Safe at effective ang COVID-19 bakuna sa mga batang 5-11 years old, ayon sa Pfizer

Ayon sa bagong pag-aaral, mas less nga rin daw ang side effects na naranasan ng mga batang nabigyan ng bakuna kumpara sa mga matatanda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pfizer COVID vaccine for kids safe at effective sa mga batang edad 5-11 anyos.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pag-aaral tungkol sa safety at effectivity ng Pfizer COVID vaccine for kids.
  • Vaccine for kids na aprubado na sa Pilipinas.

Pfizer COVID vaccine for kids

May magandang balita para sa ating mga magulang. Ayon sa isang pag-aaral ay napatunayang safe at effective ang Pfizer COVID vaccine sa mga bata. Ito ang natuklasan ng trial na ginawa ng Pfizer sa 2,268 na batang edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Sa pagsasagawa ng pag-aaral, ay binigyan ng dalawang 10-microgram dose ng Pfizer COVID 19 vaccine ang batang kabilang sa trial na may 3 weeks o 21 days interval.

Ang 10-microgam dose na ibinakuna sa kanila ay mas mababa sa ibinibigay na 30-microgram dose sa mga 12-anyos pataas. Ito rin ang itinuturing na dose ng bakuna na safe para sa mga batang edad 5-11 taong gulang.

Pero sa kabila nito natuklasan ng pag-aaral na mas naging malakas ang immune system ng mga batang nabakunahan ng nasabing vaccine matapos ang isang buwan.

Ito ay kung ikukumpara sa naging immune system response ng mas mga nakakatanda pa sa kanila. Natukoy ito ng pag-aaral matapos sukatin ang antibody level ng kanilang dugo matapos makumpleto ang 2 doses ng Pfizer COVID vaccine for kids.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Safe at effective ang Pfizer COVID vaccine sa mga batang edad 5-11 anyos

Doctor photo created by freepik – www.freepik.com 

Dagdag pa ng ginawang pag-aaral ay mas less daw ang side effects na naranasan ng mga batang nabigyan ng Pfizer COVID vaccine. Natuklasan ring walang nai-report sa mga batang kabilang sa pag-aaral ang nagkaroon ng sakit na myocarditis o pamamaga sa puso na iniuugnay sa mRNA vaccine tulad ng Pfizer.

Paliwanag ni Dr. Yvonne Maldonado, isang pediatrician, ito ang dahilan kung bakit karamihan ng mga bakuna ay ibinibigay sa mga maliliit na bata.

Una dahil mas mahina pa ang immune system nila. At pangalawa dahil mas less ang nararanasan nilang side effects sa bakuna kumpara sa mga matatanda na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Dr. Maldonado ay chairman ng American Academy of Pediatrics’ infectious disease committee at at nanguna sa ginawang pag-aaral sa Standford University.

Kaya naman, ayon sa researchers ng ginawang pag-aaral, pati na sa mga eksperto, ang findings na ito ng pag-aaral ay isang napakagandang balita para sa mga magulang. Lalo na ngayon na magbabalik-eskwela na ang mga bata.

“There’s going to be a huge number of parents who are going to have a big sigh of relief when they hear this. We’ve been waiting for these kids to be protected.”

Ito ang nasabi ng pediatrician at vaccine expert na si Dr. Kristin Oliver mula sa Mount Sinai Hospital sa New York.

Sa ngayon ang ginawang pag-aaral ay hindi pa na-rereview o nailalathala sa kahit anumang health journal. Pero ayon sa Pfizer ay agad na nilang isusumite ang naging resulta ng ginawang pag-aaral sa US Food and Drug Administration para mabigyan ito ng emergency use authorization.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Sanggol hindi man lang napangalanan ng mga magulang niyang nasawi dahil sa COVID-19

Nanay ng namatayan ng 1-year-old na anak: “Wag balewalain ang COVID dahil totoong-totoo siya”

5 sintomas ng bagong DELTA variant na iba sa karaniwang sintomas ng COVID-19

Aprubadong COVID-19 vaccine sa mga bata dito sa Pilipinas

Medical photo created by jcomp – www.freepik.com 

Samantala, dito sa Pilipinas ay aprubado na ng FDA ang pagbibigay ng Pfizer at Moderna vaccine sa mga teenagers na edad 12 hanggang 17-anyos. Ito ay hakbang para mabawasan umano ang epekto at pagkalat ng COVID-19 Delta variant sa bansa.

“With the Delta variant affecting a lot of children, the experts saw that the benefit of using the vaccine outweigh the risks.”

Ito ang pahayag FDA Director General Rolando Enrique Domingo tungkol sa pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19 sa mga bata.

Ayon naman kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang pagbabakuna sa mga bata ay sisimulang gawin anumang oras sa mga susunod na linggo. Mayroon na rin umanong inilaan na mga bakuna kontra COVID-19 para sa mga edad 12-17 anyos ang ating gobyerno.

“We are trying to look and maybe by the end of September or October, we will open up pediatrics and adolescent vaccination. Meron kami nine-negotiate na (We are negotiating for) more or less 26 million doses intended for our pediatrics vaccination.”

Ito ang kaniyang pahayag.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalagang paalala

Pero paalala ng mga eksperto, kahit mabakunahan na ay dapat paring gawin at sundin ang mga COVID-19 health protocols. Tulad ng pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras lalo na sa matataong lugar.

Ganoon din ang social distancing, madalas na paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng malusog na pangangatawan. Hinihikayat naman ang lahat lalo na ang mga senior citizens at may comorbidities na magbakuna na. Ito ay para maproteksyunan sila laban sa kumakalat at nakakahawang COVID-19 virus.

Photo by RODNAE Productions from Pexels 

 

Source:

New York Times, PNA, Reuters

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement