Nakakaramdam ka ba ng pangangati sa iyong balat, at may tumutubo pang pantal? Alamin dito ang iba-ibang posibleng sanhi ng pantal sa katawan.
Ang ating balat ang isa sa pinakasensitibong bahagi ng ating katawan. Kaunting dumi o alikabok lang, maari na itong mamula o kaya magkaroon ng mga butlig-butlig o pantal sa katawan na tinatawag ding rashes. Subalit ano ba ang sanhi ng mga ito?
Maraming pwedeng dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga pantal o pangangati sa katawan ang isang tao. Minsan, ito ay dahil sa simpleng pagka-irita lang ng balat ng tao. Subalit minsan, depende sa mga kasamang sintomas, maari itong senyales ng isang medikal na kondisyon o karamdaman.
Iba’t ibang sanhi ng pantal sa katawan
Narito ang ilan sa mga karaniwang sanhi ng pantal sa katawan:
Ito ang pinakakaraniwang sanhi ng pangangati ng balat. Nangyayari ito kapag ang balat ay nadadampi sa isang bagay na nagdudulot ng masamang reaksyon rito. Nagdudulot ito ng pamumula, pamamaga o pantal sa katawan.
Ilan sa mga bagay na posibleng magdulot ng contact dermatitis ang mga sumusunod:
- beauty products, mga sabon sa katawan at sabong panlaba
- mga dye na natatagpuan sa ating damit
- rubber o latex products
- paghawak ng mga halamang may lason gaya ng poison oak, poison ivy, o poison sumac
Kapag nangyari ito, mas mabuting hugasan agad ang balat ng maligamgam na tubig at antibacterial soap. Kumonsulta rin sa iyong dermatologist upang malaman kung anong mga bagay ang dapat mong iwasan.
Larawan mula sa iStock
Nagdudulot ng malaking pantal sa katawan at pangangati ng balat ang kagat ng lamok kaya malalaman mo kaagad kapag mayroon ka nito. Kusa namang umiimpis ang mga pantal na ito. Bukod sa pamamantal at rashes, kailangang mag-ingat mula sa kagat ng lamok dahil maari itong magdulot ng mga matitinding sakit.
Ang eczema isang kondisyon sa balat kung saan pabalik-balik ang pangangati at pamumula nito. Kapag umaatake ang eczema o nagkakaroon ng “flare ups,” maaaring makapansin ng mapupulang patches o rashes sa balat.
Nangyayari ang eczema kung mayroong depekto ang ating filaggrin, isang uri ng protein sa balat na pumoprotekta laban sa allergen, mga kemikal sa kapaligiran at dryness.
Kadalasan, ang kondisyong ito ay namamana. At ilan sa mga bagay na maaring magdulot ng paglabas ng mga rashes na ito ay ang pagbabago sa panahon, allergens gaya ng alikabok, pollen at balahibo ng hayop, mga produktong may halong pabango, at maging ang ating pawis.
Ang impetigo o mamaso sa Tagalog ay mapulang patse o spots sa balat, kumpol-kumpol at kitang-kita ang impeksiyon dahil basa at makati.
Ayon kay Dr. Barbara Marcelo, isang dermatologist at eksperto sa infectious diseases, maaring mangyari ito kapag ang mga pantal o rashes ay patuloy na kinamot at magsugat.
Kapag nagkaroon ng mga hiwa sa balat, nakakapasok ang bacteria na Streptococcus pyogenes at Staphylococcus aureus sa outer layer ng balat o epidermis. Kaya mas mataas ang posibilidad ng mga taong may sakit sa balat gaya ng eczema na magkaroon ng mamaso.
Ani Dr. Marcelo, kailangang maagapan ito kaagad dahil kapag lumalim ang bacteria, maari itong magdulot ng cellulitis, isang matinding sakit sa balat.
Larawan mula sa iStock
Isa rin itong uri ng contact dermatitis sa mga bata. Nagkakaroon rin ng mga pantal ang mga baby kapag hindi sila hiyang sa ginagamit nilang diaper, o kaya naman ay hindi pinapalitan agad ang basa o maruming diaper ng bata.
Ang pangangating na ito ay sanhi ng napakaliit na insektong tinatawag na Sarcoptes scabiei. Kapag na-infect nito ang iyong balat, maaring umabot ng hanggang 6 na linggo bago lumabas ang pamumula at pangangati ng balat. Malalaman mo na scabies ang dahilan ng iyong rashes kung mas matindi ang pangangati nito sa gabi.
Ito naman ay isang kondisyon sa balat na epekto ng isang autoimmune condition na nagdudulot ng mabilis na paggawa ng skin cells. Kaya naman sa dami nito, namumuo at nagpapatong-patong ito at nangangati hanggang sa magbalat na lang.
Mapapansin ang mga puting kaliskis sa balat, na siyang kakapal at mangangati. Minsan naman ay nagka-crack na lang at nagdurugo ang balat.
Bagamat hindi nakakahawa ang kondisyong ito, maari itong ma-trigger ng stress at labis na pag-inom ng alak.
Kung mayroon kang allergy sa pagkain o gamot, maari rin itong magdulot ng mga pantal sa katawan. May mga rashes sanhi ng allergies na mild lang at kusang nawawala, subalit mayroon din namang sintomas ng pagkakaroon ng mas matinding reaksyon at kailangang maagapan.
Larawan mula sa iStock
Narito naman ang ilang posibleng sanhi ng rashes at pantal sa katawan na maaring dulot ng infection o karamdaman:
Ito ay isang sakit sa balat na hindi pa alam kung ano talaga ang pinagmulan. Subalit mailalarawan ito ng maliliit at mapupulang pantal sa katawan na minsan ay mayroon parang nana. Mas madalas itong matagpuan sa mga bahagi ng mukha gaya ng pisngi, ilong at noo.
Ito ay isang nakakahawangrespiratory disease (apektado ang baga at breathing tubes) na nagiging sanhi ng mataas na lagnat at rashes o maliliit at mapupulang pagpapantal sa balat, sa buong katawan. Bukod sa mga rashes, maari ring samahan ito ng ubo, sipon, pagtatae at pamumula ng mata.
Ang chickenpox o bulutong ay isa ring nakakahawang sakit na sanhi ng varicella-zoster virus. Bukod sa pagkakaroon ng mapupulang pantal sa katawan na kadalasang matatagpuan sa mukha, likod at tiyan ng bata. Sinasamahan rin ito ng mga sintomas gaya ng lagnat at pananakit ng katawan.
Tumatagal ito sa loob ng 10 araw, subalit kapag hindi maagapan at gamutin ng tama, maari itong magdulot ng matitinding komplikasyon tulad ng pneumonia at encephalitis.
-
Hand, foot, and mouth disease
Ito ay isang viral infection na nagdudulot ng mga sugat sa bibig at rashes sa mga kamay at paa. Kadalasang nabibiktima ng sakit na ito ang mga bata. Nakakahawa rin ang sakit na ito, na posibleng samahan ng mga sintomas gaya ng sipon, pananakit ng lalamunan at lagnat.
Isa pang sakit na nagdudulot ng mga pantal sa katawan ng mga bata ay ang scarlet fever. Sanhi ito ng infection na nagdudulot ng strep throat.
Bukod sa mapupula at magaspang na rashes sa buong katawan (maliban sa kamay at paa), nagdudulot rin ito ng pananakit ng lalamunan at mataas na lagnat.
Gamot sa pamamantal at pangangati ng katawan
Ano mang uri ng pamamantal at pangangati ng katawan ay nag-iiwan ng hindi komportableng pakiramdam. Isa pa, maaaring magdulot ng impeksyon ang mga gasgas o sugat mula sa pagkakamot sanhi ng pangangati ng balat. Kaya naman, mahalaga na gamutin ang pantal sa katawan.
Narito ang ilang mga home remedy at halamang gamot sa pamamantal at pangangati ng katawan:
Larawan mula sa Pexels kuha ni Van
Aloe vera
Kilala ang aloe vera na halamang gamot sa pamamantal at pangangati ng katawan. Mayroong anti-inflammatory, antimicrobial, antiviral, at antioxidant ang aloe vera.
Mas mabuti umanong gamitin bilang gamot sa pamamantal at pangangati ng katawan ang mismong halaman ng aloe vera kaysa sa mga manufactured aloe vera cream.
Biyakin lang ang dahon ng aloe vera at kuhain ang gel na matatagpuan sa gitna ng dahon nito. Direktang ipahid sa nangangating balat ang gel.
Oatmeal bath
Matagal nang ginagamit ang oats bilang gamot sa pamamantal at pangangati ng buong katawan. Karaniwan din itong ginagamit panggamot sa eczema at paso.
Paano ito gamitin? Kailangan lang tunawin ang colloidal oatmeal sa warm bathwater. Kung wala namang colloidal oatmeal, pwedeng i-grind ang regular oatmeal sa food processor o blender. Ihalo ang 1 cup ng giniling na oatmeal sa bathwater. Ilublob ang katawan sa bathwater na may oatmeal nang 30 minuto. Pagkatapos ay magbanlaw gamit ang maligamgam na tubig. Mabisa itong gamot sa pamamantal at pangangati ng buong katawan.
Mayroon din namang nabibiling over-the-counter na mga skin product na mayroong oatmeal content.
Cold compress
Ang pinakamabilis na paraan para pansamantalang maibsan ang pamamantal at pangangati ng balat ay ang paglapat ng cold compress.
Pwede ring maligo sa cold shower, dampian ang balat ng malamig na basang tela, o buhusan ng malamig na tubig ang balat na nangangati. Makatutulong ito para mabawasan ang pamamaga at maibsan ang pangangati. Mabisa rin itong pang ampat ng mga pantal sa katawan.
Coconut oil
Matagal na ring ginagamit ng mga tropikal na bansa ang langis ng niyog o coconut oil bilang pamahid sa pamamantal at pangangati ng balat sa katawan. Mayroong saturated fats, antiseptic at anti-inflammatory properties ang coconut oil.
Subalit, kung may allergy sa niyog, subukan muna itong ipahid sa maliit na bahagi ng balat sa inner arm. Kung walang maganap na adverse reactions sa balat sa loob ng 24 oras, maaari na itong gamitin sa iba pang bahagi ng katawan. Kung makaranas ng iritasyon ay itigil ang paggamit.
Epsom salts
Ang magnesium sulfate o Epsom salts na kilala rin sa tawag na dead sea salts ay nakatutulong din para maibsan ang pangangati at tila pangangaliskis ng balat. Ang kailangan lang gawin ay ihalo ang dalawang tasa ng Epsom salts sa warm tub at magbabad dito nang 15 minuto.
Banlawan ang katawan matapos ang 15 minuto at tuyuin sa pamamagitan ng pagdami ng malinis na tuwalya. Gumamit din ng moisturizer para maiwasan ang panunuyo ng balat. Kumonsulta muna sa doktor kung nais itong subukan bilang gamot sa pamamantal at pangangati ng katawan ng bata.
Gamot sa pamamantal at pangangati ng katawan ng bata
Larawan mula sa Pexels kuha ni Towfiqu Barbhuiya
Bukod sa mga nabanggit sa taas, mabisa rin ang coconut oil na gamot sa pangangati at pamamantal ng katawan ng bata. Ayon sa Healthline article, mayroong 2013 clinical trial kung saan sinasabing ang paggamit ng virgin coconut oil bilang gamot sa atopic dermatitis ng sanggol ay kasingbisa ng paggamit ng mineral oil.
Samantala, sa kahiwalay na pag-aaral naman ay napag-alaman na mas mabisa ang coconut oil kaysa sa mineral oil sa pagsasaayos ng skin hydration at barrier function. Sa parehong pag-aaral, sinubukan ang coconut oil sa mga batang may atopic dermatitis.
May kakayahan umano ang coconut oil na mapababa ang severity ng dermatitis at mapagaling ang mga sugat.
Mga halamang gamot sa pamamantal at pangangati ng katawan
Maraming langis mula sa mga halamang gamot ang maaari ding gamitin para maibsan ang pangangati at pantal sa katawan.
Ang bawat langis mula sa mga halamang gamot ay may kani-kaniyang epekto sa balat.
- Olive oil – makatutulong para maibsan ang inflammation at mapagaling ang mga sugat.
- Argan oil – may mono-unsaturated fatty acids ito na makatutulong sa pag-improve ng elasticity at hydration ng balat.
- Chamomile oil – traditional na remedy ang herb na ito para ma-relax ang balat. Mayroon itong anti-inflammatory at antihistamine effects sa katawan. Makatutulong ito para mabawasan ang pangangati ng balat.
- Jojoba oil – may anti-inflammatory properties din ang jojoba na tumutulong sa pag-repair ng skin barrier sa dermatitis. Tumutulong din ito para ma-absorb ng balat ang topical drugs.
- Safflower seed – 70 percent polyunsaturated linoleic acid ang safflower seed oil. Ang luteolin at glucopyranoside na ingredient ng safflower seeds ay parehong mayroong anti-inflammatory properties.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor?
Maaaring subukan ang mga nabanggit na home remedy bilang gamot sa pamamantal at pangangati ng katawan. Kaya lamang, mahalagang magpakonsulta na sa doktor kapag ang nararansang pantal at kati sa balat ay:
- Tumagal ng dalawang linggo
- Tumitindi o lumalala ang pangangati habang tumatagal
- Kapag ang pangangati ay may kasamang unusual rash, bumps, at pamamaga
- Pangangati na nakaaapekto sa buong katawan
Importanteng matingnan ng doktor ang balat para malaman kung ano ang angkop na paggamot ang dapat gawin. Nakadepende ito sa dahilan kung bakit nagkaroon ng pamamantal at pangangati sa katawan.
Paraan ng pangangalaga sa balat
- Gumamit ng mga produktong banayad sa balat. Iwasan ang mga sabon na mas matatapang na ingredients at pabango.
- Gumamit ng maligamgam na tubig sa paghuhugas ng iyong katawan.
- Kung mayroong pantal o rashes, huwag itong takpan at hayaan itong makahinga.
- Kung mayroong rashes, iwasan munang gumamit ng makeup at anumang pinapahid sa mukha.
- Iwasan ring kamutin ang mga pantal para hindi ito magsugat at magdulot ng infection.
- Maglagay ng over-the-counter hydrocortisone cream sa bahagi na may rashes para mabawasan ang pangangati.
- Gumamit ng dandruff shampoo para sa makating ulo at anit.
- Iwasan rin ang paglapit sa mga taong may sakit para hindi mahawa.
- Huwag ring manghihiram ng mga personal na gamit ng isang tao tulad ng kaniyang sabon, tuwalya o maging unan.
- Panatiliin ring malinis ang iyong katawan pati na rin ang iyong tahanan at kapaligiran.
Larawan mula sa Freepik
Kung mayroon kang katanungan tungkol sa iyong mga pantal at iba pang sakit sa balat, huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa iyong dermatologist o pediatrician ng iyong anak.
Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!