Payo para sa mag-asawa, panatilihin ang pagkakaroon ng eye contact habang nakikipagtalik. Ito ang mga dahilan kung bakit.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mahalagang payo para sa mag-asawa upang mas maging matibay ang pagsasama.
- Mga dahilan kung bakit mahalaga ang eye contact sa sex.
Payo para sa mag-asawa, mahalaga ang eye contact sa pagtatalik
Blue photo created by freepik – www.freepik.com
Napaka-halaga ng pagkakaroon ng eye contact ng mag-asawa. Ito ang maraming beses ng napatunayan ng mga pag-aaral. Dahil ang pagkakaroon ng eye contact ay may impact sa pagtitinginan ng mag-asawa lalo na sa tuwing nagtatalik sila.
Paano ito nangyayari? Narito ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang eye contact sa sex at sa relasyon ng mag-asawa base sa mga pag-aaral.
Mas nagiging passionate at intimate ang sex kung may eye contact ang mag-asawa
- Ayon sa pag-aaral na ginawa ng mga researchers mula sa Clark University sa Massachusetts, USA, sa tulong ng pagkakaroon ng eye contact habang nagtatalik, mas lumalim ang mutual attraction at affection sa pagitan ng mag-asawa. Kaya naman ang pakikipagtalik mas nagiging mainit at exciting sa tuwing ito ay kanilang ginagawa.
- Base naman sa isa pang pag-aaral, kung ang mag-asawa ay may eye contact habang nagtatalik mas nagiging passionate sila sa isa’t isa.
- Nagkakaroon ng long-term bonding at attachment ang mag-asawa na mas matagal ang eye contact habang nagtatalik. Dahil paliwanag ng isang pag-aaral, sa tuwing nagkakaroon ng prolonged eye contact ang mag-asawa ay nagre-release ang nervous system nila ng hormone na oxytocin at phenylethylamine. Ang mga ito ay tinatawag na cuddle hormone na iniuugnay sa interpersonal attraction ng isang tao.
- Ang pagkakaroon ng eye contact ng mag-asawa ay nagti-itrigger rin sa katawan para mag-release ng hormones na dopamine. Ito ay may kilala sa tawag na pleasure hormone na mas nagbibigay sarap at excitement sa pagtatalik ng mag-asawa.
Mas nagiging confident at attractive sa isa’t isa ang mag-asawa
- May isang pag-aaral naman ang nakapagsabi na mas matagal na nagtitigan ang mag-asawa ay mas nakikita nilang mas attractive ang mukha ng bawat isa.
- Base naman sa isang pag-aaral na ginawa ng mga reseacher mula sa Germany, ang pagkakaroon ng eye contact ay nakakatulong para maniwala at magtiwala ang mag-asawa sa isa’t isa.
- Ang pagkakaroon ng eye contact ay nakakatulong din para maka-focus ang mag-asawa sa quality time nilang dalawa. Ang resulta mas nagiging close sila sa isa’t isa.
- Para naman sa ibang pag-aaral, nakakapag-stimulate ng arousal ang eye contact ng mag-asawa habang nagtatalik. Ang paggawa nito habang nagtatalik ay nagbibigay ng dagdag na confidence sa magkapareho na nakakatulong para mas maging mainit ang pagtatalik nila.
People photo created by Racool_studio – www.freepik.com
BASAHIN:
4 secrets para sa intimate at long-lasting relationship with hubby
Mom confession: “I never say no to my husband—pagdating sa sex”
Mom confession: Hindi na ako komportable makipag-sex sa asawa ko.
Paano maprapraktis ang eye contact para sa malalim na pagsasama
Para ma-praktis ang pagkakaroon ng eye contact ng mag-asawa ay may exercise silang maaaring gawin ayon sa mga eksperto. Ito ay ang sumusunod na makakatulong rin para maging close kayong mag-asawa sa isa’t-isa.
I-arrange ang dalawang upuan na magkaharap sa isa’t-isa. Siguraduhin na ang layo nito sa bawat isa ay sapat lang para magtama pa rin ang tuhod ninyong mag-asawa habang nakaupo sa mga ito.
Umupo kayong mag-asawa sa dalawang upuan ng magkaharap. Saka ipikit ang inyong mga mata at subukang alisin ang mga gumugulo sa iyong isipan. Huminga ng malalim at dahan-dahan. Sa pamamagitan nito ay narerelax ang iyong nervous system.
Sunod na buksan ang iyong mga mata at magtitigan kayong mag-asawa. Huwag kayong mag-usap ngunit magtitigan lang, habang ngumingiti at humihinga ng malalim at dahan-dahan.
Orasan ang inyong pagtitigan ng limang minuto. Ayos lang na tumingin saglit sa iba ngunit dapat ay bumalik agad sa pagtitigan ninyong mag-asawa. Matapos ang limang minuto ay ipikit muli ang iyong mga mata. Huminga ulit ng malalim at dahan-dahan.
Maaraing mag-tinginang muli. O kaya naman ay pagmulat sa inyong mata ay tumayo kayo at magyakapan.
Background photo created by teksomolika – www.freepik.com
Tandaan
Ang eye contact ay isang paraan ng pakikipag-komunikasyon. Para sa dalawang taong nag-iibigan ay may malaking naitutulong ito para maiparamdam sa bawat isa ang pagmamahal na kanilang nararamdaman.
Kaya naman panatilihin ang pagkakaroon ng eye contact sa iyong asawa. Hindi lang para mas maging passionate at exciting ang pagtatalik ninyong dalawa. Ngunit para narin mas maging close kayo sa isa’t-isa at tumibay pa ang inyong pagsasama.
Source:
Psychology Today, Health Guide