Ang skin rashes sa katawan ng bata ay kadalasang nangyayari at hindi naman dapat ikabahala. Kusang gumagaling din ito sa ilang pagkakataon.
Gayunpaman, kapag hindi ito gumaling kaagad at nagpatuloy ang pamumula at pamamaga ng balat, kailangan na ipatingin na rin ang bata sa doktor. Maaari kasing dulot na ito ng isang prolonged illness o ‘di naman kaya’y allergic reaction. Mas maigi na malaman kung ano ang pinanggagalingan nitong skin rashes sa katawan ng bata.
Mula diaper rash hanggang eczema, chicken pox o cold sores — maraming rason para magkaroon ng skin rashes sa katawan ng bata.
Talaan ng Nilalaman
Skin rashes sa katawan ng bata
Hindi naman kadalasang nagtatagal ang skin rashes sa katawan ng bata, pero mahalaga pa rin na malaman ang uri nito para na rin mabilis itong magamot. Narito ang ilan sa mga common types ng skin rash at paano ito malulunasan.
Bago ‘yan, ano nga ba ang skin rash?
Ang rash ay ang pagbabago sa texture at kulay ng maliit o malaking bahagi ng balat. Ito ay maaaring maging mapula, scaly o bitak-bitak, bumpy o minsan nga ay namamaga.
- Raised – ito ay kapag naramdaman mong may kaunting bump sa balat.
- Flat – ito naman ay kapag walang bump pero namumula ang balat.
- Lacy – ito naman ay kapag may parang “lacy” na texture ang rash.
- Bumps – ito ang pinakasimpleng uri ng rash.
- Pimply – katulad ng pimples sa matatanda, ang pantal na ito ay may puti sa ibabaw ng bump.
- Blisters – ito naman ay kapag may clear fluid sa loob ng bump.
- Spots – ito naman ay mapula na flat na pigmentation sa balat.
- Pustule – kung ang bump naman ay may nana.
- Blotches – ito naman ay ang pagpapantal na minsan ay namumula subalit flat.
- Welt – kapag ang pamamantal ay may kasamang pamamaga, ito ay tatawaging welt.
- Patch – kasing laki rin kadalasan ng pimple at kadalasan ay namumula.
- Hives – katulad ng ibang uri, ito ay namumula rin, ngunit may kasamang pamumula.
Madalas mong maririnig ang mga doktor na gagamitin ang mga ito para i-describe ang skin rash ng iyong anak. Ngayon naman ay alamin natin ang mga uri ng skin rash at kung ano ang mga gamot para rito.
Uri ng skin rashes sa katawan bata
1. Baby acne
Maaari ring magkaroon ng acne ang babies. Kadalasan itong lumalabas sa kanilang pisngi, noo, baba at minsan pa nga ay sa likod. Maaaring magkaroon nito ang mga baby na bagong silang pa lang hanggang sa kanilang ika-2 at 4th week. Mawawala naman ito kapag sila ay tumungtong na ng 3-4 months.
Wala nga lang specific na dahilan ang acne para sa bata. Pero ang dapat gawin para ito ay mawala, hugasan ang mukha ng sanggol gamit ang gentle soap. ‘Wag rin gamitan ng lotion ang balat dahil gagawin lang nitong oily ang mukha ni baby. Komunsulta rin sa pediatrician ng bata para sa dagdag na impormasyon.
2. Chicken pox
Ang skin condition na ito ay karaniwang nagsisimulang lumabas sa mukha, anit at likod. Ito ay kakalat sa buong katawan at mapapansin ang maliliit na bumps sa balat.
Dapat tandaan na ang chicken pox ay nakakahawa. Kahit na matatanda ay maaaring mahawa nito sa mga bata.
Kung wala namang lagnat ang bata, maaari mo siyang paliguan at pahiran ng baking soda.
3. Cold sores
Ito naman ay kadalasang makikita sa paligid ng labi ng bata. Madalas ay dulot ito ng virus, kaya naman kung makitaan mo ng ganito ang iyong anak, ‘wag silang hahalikan.
Huwag din silang hayaan na humawak sa kanilang mata kung nahawakan ang affected area dahil maaari itong magdulot ng ocular herpes, na isang serious eye infection.
Masakit ang cold sores kaya naman payo ng mga doktor ay bigyan ng ibuprofen ang batang 6 months pataas. Maaari ring lagyan ng ice pack ang affected area para maibsan nang bahagya ang sakit nito. Iwasan din umano bigyan ng citrus o acidic food ang batang may cold sores.
4. Cradle cap
Ang cradle cap ay kadalasang nakikita sa anit, mata, kilay at kilikili. Sa kondisyong ito, magiging dry at scaly ang balat ng bata. Mapapansin mo rin na magkakaroon ng yellowish patches ang kaniyang balat.
Sapagkat kadalasang nagkakaroon nito ang mga 3-4 months old na bata, mapapansin din na naglalagas ang kanilang buhok.
Hindi nakakahawa ito. Kaya naman maaari mong i-massage ang scalp ng iyong baby para maginhawaan. Kailangan ding paliguan ang kanyang ulo kahit isang beses sa isang araw. Mayroon ding mga shampoo na specific na ginagamit para sa cradle cap.
5. Diaper skin rashes sa bata
Kung mapansin mong mayroong namumula sa diaper area, ito ay tinatawag na diaper rash. Umaabot pa nga ito minsan sa hita ng bata. Kaya naman mahalaga na mapansin agad ito at malunasan. Kadalasan ay may mga ointment para rito na ipe-prescribe ng kaniyang doktor.
Pero ang pinakamahalagang dapat mong gawin ay mapanatiling malinis at tuyo ang diaper area ng iyong baby. Minsan ay hayaan mo rin siyang matulog na walang diaper para naman makahinga ang kaniyang balat.
6. Eczema
Ang noo, anit o pisngi ng iyong anak ay magkakaroon ng red rashes kung siya ay may eczema. Madalas ay makati ito at masakit at kadalasang nagkakaroon nito ang mga 6 months old hanggang 1 year old na mga bata.
Kailangan agad makita ito dahil kumakalat ang eczema sa tuhod, siko at sa mga singit-singit ng balat. Pero may mga pagkakataon din namang gumagaling ito ng kusa.
Walang specific na lunas para sa eczema pero payo ng mga eksperto, paliguan lamang nang madalas ang bata at pahiran ng ointment pagkatapos. ‘Wag din umanong gumamit ng mga scented detergent para sa damit ng iyong anak.
7. Erythema toxicum
Ang skin condition na ito ay lumalabas sa kahit anong parte ng katawan ni baby. Kadalasan itong puti at dilaw na spots na namumula-mula. Ang mga newborn babies ang mas prone dito. Tumatagal ito ng dalawa hanggang tatlong linggo sa katawan at nawawala rin ng kusa.
8. Fifth disease
Tinatawag ding slapped cheeks disease dahil makikita ito sa cheeks ng bata. Common naman ito sa mga preschoolers. Sa kondisyong ito, makikita na mapula ang pisngi ng bata at may lacy na pantal sa balat. Minsan pa nga ay may lagnat, runny nose at cold symptoms ang mga nagkakaroon nito.
Nakakahawa ito kaya naman kadalasang binibigyan ang bata ng acetaminophen or ibuprofen para gumaling. Para naman maiwasan ito, dapat lang panatilihing malinis ang bata.
9. Hand, foot and mouth skin rashes sa bata
Sa kondisyong ito naman, makakakita ka ng blisters sa paligid ng bibig ng bata. Aabot din ito hanggang sa palad at kanyang puwit. Nagsisimula ito sa maliliit na pulang pantal hanggang maging bumps at sugat.
Madalas na magkaroon nito ang mga preschooler subalit pwedeng magkaroon nito kahit anong edad ng bata. Ito rin ay nakakahawa.
Ugaliing paghugasin ng kamay ang bata para maiwasan ito. Kung mayroon namang ganitong kondisyon ay paiwasin ang bata na kumain ng maaanghang at maalat na pagkain.
10. Impetigo
Makakapansin ka ng maliliit na pulang bumps sa katawan ng bata na may impetigo. Madalas itong makikita sa paligid ng ilong at bibig.
Habang tumatagal ay nagsusugat ito at maaaring magkaroon ng lagnat, pamamaga ng lalamunan at cold symptoms ang bata. Karaniwan namang nagkakaroon nito ang mga 2-6 year old na bata. Nakukuha ito kapag may pumasok na bacteria sa sugat ng isang bata.
Kapag hindi agad ito nagamot ay maaaring lumala at tumagal sa katawan ng bata.
Tandaan na sa lahat ng uri ng rashes sa katawan ng bata, mahalaga lang na mapanatili ang proper hygiene. Huwag ding balewalain ito at patignan agad ang iyong anak sa doktor upang makasiguro.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.