Rita Daniela sa anak na si Uno: “Can’t believe you’re the one who’s watching me sleep and kissing me and hugging me now.”

Si Rita na-realize na tama ang ginagawa niya bilang isang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rita Daniela ibinahagi ang sweet moments nila ng son niyang si Uno.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Rita Daniela sweet moments with son Uno.
  • Motherhood journey ni Rita Daniela.

Rita Daniela sweet moments with son Uno

Larawan mula sa Facebook account ni Rita Daniela

Sa Instagram ay nagbahagi ang singer at aktres na si Rita Daniela ng isa sa mga sweet moments ng kaniyang only son na si Uno. Ito ay kuha ng kanilang CCTV na kung saan habang natutulog si Rita ay binabantayan at hinahalik-halikan siya ng anak. Si Rita na-touch sa eksenang ito. Ayon kay Rita, sa pagkita nga ng naturang video nila ng anak ay na-realize niyang tama ang ginagawa niya bilang isang ina.

“Saw this while reviewing the clips of my CCTV..

anak, can’t believe you’re the one who’s watching me sleep and kissing me and hugging me now.

simple things like this motivates me to be a great mom to you.

tapping my shoulder cos i know, i see it now, I’m doing well ♡

I love you, juan andres — my uno♡.”

Ito ang caption ng post ni Rita.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga celebrity friends ni Rita ay nag-comment sa post niyang ito. Isa na nga rito ay ang dancer turned actress na si Lovely Abella.

“Grabe Ga best moment, heto ang pinakasamasarap na nangyari sa buhay nating mga nanay, kahit pagod sila ang dahilan na nawawala yung pagod natin. ❤️”

Ito ang comment ni Lovely sa sweet moments ni Rita Daniela at kaniyang only son na si Uno.

Motherhood journey ni Rita Daniela

Isang taong gulang na ang anak ni Rita na si Uno. Disyembre ng nakaraang taon ng mag-diwang ito ng kaniyang first birthday. Si Rita ngayon ay mag-isang tinataguyod ang anak niyang si Uno. Ito ay matapos niyang kumpirmahin ang hiwalayan nila ng ama nito Hunyo ng nakaraang taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We really tried our best just like everybody else but it didn’t work out.”

Ito ang sabi noon ni Rita sa isang panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Rita Daniela

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement