Minsan kahit anong gawin mo, magkakasakit ka parin. “May nasa bahay na dahilan ng pagkakasakit ko,” sabi mo sa sarili mo. Maaaring tama ka. Maraming lugar sa bahay ang madalas na pinupuntahan ng mga germs na parang may party. Ito ang ilang paraan para makaiwas sa sakit sa pamamagitan ng pag-disinfect sa mga hotspots ng germs sa bahay.
7 Paraan para makaiwas sa sakit sa loob ng bahay
1. Patayin ang aircon at buksan ang mga bintana
Image | Shutterstock
Marami sa atin ang hindi sanay na walang nakabukas na aircon, ngunit maaaring ito ang rason kaya madalas nagkakasakit. Hindi nalilinis ng aircon ang hangin, ginagamit lamang nito muli ang hangin sa kwarto. Kaya kung may toxins o nakakasamang bacteria, nahihigop ito at nakakalat muli sa hangin.
Tandaan na magbukas ng bintana paminsan-minsan at magpapasok ng sariwang hangin sa bahay. Ito ang pinaka-simpleng solusyon para maiwasan ang pagkakasakit.
2. Linisin ang mga lugar na may amag
Image | Shutterstock
Ang itim na kumakalat sa iyong kubeta ay hindi mawawala kung wala kang gagawin. Kung nagiisip kung paano maiwasan ang sakit, ang mga amag na ito ay kailangang mawala.
Madalas itong nabubuo sa mga mainit at mahalumigmig na lugar (kubeta, labahan).
Para sa homemade na panlinis, maghalo ng suka at baking soda sa bote. Ilagay ito sa mga apektadong lugar at patagalin nang isang oras. Matapos mag-antay, kuskusin ng brush para matanggal ang amag. Gumamit ng tubig para banlawan ang lugar.
3. Regular na linisan ang carpet
Image | Unsplash
Achoo! Ang pamilyar na tunog sa mga may allergy. Hindi lang nakaka-irita ang dumi ngunit nakakapagpahina rin ito ng immune system. Regular na linisin ng vacuum ang mga carpet. Maaari rin kumuha ng mga propesyonal kada taon para maglinis nito.
4. Regular na magpalit ng cleaning products
Image | Shutterstock
Alam mo ba na ang iyong sponge ay 200,000 beses na mas madumi kumpara sa iyong kubeta? Tama ang basa mo.
Sa totoo, ang pamunas ng plato at lababo ay pinamamahayan ng mga germs at bacteria. Magpalit ng sponge kada linggo para hindi pamugaran ng sobrang daming bacteria. Labhan ang pamunas ng plato kada linggo. I-disinfect ang iyong lababo. Bubuti agad ang iyong kalusugan.
5. Maghugas ng kamay at mga surface habang nagluluto
Image | Pexels
Ang food contamination ay dahil sa mga nakakasamang bacteria mula sa hilaw na karne na napupunta sa surfaces at sa mga pagkain. Huwag ipagpaliban ang paghugas ng kamay at panatilihin ang kalinisan ng mga surgace matapos gamitin. Ang paglilinis ng kusina ang pinakamabuting paraan para maiwasan ang pagkakasakit.
6. Panatilihing nakasara ng mahigpit ang lalagyan ng mga kemikal
Kung madalas gumawa ng mga DIY, malamang ay maraming solvents, pintura at mga panlinis o pangdekorasyon na produktong may matatapang na kemikal. Siguraduhing mahigpit ang pagkakasara ng mga takip. Marami ang nagtatanong paano maiiwasan magkasakit ngunit hindi naman tinatabi ang mga ganito sa mga lugar na malayo sa kanilang sala.
7. Ayusin o palitan ang mga sira na lumang building materials
Maraming mga bahay ang itinayo nang may asbestos na insulation, o tingga na mga tubo. Pareho sa mga materyal na ito ay nakakasama kapag na-damage na. Kumuha ng mga propesyunal para tanggalin o ayusin ang mga ito.
Ngayon, hindi na kailangang mag-isip kung saan nakukuha ng sipon! Sa pamamagitan ng 7 simpleng paraan, maaayos ang bahay para maging ligtas at walang germs at bacteria na magiging dahilan ng muling pagkakasakit!
Source: theAsianparent Singapore
Basahin: Cold urticaria: Sanhi, sintomas, at gamot para sa skin allergy na ito