TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login / Signup
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

6-buwan baby namatay matapos sampalin ng ama

2 min read
6-buwan baby namatay matapos sampalin ng ama

Ang naging pag-aaway ng mag-asawa ay humantong sa pang-aabuso sa sanggol, na sa kasamaang palad ay naging dahilan upang mamatay ang bata.

Para sa kahit sinong magulang, malaking kasalanan ang saktan ang kanilang mga anak. Kahit nga pamamalo, ay madalas iniiwasan ng mga magulang dahil sa pagmamahal nila sa kanilang mga anak. Ngunit tila hindi ito inalala ng isang ama, na dahil sa ginawang pang-aabuso sa sanggol ay napatay ang sarili niyang anak.

Pang-aabuso sa sanggol, humantong sa pagkamatay ng bata

Nangyari ang insidente sa Malaysia, kung saan ang ama at ina ng bata ay nagkaroon ng matinding pag-aaway. Dahil raw dito, nasampal ng ama ang kaniyang 6 na buwang gulang na anak.

Dahil natakot ang ina na baka saktan siya at ang kanilang mga anak, umalis siya sa kanilang tahanan at nakitira sa bahay ng isang kaibigan. Kasama niya ang sanggol, at ang 3 pa nilang anak na may edad 2 hanggang 7.

Ngunit matapos ang 3 araw ay bigla na lang raw namatay ang kanilang 6 na buwang gulang na anak. Ayon sa ina, maayos naman raw ang kalagayan ng bata noong araw na iyon, kaya’t gayon na lamang ang kaniyang kalungkutan nang pumanaw ang bata.

Dahil sa nangyari, nag-file ng police report tungkol sa insidente ang kaibigan ng ina. Magsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad tungkol sa nangyari, at aalamin rin ang tunay na cause of death ng bata.

Plano ring kasuhan ang ama ng bata kung sakali mang matukoy na ang kaniyang pananakit ang sanhi ng pagkamatay ng bata.

Bukod dito, posible ring kasuhan ng domestic violence ang ama, dahil raw sa pananakit sa kaniyang asawa. Dati na rin daw nagpagamot sa pagkakaroon ng mental illness ang ama.

Paano makakaiwas sa pang-aabuso?

Heto ang ilang mga importanteng dapat na tandaan ng mga magulang upang masiguradong palaging ligtas ang kanilang mga anak:

  • Kapag nakakita ka ng senyales ng pang-aabuso, huwag mag-atubiling lumapit sa mga pulis
  • Protektahan ang mga batang sinasaktan o minamaltrato ng kanilang mga magulang
  • Kapag mainit ang iyong ulo sa iyong anak, magpalamig muna bago sila kausapin o pagsabihan
  • Huwag na huwag pagbuhatan ng kamay ang iyong anak
  • Iwasan ring sigawan ang iyong anak
  • Turuan ang iyong mga anak na maging mapagmahal at mapag-unawa ng iba
  • Tandaan, hindi pa lubos na naiintindihan ng mga bata ang kanilang mga ginagawa. Kaya’t mahalagang intindihin at unawain sila.

 

Source: Channel News Asia

Basahin: 12 mailap na senyales ng pang-aabuso sa bata

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 6-buwan baby namatay matapos sampalin ng ama
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko