LOOK: Rich Asuncion binigyan ng surprise baby shower sa Australia

Ibinahagi ng dating aktres na si Rich asuncion ang surprise baby shower sa kaniya para sa kanilang 2nd baby ng mister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rich Asuncion, ibinahagi sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post ang sorpresang baby shower mula sa kaniyang mga kaibigan sa Australia dahil nalalapit na rin ang kaniyang panganganak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Rich Asuncion binigyan ng surprise baby shower sa Australia
  • Buhay ni Rich Asuncion sa Australia

Rich Asuncion binigyan ng surprise baby shower sa Australia

Matatandaan na noong nakaraang taon, buwan ng Setyembre, ipinahayag ng solid Kapuso actress na si Rich ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis para sa kaniyang 2nd baby.

Samantala, nito lamang nakaraan ay hindi ibinahagi ni Rich Asuncion ang tungkol sa ginanap na baby shower para sa kaniya at kaniyang baby, na inihanda ng kaniyang mga kaibigan sa Australia.

Ayon sa aktres, isang buwan na lamang at lalabas ang kaniyang 2nd baby. Gaya ng kaniyang panganay na anak, paniguradong isa nanaman itong cute na cute na little girl.

Ayon kay Rich,

“Baby shower for our little angel. We can’t wait to meet you my love! One more month to go.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion

Excited na excited na ang Kapuso actress sa pagdating ng kaniyang baby girl. Kaya naman labis na lamang kaniyang pasasalamat sa mga kaibigan na naghanda ng surprise baby shower para sa kaniya.

“Thankful to my friends in Australia for the thoughtful surprise for me and my family,” pasasalamat ni Rich sa kaniyang mga kaibigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion

Buhay ni Rich Asuncion sa Australia

Marso 2020 noong lumipad ang Kapuso actress na si Rich Asuncion patungo sa ibang bansa—sa Australia kasama ang kaniyang daughter na si Isabelle Brie.

Ilang buwan pa lamang ng pananatili sa ibang bansa ay ginulat na ng aktres ang mga tao sa kaniyang rebelasyon, ukol sa panibagong career na kaniyang pinasok.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion

Pagbabahagi ng aktres mula sa kaniyang Instagram account,

“Marami naman kasing opportunities dito basta ‘di ka lang mapili. So ‘yon nga, dahil ‘di na ko nagpaka-choosy, sinubukan ko na ang (pagiging)waitress. Casual job at a restaurant.”

Malayo ang pagiging waitress sa trabahong iniwan ni Rich dito sa Pilipinas. Kaya naman ayon sa kaniya, malaking adjustment din ang kinailangan niyang pagdaanan noong mga panahong iyon.

Hindi rin madali ang naging desisyon ni Rich dahil bago siya umalis ng bansa ay naging parte muna siya ng isang kilala at talaga namang pinag-uusapang teleserye sa GMA. Nasa peak si Rich ng kaniyang showbiz career, subalit mas pinili niya na magkasama-sama silang pamilya.

Bago pa man lumobo nang lumobo ang COVID-19 cases sa bansa at magsimulang mag-lockdown ay umalis na ang mag-inang Isabelle Brie at Rich Asuncion sa Pilipinas upang makapiling ang kaniyang husband na si Benj Mudie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, sa kasalukuyan ay mayroong pink collar job si Rich. Habang nagtatrabaho, sinabay niya ang pag-pursue sa pagkakaroon ng online diploma course sa Early Childhood Education and care.

Kung titignan, malayo ang dating buhay ni Rich dito sa Pilinas sa naging buhay niya sa Australia. Sa kasalukuyan, wala nang makikitang bakas ng pag-aartista o show business kay Rich. Subalit para sa kaniya, ito ang “best decision” na ginawa niya sa kaniyang buhay.

Ayon pa sa Kapuso actress na si Rich Asuncion,

“Now, I can honestly say I am content and happy with this new life away from the limelight. New career, new adventures, new hope!”

Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

LOOK: Mag-asawang Rich Asuncion at Benjamin Mudie, nalaman na ang gender ng second baby

Rich Asuncion ineenjoy ang mga natutunan bilang first time mom!

LOOK: Rich Asuncion, pregnant with baby Number 2!

5 bagay na maaaring gawin sa Australia

Nagpaplano ka ba at ang iyong pamilya na bumisita o magbakasyon sa Australia? Narito ang ilang mga bagay na maaari ninyong gawin upang mas mag-enjoy at maging memorable ang inyong experience.

  • Mag-Island hopping sa Whitsundays

Ang mga isla sa Whitsundays sa Queensland ay kabilang sa mga lugar sa buong mundo na itinuturing na world’s finest sailing. Ito ay dahil sa magandang hangin, kalmadong dagat,magagandang tanawin at 74 isa na maaaring puntahan. 

  • Subukan ang luxury train across Australia

Kilala ito sa bilang sa sa world’s greatest rail journey, ang 2979-kilometer voyage na lilibot sa bansa mula Darwin patungo sa Adelaide (o vice versa). Sa biyaheng ito, marami kang maaaring madaanan at makitang naggagandahan tanawin sa bansa.

  • Magpa-araw kasama ang mga kangaroo sa Lucky Bay

Ang pagpapa-araw sa buting buhangin ng Lucky Bay kasama ang mga kangaroo ay isa sa mga itinuturing na iconic na bagay sa Australia. Ang Lucky Bay ay matatagpuan sa Western Australia’s Cape Le Grand National Park.

  • Alamin ang first nations history sa Red Centre

Maaari mong makita o matagpuan ang itinuturing nilang spiritual heart of Australia sa Red Centre. Maaari mong subukan ang Aboriginal guided tour upang lumawak pa ang iyong kaalam ukol sa tradisyunal na pamumuhay sa lugar.

  • Roadtrip sa Great Ocean road

Maaari kang magrenta ng sasakyan sa Melbourne para makapag-roadtrip sa lugar kung saan maraming naggagandahang scenery. Maaari niyo ring puntahan ang sikat na surf spot sa Torquay at Bells beach, mga kangaroo sa Anglesea Golf Course, laid-back town ng Lorne, at kakaibang rock formation ng 12 Apostles.

Bukod sa mga nabanggit, marami pang magagandang lugar na maaaring puntahan at activities na maaaring gawin sa Australia.