumili ng cotton at mas maluwang na underwear kung kinakailangan.
Ganun din sa ating kasuotang pangbaba. Iwasan ang madalas na pagsusuot ng tight fitting jeans. Mas mainam kung magsusuot ng maluwang na short o dress kung nasa bahay.
2. Malimit na pagpapawis.
Madalas itong mangyari at maranasan dahil nasa tropical tayo na bansa. Mas lamang ang summer days kaysa sa panahon ng tag-ulan.
3. Hormonal imbalance.
Ito ay madalas sa taong may menstruation, nagpapadede, buntis, at mga babaeng may PCOS (Polycystic Ovarian Syndrome).
4. Mga taong may sakit.
Ang isang taong may diabetes at cancer ay nakikitaan din ng pangingitim ng kanilang singit. Posibleng dahil ito sa kanilang kalagayan o medication na tinatanggap.
5. Medication.
May ilang gamot ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pangingitim ng singit ang ilang kababaihan. Kabilang na rito ang hormonal oral contraceptives.
6. Exposure sa araw.
Ang malimit na sun bathing o exposure sa araw ay nagbibigay ng uneven skin tone.
7. Dry skin.
Kung ang ating balat ay palaging dry, nagkakaroon ito ng damaged at nauuwi sa pangingitim ng balat. Siguraduhing palaging moisturized ang buong katawan pati ang singit.
8. Shaving.
Kung palaging nagshe-shave ka ng iyong pubic hair, madalas nada-damage ang balat pati ang singit. Kaya nagkakaroon ng pangingitim sa singit,
9. Genetics.
Kung may lahi kayo na may dark complexion, isa ito sa mga factor.
10. Obesity.
Kapag ikaw ay kabilang sa katergoryang ito, nagkakaroon ng pangingitim ng singit dahil sa pagkikiskisan ng inner legs habang naglalakad, tumatakbo, o ibang physical activities na malimit gamitan ng legs.
Pampaputi ng singit products na mabibili online
Kung gusto mo naman ng mabilisang at epektibong resulta, may mga produkto na sadyang ginawa para sa pampaputi ng singit. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Buds & Blooms Post Natal Whitening Cream
Best whitening cream for moms
|
Buy Now |
Belo Intensive Whitening Extra Moisture Bar
Best whitening soap
|
Buy Now |
Mink PH Peekini Lightening Serum 30ml
Best whitening serum
|
Buy Now |
Active White Exact Bikini Line Whitening Liquid 10ml Roll-On
Best bikini whitening roll-on
|
Buy Now |
Miracle White Glutathione Underarm + Bikini Whitening Cream
Best multifunctional whitening cream
|
Buy Now |
GlutaMAX Underarm & Inner Thigh Ultimate Skin Lightening Cream
Best multipurpose
|
Buy Now |
Buds and Blooms Post Natal Whitening Cream
Best whitening cream for moms
Bakit namin ito gusto?
Mabisang pampaputi ng singit at iba pang bahagi ng katawan ni mommy ang produktong ito. Makatutulong ito upang maiwasan ang pag-itim ng balat at mapaputi ang mga bahagi na umitim dulot ng pagbubuntis. Ibinabalik nito ang glow at kinis ng balat, na tiyak na magbibigay ng kumpiyansa sa iyo.
Ingredients:
Gawa ito sa pinaghalu-halong gentle ingredients. Tiyak na hindi malagkit at walang harsh chemicals kaya safe na safe din ito kahit sa breastfeeding moms.
Paano ito gamitin?
Lagyan ng cream ang mga bahaging nangitim tulad ng leeg, kilikili, siko, puson at singit. Para sa best result, maglagay ng cream sa umaga at gabi.
Belo Intensive Whitening Extra Moisture Bar
Best whitening soap
Bakit namin ito gusto?
Ang Belo Intensive Whitening Extra Moisture ay gawa sa pinaghalong kojic acid, tranexamic acid, glycerin.
Mayroon itong kojic acid ay gawa sa organic compound na makikita sa pagkain at epektibong pampaputi ng balat.
Samantalang ang tranexamic acid naman ay isang amino acid na pumipigil ng melanin formation at nagtatanggal ng dark spots sa balat.
Kaya naman ang dalawang ito ay mainam na gamitin pampaputi ng singit. ang glycerin naman ang nagbibigay ng extra moisture sa balat para maiwasan ang skin dryness at irritation. Sa kabuuan, ang produktong ito ay isang mahusay na opsyon para sa sinumang mommy na naghahanap ng epektibong pampaputi ng singit.
Ingredients:
Niacinamide, Kojic acid, Tranexamic acid, Water, Sucrose, Sorbitol, Sodium Palm Kernelate, Glycerin, Lactic acid
Paano gamitin?
Gamitin bilang sabong panligo. Sabunin ang singit at hayaang magstay ang residue sa balat sa loob ng 5 minuto bago banlawan. Gamitin ng twice a day upang makita agad ang resulta.
Mink PH Peekini Lightening Serum
Best whitening serum
Bakit namin ito gusto?
Tinutulungan nito na tanggalin ang dead skin cells sa singit na kadalasan sanhi ng pangingitim.
Pinaputi nito ang singit, inaayos ang discoloration sa singit at tinatanggal ang dark spots. Gawa ito sa natural ingredients at ilang vitamins kaya na safe na gamitin ito ng buntis at breastfeeding mommies.
Ingredients:
Deionized Water, Papaya Fruit Extract, Hydrolyzed Elastin, Collagen, Glycerin, Glycolic Acid, Carbomer, Shea Butter, Vitamin E, Phenoxyethanol, Aloe Vera Extract, Niacinamide, Vitamin C, Vitamin A, Beta Arbutin, Allantoin
Paano ito gamitin?
Bago gamitin, subukan muna ang patch test sa ibang bahagi ng balat. Maglagay ng small amount sa wrist at hayaan itong matuyo.
Kung walang nararamdamang skin irritation ng mga sumunod na oras, maaari na itong gamitin. Ilagay sa singit bago matulog. Maglagay araw-araw para sa mabilis na resulta.
Active White Exact Bikini Line Whitening Liquid
Best bikini whitening roll-on
Bakit namin gusto itong cream na pampaputi ng singit?
Nakakapagpaputi ng singit ng hindi nag-iiwan ng hapdi o skin irritation. Nagbibigay rin ng instant whiteness sa bikini line na madalas magkaroon ng pangingitim. Handy at madali gamitin dahil ito ay roll-on.
Ingredients:
Beta Arbutin, Glutathione, Papaya Extract, and Taheebo Extract.
Paano ito gamitin?
Magpalagay o magpahid ng dalawang beses sa isang araw at makikita ang resulta sa loob ng dalawang linggo lamang.
Miracle White Glutathione Underarm + Bikini Whitening Cream
Best multifunctional whitening cream
Bakit namin ito gusto?
Ito ang produktong kailangan n’yo kung mabilisang pampaputi sa singit ang nais n’yo. Sa loob lamang ng 7 days makikita ang pagputi ng inyong intimate area.
Gawa ito sa pinaghalo-halong natural na sangkap na nagbibigay ng maputing resulta sa balat.
Perfect din itong gamitin hindi lamang sa bikini area, pati na rin sa underarm, siko, batok, o anumang area sa balat ang may dark spots.
Ingredients:
Japanese Sakura Flower, Japanese Bearberry, Glutathione, and Kojic Acid.
Paano ito gamitin?
Mag-apply ng small amount sa singit bago matulog. Gamitin araw-araw at makikitang resulta sa loob lamang ng isang linggong paggamit.
GlutaMAX Underarm & Inner Thigh Ultimate Skin Lightening Cream
Best multipurpose
Bakit namin ito gusto?
Perfect ang Glutamax Ultimate Skin Lightening Cream kung ang problema mo ay maitim na singit at kilikili. Effective ito gamitin bilang pampaputi ng mga sensitive parts ng katawan. Hindi dapat mag-alala sa iritasyon sa balat sapagkat gawa ang cream na ito sa natural ingredients na talaga namang may lightening at moisturizing properties.
Karagdagan, hindi ito malagkita sa balat dahil sa light at smooth texture nito. Kaya rin nitong maimprove ang balat na may stretch marks, peklat at cellulites.
Ingredients:
Glutathione, Claire Blanche, Shea Butter, Avocado Seed extract at Flavosterone extract.
Paano ito gamitin?
Maglagay ng thin layer sa singit. Gamitin ito tuwing gabi para sa magandang resulta.
Price Comparison Table
Brands | Prices |
Buds and Blooms Post Natal Whitening Cream | Php 250.00 |
Belo Intensive Whitening Extra Moisture Bar | Php 138.00 |
Mink PH Peekini Lightening Serum | Php 349.00 |
Active White Exact Bikini Line Whitening Liquid 10ml Roll-On | Php 179.00 |
Miracle White Glutathione Underarm + Bikini Whitening Cream | Php 429.00 |
GlutaMAX Ultimate Skin Lightening Cream | Php 210.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date
Pampaputi ng singit homemade products
Kung nais mo ng pampaputi ng singit na hindi kailangan mahal, narito ang ilan sa mga home remedies na maaari mong gawin.
Kinakailangan lamang ito ng mahabang oras at tiyaga para makita ang resulta.
Papaya
Ang papaya ay kilala bilang main ingredient ng whitening products dito sa Pilipinas. Ang enzyme nito ang tumutulong upang mag-lighten ang skin.
Mainam din itong gamitin bilang pampaputi ng singit. Kumuha lamang ng ½ cup ng hinog na papaya at durugin ito gamit ang tinidor hanggang maging paste.
Maglagay ng paste sa singit sa loob ng 30 minutes bago banlawan. Gawin ito araw-araw at makikita ang resulta sa loob ng isang buwan.
Coconut Oil
Ang coconut oil ay kilala dahil sa maraming benefits nito sa katawan. Alam niýo bang ang coconut oil ay nakakapagpaputi rin ng balat?
Ang paggamit ng coconut oil bilang skin moisturizer ay napatunayang nagpapaputi rin ng balat.
Tinutulungan ng coconut oil ang pag-produce ng collagen sa balat at inaayos ang uneven skin tone. Maglagay ng coconut oil sa singit bago maligo sa loob ng isang oras.
Hayaang nakababad ang singit upang lumambot ang dead skin cells at matanggal ng tuluyan. Gawin ito araw-araw para sa mas mabilis na resulta bilang pampaputi ng singit.
Lemon o Kalamansi
Kilala ang lemon at kalamansi na whitening agent ng ilang mga produkto. Ang mga ito ay mayaman sa vitamin, na nakakatulong sa pagtanggal ng hyperpigmentation sa balat.
Maglagay ng lemon o kalamansi extract sa cotton ball o cotton pad, ipahid ito sa singit at banlawan matapos ang 10 minutes. Makikita ang pagputi ng singit kung araw-araw itong gagawin sa loob ng 2-3 weeks.
Sugar Scrub
Ito ay ginagamit bilang natural na exfoliant ng skin. Tinatanggal nito ang dead skin cells na isa sa sanhi ng pag-itim ng singit.
Maglagay ng ¼ cup na asukal sa isang malinis na lalagyan at ihalo ang 1 kutsaritang coconut oil.
Gamitin itong bilang scrub sa singit bago maligo. Safe itong gamitin araw-araw at makikita ang resulta sa loob ng isang buwan na paggamit.
Coffee Scrub
Ang coffee scrub ay gawa sa pinaghalong ground coffee beans at coconut oil. Tulad ng sugar scrub, nakakatanggal rin ito dead skin cells at nagpapalambot ng skin.
Nakakatulong din ito bilang home remedy na pampaputi ng singit. Maglagay ng ½ cup na ground coffee at 1 kutsarang coconut oil.
Gamitin ito sa singit at iwanan sa loob ng 30 minutes bago banlawan. Safe itong gamitin sa araw-araw. Ang resulta ng pagputi ng singit ay makikita sa loob lamang ng isang buwan.
Oatmeal Scrub
Ang oatmeal ay mainam para sa mga taong may sensitive skin. Ginagamit itong home remedy ng mga taong may eczema at iba pang skin disease.
Ginagamit din ito bilang exfoliating scrub para mag-lighten ang skin. Kumuha lamang ng ½ cup ng oatmeal at ihalo sa ¼ cup ng warm water. Gamitin itong scrub para sa singit kapag maliligo.
Kung gusto naman paputiin ang kili-kili, basahin: Singit Whitening: Products and Home Remedies for flawless groin
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.