Isang batang babae ang namatay matapos ang pang aabusong sekswal ng kaniyang sariling ama.
Umabot sa isang oras bago tumawag sa 911 ang ama ng bata sa kanilang bahay sa Montgomery County matapos nitong mawalan ng malay. Ayon ito sa mga awtoridad.
Si Austin Stevens ay 29-anyos mula sa Lower Providence Township. Naaresto siya sa at nasampahan ng patong-patong na kaso. Ilan sa mga ito ay involuntary devian sexual interscourse, panggagahasa sa bata, aggravated assault, aggravated indecent assault, endangering the welfare of a child at iba pang related na kaso.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad
Eksaktong 10:40pm ng Sabado nang makatanggap umano ang mga pulis ng tawag mula sa isang bahay; 3400 block of Germantown Road in Lower Providence Township sa Pennsylvania. Ang report umano ay unresponsive infant.
Nang makarating ang awtoridad sa bahay ng biktima Nakita nila si Steven kasama ang hindi na gumagalaw na kaniyang 10-month old na anak na babae na si Zara Scruggs. Agad na dinala si Zara sa Einstein Medical Center sa Montogomery, at in-announce na patay na 12:12am noong linggo na iyon.
Image from Unsplash
Sinuri ng mga imbestigador ang cellphone ni Steven at napag-alaman nilang ilang beses munang nag-search sa Google si Stevens bago tumawag sa 911. Ang mga sinearch niya sa Google ay “paano kung tumigil sa paghinga ang bata?”, “Paano kung hindi mo na naririnig ang tibok ng puso ng iyong anak?”, “Ang anak ko ay hindi na humihinga,” at “Paano mo malalaman kung patay na ang iyong baby?” ayon ito sa mga imbestigador.
Sa isinagawang autopsty upang malaman kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Zara. Natuklasan nila na ang 10-buwan na sanggol ay biktima ng pang aabusong sekswal o sexual assault. Nag-suffer din ito sa blunt force trauma sa kaniyang ulo. Ang sanhi at kung paano naman namatay si Zara ay pending pa rin.
“This case is deeply disturbing. It is hard to imagine this child’s death being any more traumatic: sexual assault on an infant, followed by inaction by the father to save her life, led to her death,” pahayag ni Kevin Steele Montegomery County District Attorney.
Si Stevens ay dinala sa Montgomery County Correctional Facility matapos hindi makabayad ng $1,000,000 na piyansa. Ang kaniyang preliminary hearing ay sa darating na October 13.
Pang-aabuso sa bata
Image from Unsplash
Ang kahit anong uri ng pang-aabuso sa isang menor de edad o bata ay mariing ipinagbabawal sa Pilipinas. Maaaring makasuhan at makulong ang sino mang mapapatunayan na lumabag sa batas na ito.
Maaaring makasuhan ng Republic Act 7610: Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act o Republic Act 9262: Violence Against Women and their Children Act of 2004.
Maaari magsampa ng kaso ang biktima o ang mga sumusunod:
- Magulang/guardian
- Lolo at Lola
- Anak o apo
- DSWD workers
- Police
- Lawyers
- Health care providers
- Local officials
- Iba pang kamag-anak (Tito, tita, in-law, pinsan)
Pumapasok sa Republic Act 7610 kapag ang isang bata ay nakakaranas ng pang aabuso psychological, pisikal, neglect, cruelty, sekswal na pang-aabuso at emotional maltreatment.
Maaari rin isampa ang Republic Act 9262 na nagpoprotekta sa kababaihan ang kanilang mga anak.
Kung mayroong alam ng ganitong uri ng pang-aabuso sa bata o kung kayo ang naabuso at iyong anak.. Maaari kayong mag-report at humingi ng tulong sa mga sumusunod.
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
NCR Ugnayang Pag-asa Legarda,
Manila Crisis Intervention Unit (CIU)
Tel. Nos.: (02) 734-8617 to 18
Philippine National Police (PNP)
Women and Children’s Concern Division (WCCD)
Tel. No.: (02) 723-0401 loc. 3480 Call or text 117 (PATROL 117)
National Bureau of Investigation (NBI)
Violence Against Women and Children’s Desk (VAWCD)
Tel. Nos.: (02) 523-8231 loc. 3403; 525-6098
Public Attorney’s Office, DOJ
Tel. Nos.: (02) 929-9010; 929-9436 to 37
Philippine General Hospital (PGH) Women’s Desk
Tel. Nos.: (02) 524-2990; 521-8450 loc. 3816
Women’s Crisis Center
Women and Children Crisis Care & Protection Unit –
East Avenue Medical Center (WCCCPU-EAMC)
Tel. Nos.: (02) 926-7744; 922-5235
Source:
nbcphiladelphia
BASAHIN:
12 mailap na senyales ng pang-aabuso sa bata
VIRAL: Vlogger, sinilaban ng dating asawa sa gitna ng kaniyang livestream
Babae binuhusan ng mainit na tubig ng kinakasama dahil sa selos
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!