For almost 4 years na pakikipaglaban sa Polycystic Ovary Syndrome (PCOS), hindi ko inaasahan na sa panahon pa ng pandemya ibibigay ng Panginoon ang tangi kong hiling. Ito ang aking pandemic pregnancy story.
Pagsisimula ng pandemic
Nagsimulang lumaganap ang COVID-19 sa Pilipinas, at ng dahil sa pandemya nawalan kami ng trabaho sa Travel Industry. Nakapagpahinga ako sa stress dala ng trabaho at nakapagpataas ako ng matres sa manghihilot. Everyday, 2 times a day, umiinom din ako ng food supplement na may sangkap na vitamic C.
June 2020, nagpasya akong mag-pregnancy test dahil ilang weeks na akong delayed. At ayun nga, POSITIVE ang lumabas na resulata. Para makasiguro nagtry din ako kinabukasan, Father’s Day pa noon, saktong saktong na-surprise ang partner ko.
Larawan mula sa Shutterstock
Tatlong taon matapos akong mawalan ng anak, ay binigay na ulit ni Lord sa amin ang blessing na aking hinihiling sa panahong hindi ko inaasahan. Hindi ko alam na sa pandemic pa ako makakaranas ng pregnancy.
Pandemic pregnancy
Naging maayos naman ang aking pagbubuntis kahit na mahirap kumilos sa panahon ng pandemya. Naging suliranin sa akin noon ang paglilihi sapagkat may mga pagkaing gusto kong kainin, na dahil sa may curfew na at bawal lumabas ay ‘di ko na nakakain.
Mahirap ding mag pacheck-up sa mga ospitals, dahil kapag lalabas ka dapat naka face mask at faceshield na medyo mahirap huminga lalo na sa mga buntis at andun din ang pangamba na baka mahawa ka ng COVID.
Pagkaraan ng limang buwan, taas-baba ang Blood Pressure ko. Kung anuman ang dahilan ay hindi din namin malaman ng aking OB sapagkat normal naman lahat ng lab results ko kaya naman nagpasya akong magbawas ng kanin “no rice” na ako sa gabi. Hindi naman din daw considered as pre-eclampsia yung sa pagtaas ng BP ko.
Larawan mula sa Shutterstock
BASAHIN:
PCOD vs PCOS: How both these conditions can affect your pregnancy
Pregnancy during the pandemic: “Mahirap kasi frontliner ako, kinailangan ko mag-step back sa work.”
Aicelle Santos, sa pagbubuntis habang pandemic:”Wala pa tayong mga vaccines. Kaya, if you call it praning talaga.”
Ang panganganak ko
Kabuwanan ko na pero wala pa ring signs of labor. Kaya nagpasya si Doc na i-induce na ako noong February 17, 2021.
Dala na rin siguro ng una kong pagbubuntis (pagka-kunan at PCOS) kaya tumaas baba ang dugo ko.
Maliit akong babae kaya maliit din siguro ang sipit-sipitan ko. 8 hrs akong nagtiis mag-isa sa labor room noon, nakakatakot at nakakakaba dahil monitored si Baby, ang Blood Pressure at ang sugar ko habang hinihintay na bumuka ang cervix ko.
Hanggang 6cm lng din ang kinaya ng cervix ko kaya no choice na, na-CS na ako. Good thing na din dahil saktong pag-open sa akin, nag-poop na rin si baby (mabuti at ‘di sya nakakain ng poop niya).
Ang hirap pala maging isang nanay, lalo na sa panahon ng pandemya. I’m sharing this for every Mommies na nagwo-worry para sa mga pinagbubuntis nila.
Ipa-ubaya nyo lang lahat kay God, sa husband nyo at sa OB niyo lahat ng procedures na gagawin sa delivery date nyo kay baby. Pero siyempre kapag kabuwanan niyo na need niyo i-prepare muna lahat ng maternity, baby bags & documents needed.
Para walang hassle sa buhay ni mister habang naghihintay sa inyo. Normal delivery or CS walang kaso ‘yan, walang mas matimbang dyan, ang importante safe kayo ni baby.
Pagsubok sa pandemic at pagkatapos kong manganak
Ngayon, 9 months na ang aming rainbow baby, hindi din naging madali sa amin ni LIP ang mga gastusin lalo na at nawalan rin kami ng negosyo.
Pero napatunayan ko na si God ay talagang good provider dahil ang daming blessings na dumadating sa amin. Kapag binigay talaga ni Lord sa ‘yo ‘yong regalo niya, gagwa rin siya ng way para masustain mo lahat ng needs niyo.
Para sa mga first time moms na makakabasa nito, nawa ay may mapulot kayong aral sa aming kwento. Kung nakakaranas kayo ng pagtaas ng BP pagdating sa delivery date nyo kay baby, huwag kayong kakabahan.
Ipa-ubaya niyo sa Panginoon at sa OB niyo ang lahat. Magdasal kayo at manalig na magiging maayos ang lahat. Maging ma-ingat sa pagpapacheck-up, palaging magdala ng extra face mask, huwag kakalimutan ang face shield at palaging magwisik ng alcohol sa lahat ng inyong mahahawakan o mau-upuan pati na rin sa inyong katawan at mas lalo sa kamay.
May mga ospital rin na libre ang swab test kapag frontliners at buntis. Kaya i-grab niyo ‘yong chance basta may Philhealth kayo at updated ang hulog. Magastos magbuntis sa panahon ng pandemya. Pero kailangan niyong maging safe para sa inyo ni baby.
At para sa mga katulad kong nagkaroon ng PCOS o mayroon pang PCOS huwag po kayong mawawalan ng pag-asa dahil may darating din na blessing sa inyo.
Sabi nga sa kanta ng South Border “There’s a rainbow always after the rain,” nakunan man ako noong 2017 at nagkaroon man ako ng mga pagsubok sa buhay, biniyayaan naman ako ng Rainbow baby ngayong panahon na ‘di ko inaasahan. Manalig lang po kayo sa Panginoon, darating din lahat ng hinihiling nyo sa tamang panahon.