6 na senyales ng relasyong wala nang pagmamahalan

May pag-asa pa ba ang inyong pag-ibig?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang kaibahan ng pagkukulang ng isa’t isa sa lumalala na pala na problema sa inyong mag-asawa? Alamin kung ano ang mga senyales ng relasyong wala nang pagmamahalan at kung ano ang puwede niyong gawin para sagipin ang inyong marriage.

Mababasa dito:

  • Senyales ng relasyong wala nang pagmamahalan
  • Signs na puwede pa itong sagipin
  • Tips kung paano pa ito maaayos

Naaalala niyo pa ba ang inyong unang date ninyo ng asawa mo? How about ang first kiss ninyo?

Kapag bago pa ang relasyon, mayroong tinatawag na honeymoon stage.

Andiyan ang kilig tuwing magkasama kayo. Pinagdiriwang ang lahat ng mga moments ninyo na magkasama—weeksary, monthsary, anniversary. Andiyan ang pagkaramdam ng pagka-miss kahit na magkasama lang kayo kanina. You look forward sa next time na magkakasama kayong muli.

Malamang inisip ninyo noon na walang makakasira sa inyong relasyon. Napag-usapan ninyo ang mga plano sa buhay na kabilang ang isa’t isa. Nagtawanan kung sino ang unang magkakauban sa inyong dalawa. 

Tila hindi niyo na maisip ang future na hindi kasama ang isa’t isa.

Ngunit ano ang nangyari? 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalang na ang kilig moments. Ang mga importanteng okasyon, madalas nang makalimutan. Kung dati ay hindi mapaghiwalay, ngayon ay mas gugustuhin na lang na mag-isa para makahinga. Parati na lang nag-aaway. Nakakaramdam ka na ng pagkaubos.

STUDY: Mga couples na sabay matulog, mas matatag ang relasyon

12 signs na ikaw ay nasa isang emotionally abusive na relasyon

STUDY: Ito ang epekto sa relasyon kapag parating hawak mo ang phone mo

Ano ba talaga ang mga senyas ng relasyong wala nang pagmamahalan?

Habang tumatagal tayo sa isang relasyon, nagbabago ang ating mga emosyon. Oo, mas lumalalim ang ating koneksyon, ngunit nauunawaan din natin na ang pagmamahalan ay hindi puro kasiyahan lang.

Para tumagal ang isang relasyon, kailangan nito ng pagsisikap at maayos na komunikasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baka akala niyo noon na perpekto na ang inyong relasyon. Maaaring nagtataka ka na ngayon kung paano kayo nagkalabuan.

Hindi agad-agad nawawala ang pagmamahalan sa isang relasyon, at posibleng hindi mo pa natatanto na may mali pala sa inyong relasyon.

Naisip niyo na ba na baka nawawalan na kayo ng pagmamahal sa isa’t isa? Narito ang mga karaniwang senyales ng relasyong wala ng pagmamahalan.

1. Wala kayong oras para sa isa’t-isa

Hindi maiiwasan na maging busy sa pang araw-araw nating mga responsibilidad. Andiyan ang trabaho, gawaing bahay, pag-aalaga sa mga anak, at iba’t iba pang mga bagay na umuubos sa oras mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kadalasan tila parang kulang ang isang araw sa dami ng gawain. Malamang pagkatapos ng mahabang araw ay pagod na kayo para bigyan ang partner ninyo ng atensyon na hinihingi niya.

TIP: Hindi kailangan na mag-date kayo ng sing-dalas gaya ng dati. Kailangan lang mayroon kayong quality time. 

Maglaan ng 5-10 minuto araw-araw para kausapin ang iyong partner. Hindi kailangan parating heart-to-heart talk. Kahit kumustahan lang. 

Minsan hindi rin kailangan na magsalita. Puwedeng manood ng palabas nang sabay habang magkayakap. Ang importante ay mayroong kayong daily connection, pisikal man o emosyonal.

2. Lagi ninyong inuuna ang mga ibang bagay

Malaki talaga ang epekto ng stress na dulot ng trabaho, pamilya, at pera sa relasyong mag-asawa. Maaaring di niyo namamalayan na mababang prayoridad na pala ang relasyon niyo. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung napapansin niyo na may mali sa relasyon niyo at di kayo nababahala—o baka mas nababahala pa kayo sa inyong pagtaas sa posisyon sa opisina—senyales ito ng relasyong wala nang pagmamahalan. Ang masama ay kung hindi mo na naiisip ang partner mo sa mga plano mo sa future.

TIP: Imbis na parating iniisip na wala ng puwang ang isa’t isa sa busy schedules ninyo, kailangang kundisyunin ninyo ang sarili ninyo na ang lahat ng ginagawa niyo ngayon ay patungo sa future ninyong dalawa. As long as mayroon kayong goal na gustong abutin para sa pamilya ninyo, ‘yon ang magtutulak sa inyo para suportahan ang isa’t isa.

3. Di na kayo nagkakaintindihan

Maaaring lagi kayong nag-aaway. O baka di na kayo masyadong nag-uusap. Kung lumalayo kayo sa isa’t isa dahil sa stress, maaaring nararamdaman ninyo na nawawala ang pagmamahalan ninyo.

Tandaan na mas nakakapagpabagabag ang walang komunikasyon kumpara sa laging pag-aaway. Kung di na kayo nakikipagtalo, senyales ito na hindi na ninyo sinusubukang sagipin ang inyong relasyon.

TIP: Huwag patagalin ang mga hindi pagkakaunawaan. Ngunit hindi rin ibig sabihin na puwersahin na magbati kahit hindi okey ang lahat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bigyan ng panahon na huminahon ang isa’t isa bago mag-usap. Minsan kasi kapag emosyonal ang tao, kung anu-ano ang masakit na nasasabi. 

Ang dapat na parating basehan kung dapat bang pag-awayan ang isang bagay ay ang sagot sa tanong na: “Worth it ba na masira ang araw na ito dahil sa isyu na  ito?” Kung ang sagot ay hindi, let go. 

4. Parang may mali sa inyong pagtatalik

Posibleng nagtatatalik pa rin kayo, ngunit wala ka nang nararamdaman na pag-ibig sa inyong pagsasama. Maaaring naging pisikal lang siya na gawain, at hindi pagpapahayag ng pagmamahal.

TIP: Mahirap na maging excited sa pagtatalik kapag pagod o madaming iniisip. Pero natural sa ating mga tao na maghanap ng physical connection sa ating mga partners. 

Hindi kailangan na sumirko-sirko ka sa kama para maging exciting ulit ang sex life ninyo. Kailangan lang ay kapag nagtatalik kayo, be present. 

Tignan ang partner ninyo sa mata. Yapusin ang isa’t isa. Isipin na iyon ang moment ninyo together.

5. Pakiramdam mo na nakakulong ka

Minsan kapag matagal ka ng hindi masaya sa isang relasyon, nananatili ka na lang dahil sa ibang rason. Hindi mo na nakikita ang partner mo bilang pangunahing rason para magbigay ng effort sa inyong relasyon. Kung pakiramdam mo na nasasakal ka na at gusto mo ng kumawala, hindi na ito magandang senyales.

TIP: Alamin kung bakit ito ang nararamdaman mo. May mga pagkukulang ba ang partner mo sa iyo o may kulang ba sa sarili mo? Ano ang hinahangad mo sakaling makalaya ka sa relasyon ninyo?

Kung internal ang dahilan kung bakit ka nakakaramdam ng ganito, hindi mo ito mahahanap sa bagong relasyon. Hindi kailan man mapupunan ng ibang tao ang pagkukulang sa sarili. 

Mabuti na kumausap ng eksperto tungkol sa mga issues na ganito. Maaaring mag-counseling kayong mag-asawa para dito.

6. Tumitingin ka na sa iba

Senyales ng relasyong wala nang pagmamahalan ang partner na di tumutugon sa mga pagsisikap para sagipin ang inyong relasyon. Dagdag pa rito kung nagsisimula na kayo na mag-explore at mag-isip na baka mas magiging masaya kayo sa piling ng iba.

TIP: Natural sa mga tao na mag-isip na makakakuha pa tayo ng better—mas maganda o guwapo, mas mabait o mas compatible.

Ngunit dapat tandaan na ang pagkasira ng isang relasyon, kadalasan, ay hindi kagagawan lang ng isa sa inyong dalawa. It’s a two-way street, ika nga nila. 

Hindi lang isa ang nagkukulang.

Mabuting mag-reflect kung ano ang mga kadalasang hinihingi sa’yo ng partner mo na hindi mo naibibigay. Pag-isipan ang mga hindi niya naibibigay sa’yo. Pag-usapan niyong dalawa kung paano niyo ito maibibigay sa isa’t isa.

Image from iStock

Wala na bang pag-asa ang inyong relasyon?

Posible pang sagipin ang inyong relasyon, ngunit kailangan niyo ng matinding pagsisikap. Pag-isipan niyo muna kung paano nag-iba ang inyong relasyon at kung ano ang kailangan niyong gawin.

Kailangan ninyong mag-usap ng masinsinan, ngunit maaaring kailangan din ninyo ng break sa isa’t isa. Baka gusto din ninyong magkonsulta sa isang eksperto, tulad ng isang therapist o counselor.

Hindi madali ang buhay may-asawa, pero hindi din ito dapat sobrang mahirap na tila na nauubos ka na.

 

Source: Woman’s Day, Insider

Sinulat ni

Cristina Morales