Kasama ka ba ang iyong pangalan sa mga reklamador? Narito ang isang pag-aaral ng UK comparison site Uswitch. Alam natin kung kasama ang iyong pangalan sa mga reklamador.
Ang 2020 umano ay taon ng pangalang “Karen” ang ibig sabihin ko rito’y taon ito ng mga taong madalas magreklamo. Madalas nilang ginagamit ang “Karen” sa mga inside joke ng mga nagrereklamo. Subalit ang may mga pangalan bang Karen ay talaga bang reklamador? Nasa listahan ito subalit hindi ito ang number one.
Image source: iStock
Pangalan ng mga taong numero unong reklamador
Sa ginawang pag-aaral ng UK comparison site Uswitch sinuri nila ang mga reklamador sa Trip Advisor reviews, isang site ng mga popular tourist destination sa mundo.
Natuklasan nilang ang Eiffel Tower landmark ay ang may pinakamaraming reclama mula sa tao, na gumugugol ng 402 oras (o 17.5 araw) sa pagsusulat ng aabot sa 17,000 negetibong mga rebuy patungkol rito.
At kahit ang Opera House sa Sydney ay hindi nakaligtas sa init ng reklamo ng mga tao. Umabot sa halos 300 negative reviews ang naitala patungkol sa nasabing tourist destination.
Inilista ng site ang mga pangkaraniwang pangalan na nagreklamo sa mga naturang tourist destination. Narito ang kanilang natuklasan.
Pinakanirereklamong landmark sa Trip advisor. | Image from Uswitch
Numero unong pangalan ng mga babaeng reklamador
- Kim
- Karen
- Susan
- Sue
- Sarah
- Julie
- Emily
- Claudia
- Anna
- Rachel
Numero unong pangalan ng mga lalaking reklamador
- Paul
- David
- John
- Mark
- Andrew
- Steve
- Michael
- Peter
- Jeff
- Daniel
Mawawala na ba ang pangalang Karen?
Maaaring hindi naman ang mga pangalang ito ang mga pinakareklamador, subalit ang stigma na bumabalot sa pangalang Karen ay sumikat sa mga nagdaang taon. Inanunsyo ng Babynames.com noong unang bahagi ng taon. Wala umano sa kanilang milyong user nila sa kanilang website ang nagdagdag at naglagay ng pangalang Karen bilang favorite baby name sa nakalipas na sampung taon. Mayroong 75% na pagbaba sa pagpagpapangalan na Karen sa mga baby girl.
Sa kabilang banda kahit na maaari itong ituring na meme, maraming mga tao ang nababahala na ang Karen trend ay isa lamang excuse sa misogyny, sapagkat wala namang counter part sa lalaki ang pangalang “Karen”.
Ano ang tingin ninyo?
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!