X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ama, nagsimulang gahasain ang anak noong 6-taong gulang pa lamang ito

3 min read

Dati-rati ay itinatago pa ng 18 taong gulang na si Shannon Clifton ang kaniyang pinagdaanan sa pedophile na ama. Ngunit nagdesisyon siyang ibahagi ang kaniyang kuwento upang makatulong sa iba pang mga batang nakaranas ng pang-aabuso.

Paulit ulit siyang ginahasa ng pedophile na ama

Ang ama ni Shannon na si Shane Ray Clifton ay nagsimula raw siyang gahasain noong 6 na taong gulang pa lamang siya. Simula noon ay naging paulit-ulit na ang pang-aabusong ginagawa sa kaniya ng ama.

Dagdag pa ni Shannon, may mga pagkakataon raw na umaabot pa ng 4 na beses sa isang araw ang pang-aabuso ng pedophile na ama.

Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang naging karumal-dumal na pinagdaanan ni Shannon. Aniya, nabuntis raw siya dahil sa ginawang pang-aabuso, hindi lang isang beses kundi dalawa.

Una raw siyang nabuntis noong 11-taong gulang siya, at nang malaman ng ama, siya ay binugbog nito upang malaglag ang bata. Nabuntis raw siya ulit noong 13-taong gulang siya. Sa pagkakataong ito, pinilit daw siya ng ama na gumawa ng kung anu-anong exercise para malaglag ang bata.

Noong 9 na buwan na siyang buntis ay napansin daw ng nurse sa kaniyang paaralan na buntis si Shannon. Pinilit niyang kumuha ng pregnancy test ang teenager, ngunit tumanggi ito.

Dahil sa takot na mahuli at makulong, itinakas ng pedophile na ama si Shannon, at pinaghahanap sila ng pulis. Di nagtagal ay natagpuan din sila, at matapos ng 2 araw ay nanganak si Shannon ng isang sanggol na lalaki na parehas niyang anak at kapatid.

Na-brainwash si Shannon ng kaniyang ama

Di nagtagal ay ikinulong ang ama ni Shannon sa kasong rape. Binigyan siya ng life sentence ng korte dahil sa ginawang panggagahasa sa sariling anak.

Nang basahan ng sakdal ang kaniyang ama, napasigaw pa raw siya ng "I love you Dad, I miss you," sa kaniyang ama. Naging epekto raw ito ng matinding brainwashing na ginawa sa kaniya.

Sabi ni Shannon, nagsimula daw ang pang-aabuso ng kaniyang ama mula nang nagkahiwalay ang kaniyang mga magulang. Madalas din daw siyang binubugbog at sinasaktan ng ama.

Bukod dito, inilayo pa ng kaniyang ama si Shannon sa iba nilang mga kamag-anak. Tinuro niya kay Shannon na siya lang ang puwede nitong asahan. Sinabi pa ng kaniyang ama na normal lamang daw ang ginagawa nito sa kaniya, at lahat daw ng ama ay ganito sa kanilang mga anak.

3 taon simula nang makulong ang kaniyang ama, ay nagsimula nang magkwento si Shannon tungkol sa kaniyang naging karanasan. Gusto niyang makatulong upang makapagbigay ng awareness tungkol sa mga babaeng nagiging biktima ng pang-aabuso.

Dahil sa nangyari, nagdesisyon si Shannon na ipaampon ang kanilang anak. Mahal na mahal daw niya ang bata, ngunit hindi raw niya maibibigay sa kaniyang anak ang pag-aaruga na kailangan nito. Umaasa daw siyang sana ay nasa mabuting pamilya ang anak niya, at lumaki ito ng maayos.

Sa ngayon, nag-aaral siya ng criminal psychology. Nais raw niyang malaman kung bakit nagawa ng kaniyang ama ang pang-aabuso, at gusto niyang makatulong sa ibang biktima.

 

 

Sources: The Sun, Mirror

Basahin: 4-taong gulang na batang babae, hinipuan in public

 

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Ama, nagsimulang gahasain ang anak noong 6-taong gulang pa lamang ito
Share:
  • 4-buwang gulang na sanggol, ginahasa ng sariling ama

    4-buwang gulang na sanggol, ginahasa ng sariling ama

  • 5-taong gulang namatay sa pambubugbog ng madrasta

    5-taong gulang namatay sa pambubugbog ng madrasta

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • 4-buwang gulang na sanggol, ginahasa ng sariling ama

    4-buwang gulang na sanggol, ginahasa ng sariling ama

  • 5-taong gulang namatay sa pambubugbog ng madrasta

    5-taong gulang namatay sa pambubugbog ng madrasta

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.