Pokwang sa pagbabalikan nila ng kaniyang ex partner: “Ngek!”

Pokwang at Lee maayos ang relasyon alang-alang sa anak nilang si Malia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pokwang hindi napigilang mag-react sa komento ng isang netizen na humihiling na sana ay magkabalikan pa sila ng ex niyang si Lee O’Brian.

Mababasa dito ang sumusunod:

Reaksyon ni Pokwang sa pakikibaglikan sa ex na si Lee O’Brian

Nitong nakaraan ay nag-share ang ex-partner ni Pokwang na si Lee O’Brian ng isang larawan nila ng anak na si Malia na magkasama. Base sa caption ng post ni Lee ay nanood sila ng Disney Concert ng anak niyang si Malia.

“Had a fun time on our Date Night to see The Disney In Concert show at Solaire. Miss Malia had a blast!! And they played all the hits!!

#DaddyDaughterNight #DisneyInConcert #MissMalia

Ito ang caption ng post ni Lee.

Sa mga larawan ay makikitang nag-enjoy ang mag-ama. Habang sa isa sa mga larawan ay makikitang namana ni Malia ang pagiging komedyante ng mommy niyang si Pokwang.

Larawan mula sa Instagram account ni Lee O'Brian

Ang mga netizens may sari-saring komento sa post na ito ni Lee kasama ang anak niyang si Malia. May ilang pinuri ang anak ni Pokwang na si Malia dahil sa kagandahan nito. Habang may iba namang nalulungkot sa kinahantungan ng relasyon ni Pokwang at dating kinakasama.

“'Yong second pic nagdala parang si Momsy, Pokie haha, so pretty Malia and handsome dad.” ?

“How sad, she is so young to experience a broken family. I hope she will grow with positive perspective in life like her mom.”

Ito ang ilan sa komento ng netizens. Pero may isang komento mula sa isang netizen na hindi napigilan ni Pokwang na mag-react. Dahil ang punto ng netizen mukhang kasal lang naman daw ang hinihintay ni Pokwang para maging happy together muli ang dating mag-partner.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Wish you and pokwang will get together soon again, why don't you marry her maybe that's what she's waiting for.”

Ito ang komento ng netizen. Si Pokwang hindi napigilang mag-react sa post na ito ng netizen. Ito ang nakakatawa niyang reaksyon na may kasamang laughing emojis.

“Ngek!”

Ang ibang netizen natawa sa reaksyon na ito ni Pokwang.

Hiwalayan ni Pokwang at ex niyang si Lee O’Brian

Larawan mula sa Instagram account ni Pokwang

Matatandaang Hulyo ng nakaraang taon ay kinumpirma ni Pokwang na sila ay hiwalay na ng boyfriend niyang si Lee O’Brian. Ginawa ito ng komedyante sa pamamagitan ng isang Instagram post. Bagamat paglilinaw niya may maayos silang relasyon ng ex-boyfriend alang-alang sa anak nilang si Malia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Yes, it’s been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia.”

Ito ang panimula ni Pokwang sa kaniyang Instagram post na kung saan kalakip ang mga larawan ng kaniyang mga anak na si Mae at Malia. Si Mae ay ang unang anak ni Pokwang sa naunang karelasyon. Si Mae ay 26 years old na sa ngayon.

Pagpapatuloy pa ni Pokwang, bagamat maagang natapos ang pagsasama nila ni Lee na tumagal ng anim na taon, magpapatuloy naman ang pagiging mabuting ina niya sa kaniyang mga anak.

“Natapos man ito sa 'di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng Panginoon.”

Ito ang sabi pa ni Pokwang sa naturang IG post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Pokwang

Sa parehong IG post ay nagbigay rin si Pokwang ng mensahe sa mga tulad niyang single parent. Ito ay may hashtag pang, “Wag mapagod para sa mga anak."

“Sa mga single parent na kagaya ko, hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya.

Hindi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw-araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay.”

Ito ang sabi pa ni Pokwang.

Pagdating sa dahilan ng hiwalayan ni Pokwang at Lee, ayon kay Ogie Diaz na malapit na kaibigan ni Pokwang ay masalimuot ang kuwento ng break-up ng dalawa. Pero hindi niya na ito idinetalye pa sapagkat may maayos naman daw na co-parenting relationship sa ngayon ang dalawa sa 4-year-old daughter nilang si Malia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sanay naman ako na nag-iisa noon pa naman, di ba? Alam mo iyan. Kilala mo ako. Ang importante sa akin mga anak ko. Basta kasama ko ang mga anak ko, ‘ke may partner o wala.”

Ito daw ang mga salitang binitawan ni Pokwang kay Ogie tungkol sa hiwalayan ng komedyante at boyfriend niya. Pagtatanggol pa ni Pokwang sa dating partner ay mabuti daw itong tao at masipag hindi tulad ng inaakala ng marami.

Makikita namang maayos talaga ang relasyon ng mag-ex dahil sa birthday ni Lee noong nakaraang taon buwan ng Setyembre ay magkasama silang ipinagdiwang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement