X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Maling pag-gamit ng pamparegla nakamamatay, ayon sa mga eksperto

7 min read

Maraming dahilan kung bakit nade-delay ang regla ng isang babae. Kaya naman may mga ilan na umiinom at gumagamit ng mga pamparegla na herbal upang bumalik sa tama ang menstrual cycle.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pamparegla na nilalagay sa vagina?
  • Namatay dahil sa pamparegla
  • Ano nga ba ang epektibong gamot para sa delay ang regla?
  • Halamang gamot na pamparegla

Isa nga sa mga diumanong halamang gamot ng pamparegla ng isang babae ay ang parsley o kilala sa tawag na kinchay sa Filipino.

Ayon sa isang article na ipinublished sa women’s magazine na Marie Claire, ang parsley o kinchay ay isang halaman na maaaring makapag-stimulate o magpalakas ng menstrual flow ng isang babae. Pinapalambot din nito ang cervix at nilelevel-out ang hormonal imbalances sa katawan ng isang babae.

May ilan na naniniwala na imbis na pag-inom sa parsley bilang isang tea mas magiging effective daw ito kung ipapasok sa puwerta o vagina ng isang babae.

pamparegla

Epektibong gamot para sa delay ang regla | Image from Pixabay

Pamparegla na nilalagay sa vagina?

Ngunit, ayon sa mga duktor ang pagpasok ng anumang gulay sa loob ng vagina ng isang babae ay hindi ligtas at maaring magdulot ng peligro sa kalusugan ng gagawa nito kabilang na ang posibleng kamatayan.

Ayon nga kay Dr.Shazia Malik, isang London-based obstetrician-gynecologist, wala daw ebidensiyang nagpapatunay sa kahit ano mang benepisyo na maaaring maidulot nito sa isang babae. Maayroon pa umano mga reported deaths at iba pang peligro sa kalusugan ng kababaihan ang naitala dahil sa paggawa nito.

Kaya naman, mahigpit na payo ni Dr. Malik sa mga kababaihan na huwag maglalagay ng kahit ano sa loob ng kanilang vagina maliban nalang kung ito ay nirekomenda o ipinayo ng isang doktor.

Dagdag naman ni Dr. Sheila Newman, isang obstetrician-gynecologist mula sa New Jersey, ang paglagay daw ng kahit ano sa loob ng puwerta ng isang babae gaya ng parsley ay hindi nirerekumenda ng mga gynecologist at isang irresponsableng hakbang kung gagawin ng mga babae.

Namatay dahil sa pamparegla

Kaugnay nga sa maling paggamit nito, isang kaso ng isang 24-year-old na babae mula sa Argentina ang naireport nitong Agosto ng nakaraang taon, ang namatay matapos gamitin ang halamang ito bilang pampalaglag.

pamparegla

Epektibong gamot para sa delay ang regla | Image from Unsplash

Ang pagkamatay ng naturang babae, na ina sa dalawa niyang anak ay nangyari isang linggo matapos ma-reject ang bill na nagle-legalize ng abortion sa Argentina.

Kaya naman, upang maipalaglag ang kaniyang dinadala ay ginamit ng babae ang parsley bilang pampalaglag na herbal. At ito ang itinuturong dahilan ng kaniyang kamatayan.

Ayon sa Argentina’s largest newspaper na Clairin, ang babae ay pinangalanang si Elizabeth na namatay daw sa septic shock at infection.

Ito ay dahil ang vagina ng isang babae ay dinesenyo upang panatilihing malinis sa tulong ng mga natural secretions at natural bacteria na pumuprotekta dito.

Kapag ang mga bacteriang ito ay hindi naging balance o naistorbo, ito ay maaaring magdulot ng impeksyon. Maaaring humantong sa mas seryosong kondisyon tulad ng nangyari kay Elizabeth.

Dahil nga sa pagkakamaling naidulot ng artikulong na-publish ng Marie Claire magazine ukol sa paggamit sa parsley para makontrol ng isang babae ang kaniyang menstrual cycle, ito ay tuluyang tinanggal na sa pagkaka-lathala.

Ano nga ba ang epektibong gamot para sa delay ang regla?

May mga paraan naman talagang maaring gawin upang mamanipulate ng isang babae ang kaniyang menstrual cycle, ayon parin kay Dr. Newman. Ngunit ito umano ay dapat idinidiscuss sa inyong gynecologist upang magawa ito ng tama at kayo ay magabayan.

Samantala, maliban sa artikulong ipinublished ng Marie Claire magazine, una nang nirekomenda ng Bustle.com noong 2015 ang parsley bilang isang halaman.

Ito ay makakapag-stimulate ng blood flow sa pelvis at uterus ng isang babae. Na minsan ay maari ring magpaaga ng dating ng buwang regla.

Ang recommended dosage ng parsley ay 2 to 4 cups a day. Ito ay sa pamamagitan ng pag-inom bilang isang tsaa.

 

 

Partner Stories
Filipino millennials, the youngest denture wearers in Asia
Filipino millennials, the youngest denture wearers in Asia
4 ways to liven up your summer fun at home with SKY FIBER
4 ways to liven up your summer fun at home with SKY FIBER
How a Mother Cares for a Child with Type 1 Diabetes
How a Mother Cares for a Child with Type 1 Diabetes
Iya Arellano and Neri Naig-MirandaShare Their Madiskarteng Tips on How to Provide the Best Care & Happiness for your Babies with Babyflo’s New Look!
Iya Arellano and Neri Naig-MirandaShare Their Madiskarteng Tips on How to Provide the Best Care & Happiness for your Babies with Babyflo’s New Look!

 

 

pamparegla

Image from Unsplash

Ilan dahilan kung bakit nade-delay ang regla?

Bago uminom o gumawa para magkaregla na, dapat alamin muna kung bakit nga ba nade-delay ang regla. Ilan sa mga dahilan nito ay ang mga sumusunod:

  • Stress

Maaaring stress ka kaya naman naapektuhan nito ang hormones mo at nade-delay ang regla. Maaaring magdulot ang stress ng iba pang kundisyon katulad ng pagbaba o pagbigat ng timbang.

Kung stress talaga ang sanhi kung bakit nade-delay ang regla ng isang babae, pinapayo ng mga doktor na mag-ehersiyo. Gumawa rin mga relaxation method. Sa ganitong paraan ay maaaring bumalik na sa tamang cycle ang regla ng isang babae.

  • Mabigat na timbang

Ang mabigat na timbang din ay maaaring makaapekto sa menstrual cycle ng babae. Naiiba nito ang hormones ng isang babae na maaaring sanhi ng pagka-delay ng regla.

Nirerekomenda ng mga doktor na magkaroon ng healthy diet at ugaliing mag-ehersiyo upang bumalik sa normal ang cycle ng menstruation.

  • Pagkakaroon ng PCOS

Isa sa mga pangunahing sanhi ng delay na regla ay ang pagkakaroon ng Polycystic ovary syndrome (PCOS). Isa itong kundisyon kung saan ang babae ay nagpo-produce ng mas maraming male hormone androgen.

May mga cysts din na nabubuo sa loob ng ovaries na nadudulot ng hormonal imbalance. Dahil rito nagiging irregular ang regla ng isang babae. Mas mainam na magpakonsulta sa doktor kung ano ang mga paraan na maaari mong gawin kung mayroon kang PCOS.

  • Buntis

Isa rin sa mga pangunahing sanhi ng pagka-delay ng regla o menstruation ay ang pagiging buntis. Maaaring gumamit ng pregnancy test upang malaman kung nagdadalang-tao.

Maaari ring magpatingin sa isang OB upang makumpirma kung ikaw nga ay nagdadalang-tao.

Tandaan: Ugaliing magpakonsulta sa iyong OB-Gyn, upang malaman ang inyong mga problema sa reproductive health.

Halamang gamot na pamparegla

Maliban sa parsley, may mga iba pang halamang gamot ng pamparegla. Ngunit tandaan na kung buntis, ito ay maaaring magdulot ng pagkalaglag ng bata o di kaya’y makasama sa pagbubuntis.

1. Luya

Ang luya ay mabisang halamang gamot na pamparegla lalo na kung hindi regular ang iyong dalaw. Ito rin ay nakakatulong na maibsan ang sakit na dala ng buwang regla at nakakapagdulot ng uterine contractions.

Para gamitin ito, magpakulo ng kalahating kutsarita ng dinikdik na luya. Ilagay ito sa isang basong tubig sa loob ng lima hanggang pitong minuto. Maari itong lagyan ng asukal para tumamis. Inumin ito ng tatlong beses sa isang araw pagtapos kumain sa loob ng isang buwan o higit pa.

2. Luyang dilaw o turmeric

Ang turmeric o luyang dilaw ay isa ring emmenagogue tulad ng parsley. Ang pag-inom ng turmeric ay nag-babalanse ng hormones sa katawan ng babae na nakakatulong upang gawing regular ang regla nito. Pinaniniwalaan ring nagpapalakas ito ng regla at nakakabawas sa sakit na dala ng regla. Ito y dahil sa kakayahan nitong mag-alis ng pamamaga.

Para gamitin ang turmeric ay ihalo ito sa gatas o honey. Inumin ito araw-araw sa loob ng isang linggo. Maari rin mo itong idagdag sa curry, kanin at iba pang vegetable dishes.

3. Hilaw na papaya

Ang hilaw at berdeng papaya rin ay isang pagkaing pamparegla. Maganda rin itong lunas sa hindi regular na regla dahil pinapahilab nito ang matris ng babae sa magandang paraan.

Para gamitin ito ay gawin itong juice at inumin ito isang beses sa isang araw.

Ilan lamang iyan sa mga pagkain at halaman na maaring inumin at kainin na pamparegla. Ngunit tulad nga ng ipinapayo ng mga eksperto bago uminom o gumamit ng mga bagay o pagkain na makakapag-stimulate ng regla ay dapat makipag-usap muna sa doktor. Ito ay upang malaman ang angkop na paraan para sa iyo.

PAALALA: Ito rin ay mga dapat iwasan ng babae na naghihinalang sila ay nagdadalangtao. Dahil baka maging dahilan ito ng pagkalaglag ng bata sa sinapupunan.

 

Sources:

HealthLine, Daily Mail, Pagbubuntis

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Mach Marciano

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Maling pag-gamit ng pamparegla nakamamatay, ayon sa mga eksperto
Share:
  • Masama sa mata ang pag-gamit ng cellphone sa dilim, ayon sa eksperto

    Masama sa mata ang pag-gamit ng cellphone sa dilim, ayon sa eksperto

  • Baby walkers, gustong ipagbawal ng mga pediatricians

    Baby walkers, gustong ipagbawal ng mga pediatricians

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Masama sa mata ang pag-gamit ng cellphone sa dilim, ayon sa eksperto

    Masama sa mata ang pag-gamit ng cellphone sa dilim, ayon sa eksperto

  • Baby walkers, gustong ipagbawal ng mga pediatricians

    Baby walkers, gustong ipagbawal ng mga pediatricians

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.