Lahat tayo ang gustong magkaroon ng masayang pagsasama lalo sa ating marriage o buhay mag-asawa. Pero hindi maiiwasan na magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa o partner.
Mababasa sa artikulong ito:
- TAP Moms nagbahagi ng kanilang kahulugan sa red flags sa relasyon
- 7 na senyales ng red flags sa isang relasyon
Pero ano nga ba ang kahulugan ng red flags sa isang relasyon at paano mo masasabi na hindi pala ideal ang partner mo katulad ng inaakala mo? Alamin ito dito!
TAP Moms nagbahagi ng kanilang kahulugan sa red flags sa relasyon
Sa isang forum ng ating mga moms sa theAsianparent Philippines Community app, nagbahagi sila kung ano ba ang kahulugan o ano para sa kanila ang red flags sa isang relasyon.
Ayon sa isang mom, kawalan ng respesto para sa kaniya ang red flags sa kaniyang partner, pagbabahagi niya,
“Una, ‘yong walang respeto sa ‘yo. Kung paano ka niya kausapin o tratuhin, kung napagsasalitaan ka niya ng masama or namumura ka niya. You should run from him. Sakit sa ulo yarn.”
Para naman sa isang mommy, ang isa sa mga red flags niya sa kaniyang karelasyon ay ‘yong taong walang pangarap sa buhay, makasarili at mapanakit, emotional o physical man.
Isang nagbahagi ng kahulugan ng red flags sa isang relasyon ay kung wala ring respeto ang iyong asawa o partner sa iyo, pati na sa kaniyang mga magulang, bata at pati na rin sa mga hayop. Ito pa ang sabi ng mommy na ito,
Dagdag pa ng isang mommy,
“Una sa lahat ‘di mo masasabing ideal partner ang kasama mo ‘pag wala siyang pangarap sa buhay lalo na may anak na kayo.
Masasabi mo rin na hindi ideal pag hindi ka tinutulungan sa gawaing bahay at pag-aalaga. Lagi kang inaaway o sinasaktan.
Hindi naghahanap ng trabaho para sa maraming gastusin lalo na sa gastusin ng anak. Walang pakialam sa nagyayari, laging lumalabas para magbarkada pag uwi lasing.
Most specially pag unfaithful and di siya loyal sayo. Para di umabot na maging broken family, at walang lakihang tatay ang baby.
Kaya dapat siguraduhin natin na siya ay ideal partner para walang pasisi sa huli. I pray that all of you to have an ideal partner in life.
I’m just so thankful dahil I have my ideal partner. Most especially he is God-fearing and Loyal. Ramdam ko kung gaano kami kamahal ng baby namin.”
Pero ano nga ba ang mga red flags, ano ang kahulugan nito?
Ano ang red flags sa relasyon?
Ayon sa VeryWellMind, ang “red flag” ay isang simbolo nang pagtigil o stop. Halimbawa na lamang sa sports, kinukunsidera ito na foul. Isa pang halimbawa rito ay ang red light sa traffic lights, na nagsi-signal rin sa atin nang stop o paghinto.
Ayon kay Dr. Wendy Walsh, isang clinical psychologist na espesyalita sa mga relationship, ang red flags ay mga senyales na hindi kayang magkaroon ng isang healthy na relasyon ang dalawang tao.
Pagpapaliwanag niya,
“In relationships, red flags are signs that the person probably can’t have a healthy relationship and proceeding down the road together would be emotionally dangerous.”
BASAHIN:
6 mistakes na ‘di mo alam na nagagawa mo kaya nagiging boring ang pagtatalik niyong mag-asawa
10 senyales na hindi healthy ang relationship niyong mag-asawa
7 na senyales ng red flags sa isang relasyon
Kung ang iyong partner ay ginagawa ang mga red flags na ito sa inyong relasyon isa lamang ang kahulugan nito, kailangan niyo ng pag-uusap. Para na rin sa inyong relasyon upang maging healthy ito.
Inilista namin para sa inyo ang ilan sa mga senyales ng red flags sa isang relasyon, ito ay ang mga sumusunod: