7 tips para tumagal sa sex ang iyong asawa

lead image

Kung nakakaranas ng premature ejaculation ang iyong asawa, siguradong makakatulong ang mga tips na ito para lalo siyang tumagal sa kama.

Nakakahiya mang pag-usapan, pero minsan ay nakakaranas ang mga lalaki ng tinatawag na premature ejaculation, o mabilis natatapos kapag nakikipagsex. Nagiging problema ito kung ang mga lalake ay nahihirapang tumagal sa kama, at dahil dito hindi nila nasa-satisfy ang kanilang mga asawa.

Maraming mga paraan upang tugunan ang ganitong problema, ngunit alam niyo ba na may magagawa rin ang mga misis tungkol dito? Heto ang 7 tips upang tumagal ang iyong asawa sa sex.

7 tips para tumagal ang iyong asawa sa sex

1. Mag pre-game

Makakatulong ang tinatawag na "pre-game" o pagmamasturbate bago makipagsex para sa mga babae kapag nakakaranas ng premature ejaculation ang kanilang partner. Ito ay dahil sa pagmamasturbate, mapapalapit ka na sa orgasm kahit hindi pa kayo nagsesex ng iyong asawa.

Sa ganitong paraan, kahit mas mabilis siyang matapos, hindi ka mabibitin dahil nakapagsimula ka na. 

2. Gumamit ng cock ring

Ang paggamit ng cock ring o penis ring ay nakakatulong upang tumagal ang mga lalaki sa pakikipagsex. Isa itong ring na gawa sa rubber na inilalagay sa base o ibaba ng ari ng lalaki.

Nagbibigay ito ng pressure na nakakapagpatagal ng kaniyang orgasm, at magpapatagal sa kaniya kapag nagsesex kayong dalawa.

3. Subukan ang squeeze technique

Ang squeeze technique ay isang paraan kung saan kapag malapit nang matapos ang iyong asawa, kailangan niyang hugutin ang kaniyang ari, at dahan-dahang pisilin ang ulo nito. Nakakatulong ito para hindi agad mag-orgasm ang lalaki.

Puwede rin itong gawin ng mga misis sa kanilang mister kung sa tingin nila ay malapit nang matapos ang kanilang asawa.

4. Sumubok ng ibang posisyon

Nakakatulong rin ang pagsubok ng iba-ibang mga posisyon para tumagal sa sex ang mga lalaki. Ito ay dahil kapag pabago-bago kayo ng posisyon, mas natatagalan bago magkaroon ng orgasm ang iyong asawa. Kaya't kung sa tingin mo ay masyadong sensitive ang iyong asawa sa isang posisyon, sumubok ng iba upang tumagal pa ang inyong pakikipagtalik.

5. Magpahinga

Hindi naman kailangan na tuloy-tuloy at walang humpay ang pakikipagsex. Nakakatulong ang pagkakaroon ng mga break upang hindi agad matapos ang iyong asawa, at para rin hindi siya magmadali kapag nakikipagsex.

6. Subukan mag kegel exercises

Ang kegel exercises ay mga exercise na nakakapagpatibay ng pelvic floor, o ang muscles na malapit sa ari ng mga lalaki at babae. Nakakatulong ang mga exercises na ito dahil kapag mas malakas ang pelvic floor ng isang lalaki, ay mas nakokontrol nila ang kanilang orgasm.

Ibig sabihin, mas makakatagal ang iyong asawa kapag mas may control siya sa kaniyang pelvic floor muscles.

7. Pagpatuloy niyo lang ang pakikipagtalik

Hindi naman porke't tapos na ang iyong asawa ay kailangan niyo nang tumigil sa pakikipagsex. Madalas kailangan lang ng ilang minuto ng "recovery" at puwede na ulit kayong mag-sex ng iyong asawa.

Kung ipagpatuloy niyo lang ang inyong sex play, siguradong kahit tapos na si mister ay magiging ready pa siya sa isa pang round ng sex!

Source: Women's Health

Basahin: Operation V-Day: Up your sexy game with your partner-in-crime

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner