"Na-diagnosed ako na may perinatal mood disorder pagkatapos ng unang pagbubuntis ko."

Isang nanay na may dalawang anak ang nagbahagi ng kaniyang naging karanasan sa pagkakaroon ng perinatal mood disorder, bipolar, mania at catatonic depression. | Lead image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang perinatal mood disorder?

Tanda ko pa noong araw na palabas na ako ng maternity hospital. Bigla na lang akong napaupo sa sahig habang umiiyak. Dinala ako sa Belmont Private Psychiatric Hospital kung saan nagpagaling ako.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kuwento ng isang nanay at ang pagkakaroon niya ng perinatal mood disorder
  • Pag-intindi sa sintomas at maagang intervention
  • Bakit importate ang suporta?

Perinatal mood disorder | Larawan mula sa Supplied

Pagkatapos ng dalawang araw, nawalan na ako ng balita sa labas at reyalidad. Pakiramdam ko ay nasa interrogation room ako at ang mundo ko’y gumagalaw nang walang kontrol. Puro tanong lang ang natatanggap ko sa mga doktor at nurse para maiwasan ko kahit papaano ang dinadala ko.

“No, I didn’t have a baby.”

“No, I don’t recognise that man.”

Inatasang alagaan muna ng asawa ko ang baby namin sa bahay. Kasama na ang steriliser at baby formula.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagkaroon ako ng perinatal mood disorder

Isang buwan matapos ng psychotic episode na iyon, nagkaroon naman ako ng catatonic depression at na-ospital ulit ng apat na buwan. Kinakailangan kong sumailalim sa Electroconvulsive Therapy para malabanan catatonic depression na ito. Sa puntong ‘yon, na-diagnosed ako na mayroong Perinatal Mood Disorder.

Mahal na mahal ko ang baby ko pero sobra akong napagod. Noong nasa ospital nga ako, naging katuwang ko sandali sa pagpapagaling ang nanay ko.

Hindi ako na-diagnosed sa Bipolar 1 disorder hanggang sa ako ay nabuntis sa pangalawang pagkakataon. Simula noon, nagsimula na akong magkaroon ng delusional thinking, psychosis, catatonic depression at mania.

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5 epekto ng depresyon ng nanay sa anak

Postpartum Hyperthyroidism: Kondisyon pagkatapos manganak na may pagkakapareho sa anxiety

Depresyon habang buntis: Mga sintomas, gamutan, at posibleng epekto sa baby sa loob ng sinapupunan

Dahil sa mga sakit ko, isang mahirap na desisyon ang pagbubuntis sa pangalawang pagkakataon. Week 17 ng pagbubuntis ko, dito ako nagkasakit ulit. Akala ko okay na. Pero anim na linggo pagkatapos kong manganak, bumalik ang psychosis ko. Ginugol ko ang importanteng mga unang araw ni baby sa loob at labas ng ospital.

Lahat ng nagkakaroon ng Bipolar ay iba-iba ang nararanasan. Wala akong nararanasang anumang sintomas hanggang sa ipinanganak ko ang una kong anak. Stress at burnout, ito ang lagi kong nararanasan.

Pag-intindi sa sintomas at maagang intervention

Sa mga naging karanasan ko, dito ko unti-unting napag-aralan ang mga unang sintomas na maaaring maranasan. Nakakatulong ito sa akin para maiwasan ko agad na mangyari.

Binibisita ko ang psychiatrist ko, binigyan ako ng medication at kung kinakailangan, sa ospital ako nagpapalipas ng ilang linggo o buwan. Kada taon ito o kaya naman madalas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang ospital ay mayroong magandang environment na nakakatulong sa pagpapagaling ko. Nawawalan ako ng konsentrasyon at nagkakaroon ng short-term memory. ‘Yung tipong para akong batang mayroong Alzheimer’s.

Perinatal mood disorder | Image from Supplied

Hirap na hirap akong gawin ang simpleng mga bagay sa pang araw-araw. Simpleng paggawa lang ng sandwich, hindi ko na kaya. Bukod pa rito, hirap din akong makatulog at minsan, isang oras lang ang naitutulog ko sa gabi.

Sobrang sensitibo ko rin sa ingay at iritable. Kapag ang mga sintomas na ito ay naging mania, bumibilis ang isip ko at nahihirapan akong magsalita. Wala akong kontrol kaya naman sobrang bilis kong magsalita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakatulong sa kondisyon ko ang iba’t ibang medication kasama na ang pangangalaga ng aking magaling na psychologist at psychiatrist. Madalas akong nag eehersisyo at sinisigurado kong mayroon akong magandang relasyon sa mga tao.

Isa sa mahirap na pagdadaan kapag ikaw ay nagkasakit ay kapag hindi mo alam kung kailan ito matatapos.

Pagpapa-intindi sa mga bata ng aking kalagayan

Binibisita ako ng asawa at mga anak ko noong nasa ospital pa ako pero medyo mahirap ito dahil maliit pa lang sila noon. Naalala ko, noong apat na taong gulang pa lang ang aking anak, nagtanong siya, “Why do you live at the hospital now, Mummy?”

Noong bata pa lamang ang aking mga anak, madalas akong nagsusulat ng letter sa kanila pati na rin ng illustration letter na makakatulong sa kanila para maintindihan kahit papaano ang pinagdadaanan ko sa ospital.

Simple kong sinabi sa kanila na may sakit ako at kailangan kong pumunta sa ospital para gumaling. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito mararanasan pero alam kong gagaling ako.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayon, malalaki na ang mga anak ko. 14 years old ang anak kong babae habang 11 years old naman ang sumunod. Lumaki silang independent kaya naman hindi na ako nahihirapan.

Noong gumaling ako, gumaan ang lahat ng bagay at nakakagawa na ako ng mga bagay na dati kong ginagawa. Ngunit kapag may sakit ako, kailangan kong pumunta sa ospital at magpagaling. Tumatagal ito kadalasan ng isa hanggang apat na buwan.

Kahit na mahirap ang magkaroon ng Bipolar 1, masasabi kong nakatulong ito sa aking growth. Mas naging bukas akong pag-usapan ang aking sakit. Kapag nakilala nila ako, labis silang nagugulat sa mga sakit na nararanasan ko.

Perinatal mood disorder | Image from Supplied

Marami akong natutunan tungkol sa treatments at suporta patungkol sa aking kalagayan. Ang mga ito ay maaaring makatulong din sa ibang taong nakakaranas ng sakit ko.

Sobra kong binabantayan ang mental health ng mga anak ko. Maaaring magkaroon ng kahit maliit na risk sila sa bipolar.

Importante ang suporta

Marami akong nakilalang tao na nakikipaglaban din sa mental illness. Karamihan sa kanila ay hindi sakitin katulad ko pero kapag may pinagdadaanan sila, nagpapanggap silang okay lang ang lahat. Tinatago nila ang sakit mula sa kanilang pamilya.

Mas madali ang pagkakaroon ng suporta hanggat maaga pa lamang. Kasama nito ang pagkakaroon ng diagnosis at treatment. Kung ikaw ay mayroong anumang uri ng mental illness, mas magandang maging bukas ka na ibahagi ito hanggat maaga pa lamang.

 

Anita is a writer, a mother of two, a small animal veterinarian, and a passionate mental health advocate. She runs Thought Food, a website, which is home to her blog. Her memoir ‘Abductions From My Beautiful Life’ is due to be published this year (2021). Bipolar Australia celebrates World Bipolar Day on March 30.

For more information about Bipolar disorder check out SANE’s fact sheet.

 

This article was first published on Kidspot and republished on theAsianparent with permission.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano

Sinulat ni

kidspot