Ogie Alcasid sa birthday ni Regine Velasquez: "You are the air that I breathe, my rock, my heart and soul."

Ipinagdiwang ni Regine Velasquez ang kanyang 52nd birthday kasama ang mga malalapit sa kanyang buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sweet na sweet na binati ng actor at singer na si Ogie Alcasid ang kanyang misis na si Regine Velasquez sa ika-52 birthday nito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Sweet message ni Ogie Alcasid sa kanyang misis
  • Regine Velasquez binati ng mga mahal niya sa buhay sa birthday nito

Sweet message ni Ogie Alcasid sa kanyang misis

Larawan mula sa Instagram post ni Ogie Alcasid

Malambing na binati ng aktor at singer na si Ogie Alcasid ang asawa nitong si Regine Velasquez sa ika-52 birthday ng 'Asia's Songbird'.

Sa Instagram account ni Ogie, pinost niya ang larawan nilang dalawa kung saan makikita ang selfie nilang dalawa na nakaakbay si Regine kay Ogie. Napaka-sweet naman ng caption na isinulat ni Ogie sa post niyang ito.

"Happy bday to my one and only. You are the air that i breathe, my rock, my heart and soul, my everything.

I wish you the simplest of joys on this day. I love you my honey. Happiest of birthdays."

Syempre, sweet din ang naging reply ni Regine para sa kanyang mister.

"Thank you baba dami mong gifts I love you."

Kinilig naman ang kanilang mga fans at artista dahil dito sa naging interaction ng mag-asawang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Noong December 2021 naman ay pinagdiwang ng dalawa ang kanilang 11th wedding anniversary.

BASAHIN:

John Prats and Isabel Oli celebrate 6th birthday of Feather: "Stay mabait and sweet my love"

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Judy Ann sa 43rd birthday ni Ryan Agoncillo: "You are and will always continue to be God's biggest blessing"

Sharon Cuneta sa birthday ni KC Concepcion: “I will always be your mother, no matter what choices in life you have made and will make”

Larawan mula sa Instagram account ni Ogie Alcasid

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Regine Velasquez binati ng mga mahal niya sa buhay sa birthday nito

Nagdiwang ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez ng kanyang golden birthday noong April 12, 2020. Dahil sa kasagsagan ito ng pandemya, ang dapat na magarbong selebrasyon para sa kanyang kaarawan ay ipinagpaliban muna at ginawang mas simple ito na ginanap na lamang sa kanilang bahay.
Ngayon, unti-unti na muling bumabalik sa normal. Itinuloy ng mga mahal sa buhay ni Regine ang pagdiriwang para naman na sa kanyang ika-52 taon na kaaarawan.
Naunang ipinagdiwang ang birthday ni Regine sa ASAP Natin 'To noong ika-17 ng Abril, Easter Sunday. Magarbong pinaghandaan ng mga mahal niya sa buhay ang kanyang golden birthday celebration. Ang ilan sa mga artista ay inalaya siya ng performances sa pagsayaw at pagkanta.
Inawit ng mga kapwa singers niyang sina Erik Santos, Yeng Constantino, Jed Madela, Nyoy Volante, Kyla, at siyempre pati ang asawa nitong si Ogie Alcasid ang iconic hits na "I'll Be Over You" at "I Won't Hold You Back."

Sa programa ay naging emosyunal ang singer habang pinapasalamatan ang kanyang mga nakasama sa variety show.

“Thank you, of course, to my ASAP family for not giving up on me. Sobra-sobra ‘yong pagmamahal, suporta at tiwala na binibigay n’yo sa’kin."

Naiyak din siya nang magbalik-tanaw sa maraming taon niyang kasama ang mga artista at staff  ng ASAP.

"Fifteen years na akong dito sa ASAP and I am just so happy and thankful for all the opportunity na binibigay n’yo po sa akin. Salamat sa tiwala at pagmamahal. Thank you for not giving up on me.”

Larawan mula sa Instagram post ni Ogie Alcasid

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod sa ASAP Natin 'To, hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng birthday celebration niya ang morning show na Magandang Buhay kung saan parte rin siya ng programa. Excited na prinisenta ng kanyang co-host na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ang mga regalo nito.

Binigyan ni Jolina ng tumbler si Regine kung saan may nakadikit na larawan ng kanyang asawa na si Ogie Alcasid. Pagbibiro ni Jolina,

"Sabi ko talaga 'yung picture ni kuya na nakaano siya, nakatopless siya tyaka salbabida. Para lalo kang mapainom."

Habang kay Melai naman ay ang paboritong pagkain ni Regine na minatamis na kamoteng-kahoy o balanghoy na labis namang ikinatuwa ni Regine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Yes, I am happy. The fact that you guys are celebrating me, I am so happy. Thank you very much."

Binati rin si Regine ng mga malalapit niyang nakasama at nakatrabahong mga artista at singer. Ilan sa nagpasalamat sa kanya dahil sa kanyang pagtulong at mentorship sa kanilang career ay sina Erik Santos at Jonalyn Viray.

Naging dahilan ito para maluha si Regine dahil sa dami ng mga nagmamahal sa kanya sa showbiz industry.

Ang ilan pa sa nagbigay ng mensahe ay sina KD Estrada, Alexa Ilacad, Lovi Poe, Vice Ganda, Sharon Cuneta at Martin Nievera.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva