Pokwang hiwalay na kay Lee O'Brian: "Hindi karma ang natapos na pagmamahalan."

Ayon kay Pokwang, hindi third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pokwang kinumpirma na pitong buwan na silang hiwalay ng kaniyang American boyfriend na si Lee O'Brian.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pokwang nagsalita na sa hiwalayan nila ng kaniyang American boyfriend
  • Relasyon ni Pokwang at ni Lee O’Brian

Pokwang nagsalita na sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian

Larawan mula sa Instagram account ni Pokwang

Nitong Biyernes ay na-mention ng tanyang na talent manager na si Ogie Diaz ang hiwalayan ng komedyanteng si Pokwang at boyfriend niyang si Lee O’Brian. Ayon kay Ogie ay noong Nobyembre pa daw noong nakaraang taon hiwalay sina Pokwang at partner nito. Pero minabuti niyang manahimik sa kabila ng nalalaman bilang respeto kay Pokwang.

Pagdating sa dahilan ng paghihiwalay, kuwento ni Ogie, sa totoo daw ay masalimuot ang kuwento ng break-up nina Pokwang at kaniyang partner. Pero hindi niya na ito idinetalye pa sapagkat may maayos naman daw na co-parenting relationship sa ngayon ang dalawa sa  4-year-old daughter nilang si Malia.

“Sanay naman ako na nag-iisa noon pa naman, di ba? Alam mo iyan. Kilala mo ako. Ang importante sa akin mga anak ko. Basta kasama ko ang mga anak ko, ‘ke may partner o wala.”

Ito daw ang mga salitang binitawan ni Pokwang kay Ogie tungkol sa hiwalayan ng komedyante at boyfriend niya.

Sa kaniyang Instagram account naman ay si Pokwang na mismo ang umamin at nagsalita tungkol sa hiwalayan nila ng kaniyang partner. Ayon kay Pokwang sa kabilang ng naging hiwalayan ay magkaibigan sila ni Lee at magkatulong paring pinalalaki ang anak nilang si Malia.

“Yes, it’s been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia.”

Ito ang panimula ni Pokwang sa kaniyang Instagram post na kung saan kalakip ang mga larawan ng kaniyang mga anak na si Mae at Malia. Si Mae ay ang unang anak ni Pokwang sa naunang karelasyon. Si Mae ay 26 years old na sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Pokwang patuloy na magiging mabuting ina sa mga anak

Sa parehong post ay pinasalamatan rin ni Pokwang ang kaniyang ina na siyang inspirasyon niya sa pagpapalaki ng mga anak. Ibinida rin nito ang larawan nilang magkasama sa parehong IG post.

Sabi ni Pokwang, bagamat maagang natapos ang pagsasama nila ni Lee na tumagal ng anim na taon, magpapatuloy naman ang pagiging mabuting ina niya sa kaniyang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng Panginoon.”

“Ikaw aking nanay Gloria ang aking inspirasyon sa pagiging matatag at matibay na nanay. Salamat sa iyo at alam kong lagi kang nakagabay sa amin ng mga apo mo kaya ni minsan at kailanman 'di ka mawawaglit sa'king mga dasal.”

Mensahe ni Pokwang sa mga single parent na tulad niya

Sa dulo ng kaniyang IG post ay may mensahe ring iniwan si Pokwang sa tulad niyang mga single parent. Ito ay may hashtag pang, “Wag mapagod para sa mga anak".

Sabi ng komedyante, hindi karma ang paghihiwalay ni Lee at pagkakaroon ng anak. Ito ay bahagi ng buhay na may kaakibat na aral na matutunan at paraan para mas matukoy mo ang iyong purpose bilang isang mabuting magulang.

“Sa mga single parent na kagaya ko, hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya. Hindi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw-araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay.”

Ito ang sabi pa ni Pokwang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga kaibigan sa showbizness ni Pokwang ay agad namang nagbigay ng message of support nila sa kanilang tinatawag na Mamang. Ang iba ay sumang-ayon rin sa pahayag ni Pokwang tungkol sa mga single parent na tulad niya.

Vina Morales: My prayers and love to you and to the whole family … from another proud and loving single mom here

Giselle Sanchez: I am proud of you Mamang, na nalagpasan mo ito ng nakatayo. Will still continue praying for you.

Melai Cantiveros-Francisco: Hugs Atepoks isa kang LodiMom at alam nmin lahat yun mga kaibigan mu.

Relasyon nina Pokwang at ni Lee O’Brian

image courtesy: Pokwang's Instagram account

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang interview naman ni Pokwang sa Push ay nagkuwento siya sa estado ng relasyon nila ngayon ni Lee. Doon niya sinabi na walang third party involved sa hiwalayan nilang mag-asawa at walang bitter sa kanila. Sa katunayan ay madalas parin itong pumupunta sa kaniyang bahay para dalawin ang anak nilang si Malia.

“In fact, welcome siya sa bahay. Every weekend ay magkakasama kami. Seven months of surviving and peace ‘ika nga.”

Noong weekend ay nakitang magkasama sina Pokwang, Lee at kanilang anak na si Malia sa isang hotel. Doon nakipag-bonding sila sa kaniyang daughter sa pool at naglaro pa sila sa playground.

January 2015 nang magsimula ang relasyon sa pagitan ni Pokwang at American actor na si Lee O'Brian. Ito ay habang magkatrabaho sila para sa isang pelikula sa America. Taong 2018 naman noong isilang ng komedyante ang anak nilang si Malia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement