Pwede bang uminom ng alak ang nagpapadede? Ang sagot ay malaking HINDI. Dahil ito ay makakasama sa iyong baby.
Isang magandang halimbawa na dapat magbigay aral sa mga ina ay ang nangyari sa isang sanggol sa Northland, New Zealand.
Epekto ng alak sa baby
Ayon sa report, ang sanggol na pinangalanang si Sapphire Rose ay namatay umano dahil sa mataas na level ng alcohol sa kaniyang katawan.
Nang suriin ang kaniyang tiyan ay wala namang alcohol contents na nakita dito. Kaya naman suspetsa ng mga doktor nakuha ng sanggol ang mataas na level ng alcohol mula sa kaniyang ina na nagpapasuso.
Ayon sa salaysay ng ina ni Sapphire Rose sa mga imbestigador, umiinom siya ng alak isang araw bago masawi ang anak. Ngunit, hindi niya daw binigyan ng breast milk ang anak, sa halip ay formula milk ang pinadede niya rito.
Ilang oras bago ito masawi ay saka niya lang ito pinasuso. Pagkatapos ay agad na inilagay sa kama para asikasuhin ang kakambal nito.
Nang balikan niya ang anak ay dumudugo na ang ilong nito at hindi na gumagalaw. Agad daw silang tumawag ng ambulansiya. Nagsagawa rin ng CPR sa kaniya ngunit hindi na daw nagrerespond o gumagalaw ang sanggol.
Base naman sa post-mortem report ng sanggol, ang nakitang amount ng alcohol sa dugo ni Sapphire Rose ay 308mg sa kada 100ml ng tugo. Ito ay 6 times na malaki sa 50mg limit para sa adult drivers na mahigit 20-anyos. At hindi katanggap-tanggap sa katawan ng isang sanggol.
Pwede bang uminom ng alak ang nagpapadede?
Ayon sa forensic pathologist na si Dr. Simon Stables na sumuri sa bangkay ni Sapphire Rose, walang trace ng alcohol na nakita sa tiyan ng sanggol. Kaya naman, noong una ay hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon nalang kataas ang alcohol level sa katawan ng bata.
Ngunit paliwanag niya, sa pamamagitan ng pagpasuso ng umiinom na ina ay maaring ma-expose sa alcohol ang sanggol. Bagamat maliit na porsyento lamang ng alak na ininom niya ang mapupunta sa kaniyang pinapasusong anak, delikado raw ito para sa bata dahil hindi pa ito kayang i-metabolise o i-process ng katawan niya.
Kaya naman paalala ni Dr.Stables sa mga breastfeeding mom ay huwag uminom ng alak. Ito ay para maiwasang mangyari sa anak nila ang nangyari kay Sapphire Rose.
Ayon naman sa pediatrician na si Dr. Ailsa Tuck na mula sa Northland District Health Board ang pagkamatay ni Sapphire Rose ay “deeply distressing” para sa isang pamilya.
Ngunit dapat daw ay magsilbing paalala ito sa mga magulang na umiinom ng alak. Ayon sa kaniya, kung iinom ng alak ay siguraduhing may isang taong titingin o magbabantay sa kanilang anak. Na dapat normal at hindi nasa ilalim ng impluwensya ng alcohol.
“Parents of small babies are generally exhausted; even a small amount of alcohol can sedate someone who is exhausted”, paliwanag ni Dr.Tuck.
Dagdag pa niya ang pag-inom ng alak ay nakakabawas ng supply ng breastmilk. Ang alcohol din daw ay maaring maipasa sa sanggol na nakakadamage sa kaniyang developing brain.
Paalala sa mga magulang
Maliban sa alcohol intoxication, hindi din inaalis ng mga imbestigador na maaring dahil din sa septicaemia o sepsis at mechanical asphyxia o suffocation ang dahilan ng pagkamatay ng sanggol.
Base sa medical history ng sanggol ay ipinanganak ito at ang kakambal niya na premature at nakaranas ng related medical conditions.
Wala rin daw maayos at ligtas na sleeping arrangement ang mayroon para sa sanggol kapag ito ay matutulog na.
Maliban sa kanilang mga magulang kasama rin kasi ni Sapphire Rose at kambal niya ang dalawa pa nilang kapatid sa iisang kama.
Dagdag pa ang tinitirhan nilang lugar na hindi smoke-free na kung saan expose ang mga sanggol sa delikadong usok na nagmumula sa sigarilyo.
Kaya naman, may paalala si Dr. Tuck sa mga magulang. Ito ay sa pamamagitan ng acronym na Pepe. Ito ang Te Reo Maori word para sa salitang baby.
Place baby in their own baby bed in the same room as their parent o ihiwalay ng higaan si baby
Eliminate smoking in pregnancy and have a smoke-free whānau o huwag manigarilyo kapag nagbubuntis o sa paligid ni baby
Position baby flat on their back to sleep with their face clear of bedding o ihiga si baby sa higaan na walang kahit anumang puwedeng tumabon o tumakip sa kaniyang mukha
Encourage breastfeeding and gentle handling of baby o magpapasuso at ayusin ang pag-aalaga at paghawak kay baby.
Source: Stuff
Photo: Pixabay
Basahin: 4 Important things to know about alcohol and breastfeeding
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!