Pagiging present na magulang, bakit nga ba mahalaga para sa iyong anak. Alamin dito pati na ang mga paraan kung paano masigurado na ito ay itong magagawa.
Ang kahalagahan ng pagiging present na magulang sa mga events ng iyong anak
Napakahirap balansehin ng trabaho, mga gawain sa bahay, at personal na oras. Magkaganoon man isa sa pinakamahalagang regalong maibibigay mo sa iyong anak ay ang pagiging isang present na magulang. Lalo na sa mahahalagang kaganapan sa kanilang buhay. Maging ito man ay isang performance sa school, laro sa palakasan, o simpleng presentasyon sa klase. Napakahalaga para sa isang bata na maramdaman ang iyong suporta at makita ang iyong presensya.

Ang ilan sa epekto ng pagiging present na magulang sa iyong anak ay ang sumusunod:
-
Kapag nakikita ng mga bata ang kanilang magulang sa kanilang mga aktibidad, nararamdaman nilang sila ay mahalaga at mas nagiging confident sa kanilang ginagawa.
-
Pinalalalim ang inyong relasyon.
Ang pagdalo sa mga kaganapan ng iyong anak ay nagpapakita na sila ay iyong priority. Ito ay nagbubukas ng mas malalim na koneksyon at tiwala sa inyong dalawa.
-
Nakakatulong sa kaniyang positive development.
Ang suporta ng isang present na magulang ay nakakatulong sa pagmomotivate at pagpapataas ng confident sa isang bata.
-
Lumilikha ito ng unforgettable and happy memories.
Hindi mo na maibabalik ang pagkabata ng iyong anak. At ang pagiging present na magulang ay nagbibigay-daan upang maranasan mo ang mahahalagang yugto ng buhay niyang ito.
-
Nagtuturo sa bata ng importance ng support.
Ang iyong presensya ay nagiging halimbawa sa iyong anak kung paano ipakita ang pagpapahalaga at suporta sa iba.
Mga paraan upang maging mas present na magulang sa buhay ng iyong anak

Dahil sa dami ng gawain sa araw-araw, maaaring maging challenge ang pagiging laging present na magulang para sa iyong anak. Ngunit may mga paraan upang mas maging aktibo at mas madalas na magawa ito. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Bigyang priority ang mga events ng iyong anak.
Itakda sa iyong kalendaryo ang mahahalagang petsa at ituring itong important event na hindi basta puwedeng balewalain.
2. Iwasan ang mga distraction.
Ilayo ang telepono, email, at iba pang nakakaabala kapag nasa isang aktibidad ng iyong anak upang maibigay ang buong atensyon.
3. Magplano ng maaga.
Kung may trabaho o iba pang sagabal, subukang mag-adjust ng iskedyul o gumamit ng video call upang kahit paano ay mapagsabay ito sa event ng iyong anak.
4. Gumising bago ang iyong anak.
Gamitin ang tahimik na oras ng umaga upang maghanda ng isipan at katawan upang mas maasikaso at maging present na magulang buong araw.
5. Itabi ang cellphone o anumang gadgets.
Ang social media at iba pang teknolohiya ay maaaring makaagaw ng atensyon. Maglaan ng mas maraming oras sa iyong anak kaysa sa iyong gadgets.
6. Maglaan ng araw-araw na oras para sa isa-isang pag-uusap.
Kahit limang minuto lang bawat araw, ang hindi napuputol na oras kasama ang bawat anak ay nagpapalakas ng kanilang emosyonal na seguridad.
7. Kontrolin ang iyong iskedyul.
Iwasang masyadong punuin ang iyong araw ng mga gawain upang magkaroon ng sapat na oras para sa pamilya.

8. Magsaya at maglibang kasama ang iyong anak.
Makisali sa kanilang laro, magkwentuhan, at alalahanin ang saya ng pagiging magulang.
9. Mag-ehersisyo nang regular.
Ang pag-aalaga sa sarili sa pamamagitan ng yoga o paglalakad ay nakakatulong upang maging mas kalmado at mas presensiya sa buhay ng iyong anak.
10. I-adjust ang iyong agenda.
Sa halip na puro trabaho at gawain, gawing bahagi ng iyong araw ang pagpapatawa at pagbibigay ng atensyon sa iyong anak.
Maraming responsibilidad sa buhay, ngunit ang mga mahahalagang sandali ng iyong anak ay hindi na maibabalik. Ang pagiging isang present na magulang ay hindi lamang nagpapalakas ng kanilang kumpiyansa at emosyonal na pag-unlad, kundi pinalalalim rin ang inyong relasyon bilang magulang at anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!